Mukhang hindi na kailangan ang pag-amin sa publiko na may relasyon na sina Yassi Pressman at Camarines Sur Governor Luigi Villafuerte.
Idineklara na kasi ni Luigi sa publiko na "love of my life" si Yassi sa buhay niya.
Sa isang Instagram Reel na in-upload ni Yassi ngayong hapon ng Miyerkules, February 21, 2024, binitawan ng gobernador ang mga nakakakilig na salitang ito:
“I truly believe pag inspired, lahat possible. Kaya I want to thank the love of my life for supporting this event. Babe, maraming-maraming salamat. Thank you, I love you so much.
"Thank you. Muwah. I love you babe. Let’s give her a round of applause.”
Caption ni Yassi, "aysuuuus namaaan my heart [emojis]
you’re the sweetest @vincenzo.luigi [crying in tears emojis]"
View this post on Instagram
Kinilig naman ang maraming netizens sa sinabi ni Luigi.
Saad ng isa, "Yaweeee kilig much, pinag sigawan pa ang kanyang love kay yassi. Mabuhay ka Gov Luigi."
Komento ng isa, "Haba ng haiiiirrrr ni Yassi ohhhhh"

Sabi pa ng isang netizen, "Kinikilig tlga Ako sa inyo Ate Yass and Gov. Luigi iba Ang Gov nmin Oragon kung ano gaano nya Padangaton Ang Mga Taga Cam. Sur arog man Ang Pagpadangat mo sa saimong kailusyon Ingatan mo c Ate Yass Saka mahalon mo Ning sobra arog sa Pagpadangat mo at sa pagpapagayon sa probinsya Kang Cam Sur Dios Mabalos po See you Soon po"

Sa isa pang post, sinabi ni Yassi na sinadya talaga niya ang pagpunta sa Camarines Sur para suportahan si Luigi para sa IronMan event.
Caption niya, "came to support the homecoming of @ironmantri in CamSur the first place in Asia to hold IronMan!! It was so inspiring to see so many athletes give their all, siguradong naging inspirasyon din po kayo sa marami! galing! congratulations!"
"congrats bub @vincenzo.luigi & the whole CamSur and IronMan team!!!
@visitcamsur"
View this post on Instagram
Noong February 8, 2024, nagbahagi si Yassi ng ilang larawang kuha sa isang local fashion event na ginanap sa National Museum of the Philippines.
Makikita sa dulong post ni Yassi ang isang short video na nag-kiss sila sa lips ng boyfriend.
Read: Yassi Pressman posts kissing video with rumored boyfriend Luigi Villafuerte
