Pumanaw na ang beteranong direktor na si Amable "Tikoy" Aguiluz VI.
Kinumpirma ng mismong pamilya ni Tikoy ang pagkamatay ng direktor sa pamamagitan ng statement para sa pamilya at kaibigan.
Mapayapa raw ang pagpanaw ni Tikoy, ngunit sa oras na ito ay wala pa silang maibibigay na detalye. Hayaan daw muna silang magluksa nang pribado.
Kapag handa na sila ay ibabahagi nila ang mga detalye kung saan at kailan maaaring magbigay-pugay at magpaalam sa pumanaw na direktor.
Read: Tikoy Aguiluz shocked by X rating given twice to Tragic Theater's original trailer

Si Tikoy ay isang acclaimed director.
Ang kanyang unang pelikula ay ang kontrobersiyal na Boatman na ipinalabas noong 1984. Mga bida rito sina Sarsi Emmanuelle at Ronnie Lazaro.

Kabilang pa sa mga obra niya ay ang Balweg (1985), Segurista (1996), Rizal In Dapitan (1997), Tatsulok (1998), Tatarin (2001), www.XXX.com (2003), Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story (2011), at El Brujo (2015).
Read: El Brujo director Tikoy Aguiluz on working with Gerald Anderson and Jake Cuenca

Ginawaran siya ng best director ng Gawad Urian noong 1996 para sa Segurista, at sa Metro Manila Film Festival 2011 para sa Manila Kingpin.
Si Direk Tikoy ang founder ng Cinemanila International Film Festival noong 1999.
THE FILIPINO FILM INDUSTRY MOURNS THE PASSING OF TIKOY AGUILUZ
Nang pumutok ang balita tungkol sa pagpanaw ni Direk Tikoy ay kaagad nagpaabot ng mensahe ng pakikiramay at nagbigay-pugay ang ilan sa mga kaibigan at kasamahan niya sa industriya:
Film Development Council of the Philippines
Noel Vera, film critic
Chris Millado, playwright
Raymond Red, filmmaker
Jose Javier Reyes, filmmaker and writer

