PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Edgar Allan Guzman, Shaira Diaz practice celibacy

Edgar Allan Guzman and Shaira Diaz to tie the knot in 2026.
by Jojo Gabinete
Published Feb 19, 2024
shaira diaz edgar allan guzman fast talk
Shaira Diaz on why she strictly practice celibacy with fiance Edgar Allan Guzman: “Kasi ako po, ino-honor ko talaga yung family ko, especially my mom and dad. Yun ang promise ko talaga sa kanila na kahit iwan mo ako saan, buong-buo pa rin ako. And sabi nila, ‘Yun ang best gift na maibibigay mo sa magiging asawa mo.’”
PHOTO/S: GMA Network

Naninindigan si Edgar Allan "EA" Guzman na totoo ang sinasabi nila ng fiancée niyang si Shaira Diaz na matapat ang kanilang pagsunod sa sexual abstinence o celibacy mula nang magkaroon sila ng relasyon noong 2013.

Read: Edgar Allan Guzman, Shaira Diaz reveal they have been engaged since December 2021

“Totoo yon! Hanggang ngayon, pinapraktis namin,” pahayag ni EA nang makausap sila ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) ilang minuto matapos ang magkasabay na guesting nila ni Shaira sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes ng hapon, Pebrero 19, 2024.

Ang kuwento si EA sa Fast Talk tungkol sa sexual abstinence decision nila ni Shaira ang pinag-ugatan ng tanong sa kanya ng PEP.ph.

Aniya, “First two years namin, umiiyak ako sa kanya, kasi ang hirap. To be honest, ang hirap.

"Sobrang nung time na yon, hindi ko na kaya siyempre, di ba?

“Sabi ko talaga sa kanya, ‘Baba, hindi ko na kaya.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pero nung may sinabi siya sa akin na, ‘Kung mahal mo talaga ako, hihintayin mo ako.’ Dun ako tinamaan.

"As in, yun ang lagi kong sinasabi sa sarili ko kapag nakakaramdam ako nang ganito.

"Kaya sabi ko nga, nung nag-announce ako sa engagement namin, ‘I respect Shaira a lot.’”

Dinugtungan ni Shaira ang pahayag ng kanyang fiancé.

Saad ng Kapuso actress-TV host, “Kasi ako po, ino-honor ko talaga yung family ko, especially my mom and dad.

“Yun ang promise ko talaga sa kanila na kahit iwan mo ako saan, buong-buo pa rin ako.

"And sabi nila, ‘Yun ang best gift na maibibigay mo sa magiging asawa mo.’”

Naganap ang wedding proposal ni EA kay Shaira noon pang Disyembre 25, 2021.

Pero isiniwalat lamang nila ito sa publiko noong nakaraang Biyernes, Pebrero 16, 2024, sa pamamagitan ng Unang Hirit, kung saan isa sa mga host si Shaira.

Kinabukasan, Pebrero 17, tahimik na ginunita ng dalawa ang ikalabing-isang anibersaryo ng kanilang pagmamahalan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Bakit nagpasya sila ni Shaira na aminin na sa publiko ang kanilang engagement?

Sagot ni EA, “E, kasi malapit na rin siyang mag-graduate ng college.”

Marketing ang kurso ni Shaira sa University of Perpetual Help sa Las Piñas City. Ang pagiging masipag nito sa pag-aaral ang isa sa mga katangiang minahal ni EA.

Read: Shaira Diaz reveals reason she is not engaged to Edgar Allan Guzman yet: 'Aral muna bago kasal'

Nagpatayo ng bahay si EA southern part ng Metro Manila para malapit siya sa tahanan ng babaeng kanyang piniling makasama habambuhay.

Plano nina EA at Shaira na idaos ang kanilang pag-iisang-dibdib sa 2026, at sinabi na nila kay Boy na isa ito sa mga ninong.

Nang tanungin ng PEP.ph kay Shaira ang dream wedding gown nito, “Wala pa” ang kanyang sagot.

Pero may nagustuhan daw siyang bridal gown na isinukat niya sa nakaraang bakasyon nila ni EA sa South Korea.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinabi ni Shaira na balak niyang bumalik sa South Korea para sa wedding gown na kanyang gagamitin sa araw ng kasal nila ni EA sa 2026.

Read: Edgar Allan Guzman reveals secret of staying celibate with fiancée Shaira Diaz for 11 years

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Shaira Diaz on why she strictly practice celibacy with fiance Edgar Allan Guzman: “Kasi ako po, ino-honor ko talaga yung family ko, especially my mom and dad. Yun ang promise ko talaga sa kanila na kahit iwan mo ako saan, buong-buo pa rin ako. And sabi nila, ‘Yun ang best gift na maibibigay mo sa magiging asawa mo.’”
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results