Viral ngayon ang video na nagpapakitang spotted sa isang airpot si Ivana Alawi kasama ang isang lalaki, na pinaniniwalaang si Bacolod City Mayor Albee Benitez.
Naka-facemask kasi ang lalaking kasama ni Ivana, at ang ilang netizens na nakapanood sa video ang nagsasabing si Mayor Albee nga iyon.
Video: erkaventure
Ang video ay in-upload sa YouTube ng isang may username na @erkaventure noong January 11, 2024.
Read: Ivana Alawi reveals relationship status: "I am seeing someone."
At this writing, may 19,000-plus views na ang YouTube shorts video na may caption na “Ivana spotted in Japan.”
Sa umpisa ng video ay makikitang kasunod ng actress-vlogger ang kanyang kapatid na si Mona Alawi, na kilala noon bilang ang child star na si Mona Louise Rey.

Makikita rin sa video ang mag-asawang Joey de Leon at Eileen Macapagal na nakapila naman sa katapat na linya ng pila nina Ivana at Mona.
Nilingon pa ni Eileen si Ivana habang umuusad ang pila nila at nakatigil naman ang kina Ivana.

Habang patuloy na umuusad ang linya nina Eileen at Joey, tumapat naman kay Ivana ang isang lalaking naka-polo shirt na puti at naka-facemask. Tumingin ito kay Ivana.
Ito ang sinasabi ng netizens na si Bacolod City Mayor Albee Benitez.

Doon na natapos ang maikling video.
Pinag-usapan ng netizens ang video na ito dahil nali-link ngayon si Mayor Albee sa isang sikat na sexy actress.
Ayon pa sa netizens, ito raw ang patunay kung sino ang sinasabing sexy actress na nali-link sa mayor.
Read: Ivana Alawi gifts sister Mona Alawi with brand-new car worth PHP1.6M
IVANA PREFERS NON-SHOWBIZ
Sa panayam kay Ivana ng TV Patrol noong January 3, inamin niyang masaya ang kanyang puso ngayon.
Ayon sa aktres at content creator, "My heart is happy. Happy.
"Ayoko muna sabihing super happy kasi siyempre ano pa lang, start pa lang.
"So, happy."
Pagtatapat pa niya, non-showbiz daw ang kanyang special someone.
Read: Ivana Alawi on love life: “My heart is happy.”
Mas gusto raw niya ang non-showbiz na karelasyon kaysa sa artista ring tulad niya.
"Selosa kasi ako. So, hindi mag-work pag showbiz at magulo.”
Pagbibigay-diin pa niya, "Gusto ko ng private relationship."

Wala ibinigay na kahit konting details si Ivana tungkol sa kanyang non-showbiz boyfriend.
Pero hindi raw ito seloso sa kanyang mga katrabaho o mismong sa trabaho niya sa showbiz na demanding ang oras.
Noong December 2023 naman ay sinabi ni Ivana sa isang hiwalay na panayam na may kinakatagpo siya. Hindi siya nagbigay ng anumang detalye ukol dito.
MAYOR ALBEE BEING LINKED TO A SEXY ACTRESS
Nang makapanayam naman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sa pamamagitan ni Gorgy Rula ng PEP Troika, si Mayor Albee Benitez sa isang café sa Mandaluyong City kamakailan, napangiti at umiiling lang siya nang diretsahang tanungin tungkol sa nali-link sa kanyang isang sikat na sexy actress.
May mga nagtanong kasi kung si Mayor Albee at ang sexy actress na nga, dahil may nakakita sa kanila sa isang airport na magkasamang umalis patungong Japan.
Read: Mayor Albee Benitez nali-link sa isang sikat na sexy actress

Umiling lang si Mayor Albee at napangiti. Kaya in-assume ni Gorgy na hindi ito totoo.
Pero nilinaw rin ni Mayor Albee kay Gorgy na walang problema kung sakaling totoo man yun, dahil ayon dito, matagal na raw silang hiwalay ng kanyang misis.
Nang ungkatin kung gaano na sila katagal na hiwalay ng kanyang misis, ayon pa sa alkalde, “We have not been a couple for several years already. In fact, we have gotten a dissolution in court several years back.”
MAYOR ALBEE'S WIFE DENIES SEPARATION
Gayunpaman, nitong nakaraang Pebrero 4, 2024, ipinadala ni Victorias City Mayor Javi Benitez, anak ni Mayor Albee, sa PEP.ph via text ang official statement ng kanyang inang si Mrs. Nikki Benitez.

Nikki Benitez and son Javi Benitez
Read: Misis ni Mayor Albee Benitez itinangging hiwalay na sila
Sa pahayag ni Gng. Benitez, sinabi nitong wala silang anumang naging pag-uusap tungkol sa "separation or annulment."
Nananatili rin daw silang nagsasama sa isang bubong sa loob ng 31 taon.
Buong pahayag ni Gng. Benitez: "In light of the recent article and its distressing contents, I wish to clarify that there have been no discussions between my husband and I regarding separation or annulment.
“The quotes attributed to him in the media, suggesting romantic links with several actresses, came as a surprise. We have been living under one roof for 31 years, maintaining our family's unity through all of life’s challenges.
“My commitment to handling our personal matters with dignity and respect remains unchanged. I am especially focused on shielding our children from any pain or anguish brought about by this matter."
MAYOR JAVI'S CRYPTIC POST
Interestingly, nitong February 10 ay may Instagram Story si Javi na text lang at walang kasamang photo.
Ang nasa text: “MONEY TALKS.”

Ang screenshot ng kanyang IG story ay ibinahagi ng isang netizen sa Reddit, at naging mitsa ng diskusyon sa diumano'y relasyon ng kanyang amang si Mayor Albee kay Ivana.

Sa ngayon ay wala pang pahayag mula kina Ivana, Mayor Albee, at Mayor Javi tungkol sa isyung ito.
Mananatili namang bukas ang PEP.ph para sa mga pahayag at reaksiyon ng mga personalidad na nabanggit sa artikulong ito.
