Makahulugan ang sagot ni Boy Abunda nang usisain siya kaugnay ng mga salitang binitawan nina Bea Alonzo at Dominic Roque sa kanilang joint statement tungkol sa kanilang hiwalayan.
Read: Bea Alonzo, Dominic Roque mutually end their engagement
Maiksi ngunit malamang sagot ng tinaguriang King of Talk: “There’s a time to speak and a time to shut up.
"Right at this moment, I’m choosing to shut up — but not for long."
Nakunan ng pahayag si Boy ng gmanetwork.com sa kanyang contract renewal sa Kapuso network ngayong Lunes, February 12, 2024.
Kahapon, February 11, naglabas ng joint statement sina Bea at Dominic tungkol sa kanilang desisyong tapusin na ang relasyon at huwag nang ituloy ang kanilang kasal.
Dito ay pinatutsadahan ng ex-couple ang di nila pinangalanang mga tao na kinumpimra ang kanilang breakup nang wala umanong pahintulot mula sa kanila.
Ang iba naman daw ay gumagawa ng kung-anong istorya na walang basehan at walang katotohanan.
Ito raw ang dahilan kung kaya't napagdesisyon nilang magsalita na sa ikatatahimik nila at ng kanilang pamilya.
Bahagi ng pahayag na inilabas nina Bea at Dominic kahapon, February 11, 2024:
"We wanted to have more time to carefully deliberate and pray about it, but there have been many speculations, questions, and insults.
"Unfortunately, some even confirmed our break-up without our consent, and some created ridiculous stories that had no basis and were utterly false, so we felt the need to share this announcement with great sadness, for our peace of mind and our families."
Sa pamamagitan ng kanyang showbiz talk show sa GMA-7 na Fast Talk With Boy Abunda noong February 6, 2024, kinumpirma ni Boy sa publiko ang hiwalayan nina Bea at Dominic.
Paalala pa ni Boy sa publiko noon, "You have the right to comment. You have the right to share your opinion.
"Pero sana’y let’s exercise prudence, caution, and most important of all, kindness."
Read: Confirmed: Bea Alonzo and Dominic Roque break up; call off engagement
