Nakatanggap ng batikos si Mariel Padilla mula sa netizens dahil sa kanyang regular gluta drip.
Ginawa kasi ito sa mismong opisina ng asawa niyang si Senator Robin Padilla sa Senado, kahapon, February 21, 2024.
Kahapon ay dumagsa ang maraming celebrities, kabilang na si Mariel, sa Senado para sa pagpasa ng Eddie Garcia Bill.
Dahil marahil sa kanyang busy schedule, pinasunod ni Mariel ang mga taong nakatakdang magturok sa kanya ng gluta drip.
Habang hinhintay ang session sa Senado, isinagawa kay Mariel ang nasabing procedure.
Nagpakuha pa ng larawan si Mariel habang nagpapa-gluta drip at makikita sa kanyang likuran ang asawang si Robin.
Sabi ni Mariel sa caption, “Drip in anywhere is our motto! Hehehe.
"I had an appointment with @dripinluxeph but I was going to be late so I had it done in my husband’s office hehe
"I never miss a drip because it really helps in sooooo many ways. Collagen production, whitening, energy, metabolism, immunity and soooo much more!!!
"So convenient and really effective. Magaling talaga.”
Ang gluta drip ay ang pagpapasok ng glutathione, isang uri ng antioxidant, sa katawan ng tao sa pamamagitan ng intravenous injection o suwero.
Pinaniniwalaang ang gluta drip ay nakatutulong upang maiwasan ang chronic illness, nagpapabagal ng pagtanda, nagpapalakas ng athletic ability, kinu-control ang pamamanas o pamamaga ng katawan, at nililinis din nito ang atay.
Ngunit kamakailan lamang ay nagbabala ang Department of Health laban sa masamang epekto ng gluta drip, na hindi pa aprubado ng Food and Drug Administration (FDA).
Ayon kay Health Secretary Ted Barbosa, “IV glutathione will whiten your skin and make you look really like caucasian, but it can damage your kidneys and kill you.”
Diin pa niya: “I’m telling you from the Department of Health. It is not safe. The FDA has not registered it for skin whitening. If there’s someone using it, it is illegal.”

NETIZENS REACT
Burado na ang post na ito ni Mariel pero may mga nakapag-screenshot nito at ibinahagi muli sa social media.
Dito na inulan ng batikos ang misis ni Robin.
Ayon sa isang sharer netizen sa X: “Just in: Mariel Padilla proudly conducts a gluta drip session at the Senate office of her husband, Robin Padilla. The Instagram post has already been deleted after receiving backlash.”
Sa Instagram post ni Mariel tungkol sa Eddie Garcia Bill, ang “gluta drip” post ang pinag-iinitan ng netizens.
Sabi ng isang nagkomento: "Parang nawala na yung IV drip post sa senado"
Sagot sa kanya ng netizen: "biglang nahimasmasan gumawa sya ng sariling hearing sa IG post nya"

Komento ng isa pang netizen: "NAKAKAHIYA SA GLUTA DRIP MO"

Obserbasyon ng isa pa: "Ay deleted ang drip kind of thing na proud pa nyang binandera."

Sabi ng isa: "Gluta pa more mamsh! May pang gluta pero walang delicadeza!!"

Narito ang iba pang mga komento ng netizens:





Wala pang pahayag si Mariel ukol sa isyung ito.
