PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vice Ganda teases Kim Chiu about finding new love

Would a face-off be possible for Kim and ex-boyfriend Xian Lim?
by Rachelle Siazon
Published Feb 9, 2024
Vice Ganda and Kim Chiu
Vice Ganda on Kim Chiu wanting to be a dating searchee on It's Showtime: "Parang gustong sumalang madlang pipol! Abangan natin sa mga susunod na linggo kung sinong espesyal na tao ang uupo dito. Nag-volunteer, e!"
PHOTO/S: Screengrab from It's Showtime

Hindi nakaligtas si Kim Chiu sa panunukso ng It's Showtime co-hosts tungkol sa pagiging single niya.

Sa segment ng "Expecially For You" ngayong Biyernes, February 9, 2024, pinapayuhan ni Vice ang isang searchee na ipagdasal ang kagustuhan nitong makahanap ng bagong nobyo.

Nagpayo rin ang co-host nilang si Amy Perez na ilista ang mga katangiang hinahanap sa isang lalaki at pagkatapos ay ipagdasal iyon.

"Huwag mahihiya humingi ng kahit ano kay Lord," dagdag ni Vice.

Maya-maya pa ay biglang humirit ang co-host na si Vhong Navarro na, "Kim saan ka pupunta?"

Hirit ni Kim, "Pray lang ako!"

Dito na nabaling kay Kim ang alaskahan ng grupo.

"Pray tayo with Kim!" hirit ni Vice.

Read: Vice Ganda tells Kim Chiu "you deserve the best, you deserve love" amid breakup rumors with Xian Lim

Hinabol nila si Kim na iiwas sana sa tuksuhan.

Nag-lay hands pa sila na waring ipagpre-pray over si Kim.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagkatapos ay kinantahan ni Vice si Kim ng "Ang buhay ng isang single ay masayang tunay!"

Sabay bawi rin ni Vice, "Pero serious yun, ha? May the Lord give what your heart desires."

Naiilang man, sabi ni Kim, "Salamat. Ang layo ng narating! Pero salamat."

Dagdag ni Vhong, "Nandito lang kami."

Sabay tukoy ni Kim sa kanyang love life, "In time."

Natatawa man si Kim sa mga biro ng co-hosts, bakas ang lamlam sa mga mata ni Kim na waring nalulungkot pa rin sa kinahinatnan ng kanyang love life.

KIM CHIU VOLUNTEERS TO BE A DATING SEARCHEE

Pero nagbiro ulit si Kim at sinabihan ang searchee, "Nicole, alis ka nga diyan."

Natawa si Vice sa hirit ni Kim na willing itong maging searchee sa dating segment ng It's Showtime.

Ang flow ng segment, maghaharap ang ex-couple para ibahagi ang dahilan ng kanilang breakup.

Pagkatapos ay sa sasaling sa dating search ang isa sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaya sabi ni Vice kay Kim, "Gusto mo ba talaga?!

"Parang gustong sumalang madlang pipol!

"Abangan natin sa mga susunod na linggo kung sinong espesyal na tao ang uupo dito. Nag-volunteer, e!"

Hindi kaila na kahihiwalay lang ni Kim sa boyfriend of 12 years na si Xian Lim.

Read: Kim Chiu and Xian Lim: A Relationship Timeline

Magkatapat pa sa primetime TV ang mga palabas nila. Bida si Kim sa Linlang, na ipinrodyus ng ABS-CBN at umeere sa A2Z at TV5, habang si Xian ay bida sa Love. Die. Repeat. ng GMA-7.

Dahil nasa kabilang istasyon si Xian, humirit si Vice na ang ABS-CBN Production at Star Magic head na si Laurenti Dyogi na lang ang maghahanap ng match para kay Kim.

Natatawang sabi naman ni Kim, "Tama na. Hirap na hirap na ako!"

Hanggang sa kasalukuyan, walang sinasabing dahilan sina Kim at Xian kung bakit sila naghiwalay noong huling bahagi ng 2023.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Kim Chiu confirms breakup with Xian Lim: “Sometimes love is not enough.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda on Kim Chiu wanting to be a dating searchee on It's Showtime: "Parang gustong sumalang madlang pipol! Abangan natin sa mga susunod na linggo kung sinong espesyal na tao ang uupo dito. Nag-volunteer, e!"
PHOTO/S: Screengrab from It's Showtime
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results