Napaiyak si Bea Alonzo dahil sa touching gesture ng mga kasama niya sa bahay noong Valentine's Day.
Read: Bea Alonzo and Dominic Roque: A Relationship Timeline
Hindi kaila sa publiko na sariwa pa ang sugat dala ng hiwalayan nila ng fiancé na si Dominic Roque.
Marahil ay mas ramdam ng aktres ang naunsiyaming engagement nila ni Dominic dahil sa dami ng magsing-irog na nagpakita ng kanilang matamis na pag-iibigan sa social media.
Pero hindi naman masasabing loveless si Bea.
Kusang naghanda ng sorpresa ang staff ni Bea sa bahay ng aktres noong mismong umaga ng Valentine's Day.
Ang personal assistant (PA) ni Bea na si Bea Rose ang nag-post sa Instagram ng video.

Dito ay makikitang pinuntahan nila si Bea sa kuwarto para dalhan ito ng balloons, take-out coffee, at heart-shaped cake.
Kakagising lang noon ni Bea, na nakasuot pa ng pantulog, nang salubungin siya ng mga kasama sa bahay.

Sa sobrang tuwa sa gesture ng mga kasama, napaluha si Bea habang nagpapasalamat sa mga ito.
Sabi sa caption ni Bea Rose, "We Love You always TISAY [heart emojis] Happy Valentine's."

"SCRIPTWRITER" COMMENT FROM A NETIZEN
Isang netizen ang pumunang publicity stunt lang umano ang gesture ng mga kasama ni Bea sa bahay.
Sabi nito, "Sino script writer?"

Hindi ito pinalampas ni Bea Rose.
"May mas kikitid pa ba sa utak mo??? Isipin mong scripted yan! Sana maganda video namin kung scripted yan!!! Gunggong ka!!!" tukoy ng PA sa mala-Blair Witch Project na video ng surprise gesture ng mga kasama ni Bea sa bahay.

Pati ang makeup artist at hair stylist ni Bea na si Ayu Manaog ay dinepensahan ang staff ng aktres.
Asar na sabi ni Ayu sa kritiko ni Bea (published as is), "baliw ka ba? O aswang lang? Inggitera kasi wLa gumawa sayo ng ganyan…
"bakit nga ba may gagawa sau ng ganyan eh ang pangit mo..walang nag mammahal sau .chaka ka kasi..
"ate di na uso pangit..hwag mo ng pausuhin.."

BEA ALONZO AND DOMINIC ROQUE'S BREAKUP
Bandang gitna ng January 2024 nang umugong ang usap-usapang hiwalay na sina Bea at Dominic.
Lalo itong naging tampulan ng espekulasyon nang magkaiba ang sagot ng couple tungkol sa estado ng kanilang wedding preparations sa hiwalay na event na nakapanayam sila ng press.
Read: Bea Alonzo insists nothing is firmed up about wedding to Dominic Roque
Dagdag pa rito ang posts nina Dominic at Bea, na sabi ng netizens ay nakitaan ng senyales na may problema ang couple.
February 6 nang iulat ni Boy Abunda ang kumpirmasyon na break na sina Bea at Dominic.
Read: CONFIRMED: Bea Alonzo and Dominic Roque break up; call off engagement
Sa ulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong February 9, nakasaad na may ilang dahilang hinihinalang naging mitsa ng breakup ng couple, base sa kuwento ng tatlong sources na may alam sa hiwalayan ng dalawa.
Read: Why did Bea Alonzo and Dominic Roque call off their engagement?
