Tila nagpapalamig sa kontrobersiya ang aktres na si Bea Alonzo matapos pumutok ang balitang hiwalay na sila ng fiancé na si Dominic Roque.
Sa Instagram kahapon, February 10, 2024, nag-upload ng video sa Instagram ang isang fan group ni Bea kunsaan makikitang namamasyal ang aktres sa isang mall.
Wala mang binanggit ang nasabing fan group kung saan ito kuha, pero ayon sa kolum sa Abante ni Jun Lalin, nasa Singapore nga si Bea kasama ang pamilya nito.

Kasama ni Bea sa pag-iikot sa nasabing mall ang inang si Mary Anne Ranollo.

Wala nang iba pang update ang fans ni Bea tungkol sa kanyang paglipad sa Singapore.
Timing din ang pagpunta roon ni Bea kasama ang pamilya sa pagdiriwang ng Chinese New Year nitong nakaraang February 10, 2024.
Bago sumapit ang buwan ng Pebrero, may mga bulung-bulungan na ang netizens na tila may problema sa relasyon nina Bea at Dominic.
Hanggang sa kinumpirma na ito ng kaibigan nilang si Boy Abunda sa talkshow nitong Fast Talk With Boy Abunda noong nakaraang February 6, 2024.
Read: Confirmed: Bea Alonzo and Dominic Roque break up; call off engagement
Kasunod nito ay ang kaliwa't kanang batuhan ng akusasyon ng publiko at kung anu-anong haka-haka ng netizens sa tunay na dahilan ng hiwalayan.
Hindi pa naglalabas ng opisyal na pahayag ang magkabilang kampo kung bakit sila naghiwalay.
Pinag-uusapan din ng netizens ang iba't ibang cryptic messages ng mga nakapalibot sa dalawa.
Read: Dominic Roque's brother alludes to wolf in sheep's clothing amid BeaDom breakup
Read: Bea Alonzo's road manager posts cryptic message about "manipulative sad boi"; is it Dominic Roque?
Samantala, noong nakaraang February 8, 2024, binasag na ni Dominic ang kanyang pananahimik.
Kasunod nito ang pakiusap na wala sanang "hate/bashing/negative things" laban kay Bea at sa kanya.
Read: Dominic Roque breaks silence amid breakup with Bea Alonzo
Ngunit bago pa man makumpirma ang hiwalayan noong February 6, tila may pahiwatig si Dominic na may hindi magandang nangyayari sa relasyon nila ng fiancée na si Bea.
Read: Bea Alonzo and Dominic Roque: A relationship timeline
Noon kasing February 2, nagkomento siya ng tatlong yellow faces with closed eyes, frown, and a bead of sweat dripping from its forehead emojis sa post ni Tyler Glass.
Ang meaning nito ay “moderate degree of sadness, pain, frustration, or disappointment.”
Si Tyler Glass ay isang photographer at writer na ipinanganak at lumaki sa Louisville, Kentucky, USA.
Sa kanyang Instagram noong unang bahagi ng Enero 2024, nag-post si Tyler ng Instagram Reel tungkol sa pagli-let go at hiwalayan.
Ayon sa narration ng video na binosesan ng isang babae:
“I need you to do something for me
“I need you to let me go
“You have to let me let you go
“In another life
“Maybe it was you and me
“Maybe there, we love each other right
“And we were happy together
“Maybe in that life we did all the things we said we would
“But we got this one instead
“You were my friend
“My love
“And now a stranger
“But you'll always be my favorite memory.”
Read: Did Dominic Roque hint at breakup with Bea Alonzo days before confirmation by Boy Abunda?
Patuloy pa ring inaabangan ng publiko kung kailan magsasalita ang dalawa at kung maaayos pa ang gusot sa pagitan nila.
