Cesar Montano's sister finally speaks up about feud with Sunshine Cruz

by Julie E. Bonifacio
Jun 16, 2008
"Totoo ba yun? E, kung hindi naman totoo bakit siya magre-react? I don't even remember mentioning her in FS [Friendster account]. Ngayon, kung may lumabas na nagre-react siya, hindi ko na problema yun. Problema na niya yun," says Ched Manhilot-Cantu (not in photo) about the messages against sister-in-law Sunshine Cruz (in photo) she allegedly posted in her Friendster account.


Nakuha ng The Buzz ang dalawang panig ng isa sa pinakamainit na isyu last week sa showbiz—ang alitan sa pagitan ni Sunshine Cruz at ang kapatid ni Cesar Montano na si Maria Mercedes "Ched" Manhilot Cantu. Nagsampa ng kasong libel si Sunshine noong nakaraang linggo laban sa kapatid ni Cesar dahil diumano sa paninirang-puri.

"Durog na tayo, inaapak-apakan pa tayo," pahayag ni Sunshine pagkatapos magsampa ng kasong libel laban kay Ched noong June 10.

Natukoy raw kasi ni Sunshine na ang kapatid ni Cesar ang naglabas sa Friendster at e-mail account ni Ched ng mga paninira diumano sa pagkatao ng aktres.

May ilang taon na raw nakakatanggap si Sunshine ng mga sulat mula kay Ched. Puno raw ito ng mga mapanirang paratang na pawang inaatake ang aktres. Ang ilan sa mga linyang binitiwan sa e-mail at friendster website ang sunud-sunod na masamang salita.

Ayon sa abogado ni Sunshine na si Atty. Bonifacio Alentajan, "Dalawang kaso ng libel laban kay Ma. Mercedes Manhilot-Cantu. Sapagkat gumawa siya ng mga publications sa Internet ng masasamang bintang laban kay Sunshine, paninirang-puri, at kung anu-ano pang mga malalaswang description."

Continue reading below ↓

Sabi naman ni Sunshine, "Hindi ko naman gusto na ganito talaga, pero napuno na ako. Hindi ko na kaya."

Dagdag niya, "Gusto kong iklaro that this has nothing to do with my husband Cesar Montano. Kung ano ang laban ko ngayon, laban ko ‘to sa kanyang kapatid."

Nilinaw naman ni Sunshine na hindi kasama si Angela sa demandang isinampa niya laban kay Ched. Pero inamin niya na masama ang loob niya dahil sa mga lumabas na balita.

"May sama ng loob siyempre. Parang kasi naimpluwensyahan siya ni Ched," saad ng aktres.

Pero ayon naman kay Sunshine, hindi lang daw siya ang apektado sa kontorbersiya.

"My family, yes! They are affected. Kasi nabasa nila, e. Like my sister in Paris and Macau. They saw everything, and even my Mom. Mom ko ngayon may sakit ‘yan, didiretso dapat sa ospital ‘yan. Pero nandito siya just to support me," lahad ni Sunshine.

Continue reading below ↓

Itinanggi rin ni Sunshine ang kumakalat na balitang pagpa-file niya ng annulment case sa kasal nila ni Cesar.

"No, it's not true," sambit niya.

CHED SPEAKS UP. Nagbigay naman ng pahayag sa The Buzz ang kapatid ni Cesar na si Ched na naka-base na sa Italy.

Ayon kay Ched, "I don't see any reason to take it seriously after all. Kasi I'm an Italian citizen, the Philippine court has no jurisdiction over me."

Sagot naman dito ni Atty. Alentajan, "Kahit saan ka sa buong mundo, kung may nagawa kang krimen dito, dito yun bibistahin."

Sinagot din ni Ched ang bintang na hindi siya boto kay Sunshine para sa kapatid niyang si Cesar.

"I think she [Sunshine] thinks, ‘I don't deserve Cesar as a husband,'" sambit ni Ched. "That is not true. Before their wedding, I received several phone calls. Yung information na ibinigay sa akin was negative. [But] since Buboy made a decision to marry her, I tried my best to be her ate as well."

