Hindi si Bea Alonzo ang pinarunggitan ng kapatid ni Dominic Roque na si Lhean.
Ito ang pahayag ni Lhean sa kanyang Instagram Story na ibinahagi bandang 11 p.m. ng Miyerkules, February 7, 2024.
Kaugnay ito ng "wolf in sheep's clothing" na litratong ibinahagi ni Lhean noong Martes, February 6.
Tila nagpahiwatig din si Lhean na wala siyang planong makisawsaw sa isyung hiwalayan nina Bea at Dominic.
Aniya, ito ang huling pagkakataong mababanggit niya ang couple.
Sabi ni Lhean (published as is): "HELLO EVERYONE.
"I JUST WANT TO CLEAR UP THE STORY I POSTED RECENTLY. IT WASN'T ABOUT ATE BEA OR ANYONE CLOSE TO HER.
"IT WAS WORK-RELATED. AND I DIDN'T THINK THAT IT WOULD BE TAKEN OUT OF CONTEXT.
"BECAUSE I USUALLY POST RANDOM STUFF AND NO ONE BATS AN EYE.
"I HOPE THIS EXPLAINS IT.
"AND THIS SHOULD BE THE LAST POST I'LL DO ABOUT THEIR ISSUE."

Read: Dominic Roque's brother alludes to wolf in sheep's clothing amid BeaDom breakup
Hindi maiwasang mabigyan ng kahulugan ang post ni Lhean dahil noon ding Martes naging usap-usapan sa social media ang naunang cryptic post mula sa road manager ni Bea na si Nina Ferrer.
Nag-post si Nina ng definition ng "manipulative sad boi," na tila patama kay Dominic.
Naiugnay iyon kay Dominic dahil may netizens na pumuna na mukhang "sad boy" si Dominic sa solo pictures na pinost ng binata sa Instagram account nito, noong unang bugso ng pagtatanong ng netizens kung hiwalay na sila ni Bea.
Read: Bea Alonzo's road manager posts cryptic message about "manipulative sad boi"; is it Dominic Roque?
Bandang hapon ng Martes nang kumpirmahin ni Boy Abunda sa Fast Talk With Boy Abunda na hiwalay na sina Dominic at Bea.
Walang binanggit na dahilan si Boy.
Read: Confirmed: Bea Alonzo and Dominic Roque break up; call off engagement
Sa kasalukuyan, tikom pa rin ang bibig nina Bea at Dominic sa isyu.
Read: Bea Alonzo-Dominic Roque love story: From friends to lovers