Continue reading below ↓

Ikinakabit din kasi na may kinalaman ang kapatid ni Cesar sa hiwalayan nila ni Sunshine.

"Yung separation issue na ‘yan, sinasabi ‘ata niya na sinisira ko ang family nila, that is not true. I'm not a home wrecker," mariing sabi ni Ched.

Nag-react din si Ched sa sinabi ni Sunshine na siyam na taon na raw silang may alitan ng kapatid ni Cesar.

"Huwag niyang sabihin na nine years na kaming magkakaaway o nine years nagtitiis sa akin. That's a big lie! Nag-start yung rift namin talaga, yung mother ko pinalayas niya doon sa bahay nila. Parang she was not happy to see my mother around," pagsisiwalat ng kapatid ni Cesar.

Sa sigalot nina Sunshine at Ched, nadamay rin ang panganay na anak ni Cesar na si Angela Manhilot. Ayon kay Ched, hindi raw naging maganda ang turingan nina Sunshine at Angela.

Continue reading below ↓

Kuwento niya, "Nag-away sila, five years ago. They were yelling to each other. Dinala ko si Angela sa Italy. Three months dito sa Italy. She couldn't stay here anymore so she had to go back there. Pagbalik niya doon, ‘Tita, wala na yung kwarto ko doon,' sabi niyang ganun. In-invade na raw ng stepmother [Sunshine] niya. Yun isa sa mga sama ng loob ko. Pero hindi ko ipinakita sa kanya."

Nagpaliwanag naman si Ched sa isyu kung totoo nga na siya ang sumulat sa e-mail at Friendster account niya.

"Totoo ba yun? E, kung hindi naman totoo bakit siya magre-react? I don't even remember mentioning her in FS [Friendster account]. Ngayon, kung may lumabas na nagre-react siya, hindi ko na problema yun. Problema na niya yun.

"E, kung applicable sa kanya yun, e, siya yung nakakaalam, di ba? May kasabihan tayo, kapag may sugat daw ‘pag nabangga o nasangga ng iba, umaaray yung tao."

Continue reading below ↓

Pagkatapos nito, isang malaking pagbubulgar ang inilabas ni Ched sa The Buzz: "May mga ipinadala siyang text message na hindi maganda tungkol sa pamilya namin. May sinasabi siya na mas magiging masaya daw siya ‘pag nakita niya daw na mamatay ang buong angkan namin. One of my brothers has it. Meron siyang kopya nun."

HOPE FOR RECONCILIATION. Nagbitiw rin si Ched ng mabibigat na linya laban sa aktres.

"Yung sincerity mo, yung pagiging sincere mo sa tao... Ayoko kasi ng plastic, e. Number one, hate ko yung pina-plastic ako," sabi niya.

Buwelta naman ni Sunshine, "I think, I believe, that she needs psychiatric help."

Tinanong din ng The Buzz ang mag-hipag kung may pag-asa ba na magkaayos pa sila.

"Years back there was a time, some family members, gusto nila," sabi ni Sunshine.

Sabi naman ni Ched, "Mahirap na tanong 'yan! Hahaha! Siguro, I'm open naman. Sa akin okey lang, for the sake of my brother. I wish her the best."

Continue reading below ↓

Sa huli, nilinaw ni Ched ang balita na isa siyang domestic helper sa Italy.

"Hindi ko naman sinasabi na siya [Sunshine]. Pero siya na rin siguro yung nagpi-feed dun sa mga tao na katulong daw ako. That's not true. I'm a teacher here. Kung hindi ako binigyan ng Panginoon ng magandang trabaho dito, siguro ginawa ko na yun. Why not? It's a noble job," pahayag ng kapatid ni Cesar.

Read Next
Read More Stories About
Sunshine Cruz, Cesar Montano
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Totoo ba yun? E, kung hindi naman totoo bakit siya magre-react? I don't even remember mentioning her in FS [Friendster account]. Ngayon, kung may lumabas na nagre-react siya, hindi ko na problema yun. Problema na niya yun," says Ched Manhilot-Cantu (not in photo) about the messages against sister-in-law Sunshine Cruz (in photo) she allegedly posted in her Friendster account.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results