Nang mag-leak ang private conversation nina Herlene Budol at Rob Gomez, inulan ng kabi-kabilang batikos ang dalawang stars ng defunct Kapuso show na Magandang Dilag.
Read: Tatlong beauty queens idinawit sa kontrobersiya nina Rob Gomez at Shaila Rebortera
Kasabay ito ng kontrobersiyal na hiwalayan ni Rob sa dating karelasyong si Shaila Rebortera.
Read: Herlene Budol explains context behind private convo with Rob Gomez; says, “Indi ako hayok sa laman.”
Pero ilang araw lamang mula nang pumutok ang isyu noong December 2023, inanunsiyo ni Herlene na isang single at music video ang hinahanda niya na may titulong "Kain Tayo."
Read: Herlene Budol to release debut single 'Kain Tayo' after controversy involving Rob Gomez
Hango iyon sa naiulat na screenshot ng kanilang diumano'y flirty exchange of messages, na nagpapahiwatig na may ugnayan sila nang higit sa pagiging magkatrabaho o magkaibigan.
Pero sa halip na si Herlene ang nag-record ng kanta, napunta ito sa dating manager ni Herlene na si Wilbert Tolentino.
Sa eksklusibong palitan ng mensahe via Facebook Messenger, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment) si Wilbert kung bakit siya na ang nag-record ng single.
"Ito ay naging tukso sa kaniya, at dahil diyan naisip namin na gawin kanta ito para bigyan ng bagong kahulugan at gamitin ito sa pagbibigay saya sa pamamagitan ng kanta.
"Naisip kong gamitin ang mga binabato sa kanya na 'Kain Tayo,' at gawin naming kanta hindi para kutyain si Herlene, ito ay para baliktarin ang magiging epekto nito sa publiko.
"Pinaunlakan naman ako ni Herlene na gamitin ang pagkakataon itong kantang ito, as my first solo single."
Aminado si Wilbert na "naging malaking hamon" para kay Herlene ang pagkakadawit sa isyu ni Rob.
Sa kabila ng pag-deny ni Herlene na wala silang ugnayan ni Rob, kumalat nang husto ang screenshot na nailathala mismo sa Instagram account ng aktor.
Hinihinalang ang dating karelasyon ni Rob ang nag-upload sa account ng binata noon.
Tinanong ng PEP.ph si Wilbert kung may payo siyang binigay kay Herlene noong kasagsagan ng kontrobersiya.
"Bilang isa influencer na minsan din na-bash, lagi kong sinasabi sa kanya na lilipas din yan.
"Alam niya sa sarili niya ang totoong nangyari. Huwag mahiyang ipaglaban ang sarili.
"Lagi lang siyang matatag."
ON "KAIN TAYO" MUSIC VIDEO
Sabi rin daw ni Wilbert kay Herlene: "Ang gamitin ang panghuhusga sa kanya bilang isang hamon sa buhay para patunayan sa mga basher na nagkakamali sila.
"Saka panahon ngayon, matuto tayong tanggapin ang puna ng publiko bilang isang public figure, dahil balang araw ang publiko din ang mag-uunawa at tatangap sa atin muli."
Sa music video ng "Kain Tayo" ay makikitang pinagsama-sama ni Wilbert ang mga nagpapakilalang content creators na sina Malupiton, Happy Friends, Crazymix, Yumi Ortigas, at Gherzie Fantastico kasama si Herlene.
"Iba't ibang mga masasarap at sikat na mga pagkaing Pinoy ang tinalakay sa kanta.
"Isang creative team kami. Bali kinontak ko si Hazel Cheffy, Euleen Castro, Zeke Guevarra at Femme MNL.
"Pero yung ibang influencers ay ni-recommend ng aking talented na direktor na si Direk Edrex Sanchez.
"Simula pa lang, napag-usapan na namin ang concepto ng sikat na pagkain sa Pilipinas kasama ang Creative Director si Ryan Soto.
"Since, isa rin akong influencer, hindi naman nalalayo sa akin sila sa industria kaya madali namin sila napa-oo.
"At sobra akong nagpapasalamat sa oras na binahagi nila sa proyektong ito."
Ayon pa kay Wilbert, magsasagawa siya ng feeding program gamit ang bahagi ng proceeds na kikitain kapag umabot ng one million views ang music video ng "Kain Tayo" sa YouTube.
May paandar din si Wilbert na pa-contest sa TikTok para sa gagawa ng "Mukbang Dance Craze" gamit ang kanyang kanta.
Aniya (published as is): "Mamimili din ako ng Grand Winner 30K, 1st runner up 15K, 2nd runner up 10K at Top 100 will receive 500 pesos Gcash.
"One way saying thank you for the love & unwavering support ng mga followers po."
Read: Herlene Budol, sinakyan at ginawa pang kanta ang "Kain Tayo" controversy nila ni Rob Gomez
ON BEING CAST IN GMA-7'S BLACK RIDER
Bukod sa pagiging content creator at business owner, pinasok na rin ni Wilbert ang pag-arte.
Bahagi siya ng ongoing prime-time series ng GMA 7, ang Black Rider, kunsaan isa sa sa cast si Herlene.
"Masayang-masaya ako dahil naimbitahan ako sa malaking proyektong ito ng Kapuso Network at primetime pa siya.
"Alam naman natin, na hindi naman ako artista at wala akong acting workshop pero dahil sa tiwala at sa mga tulong ng Direktor ng Black Rider at mga co-stars ko na sina Divine tetay, Pipay, Ervic Vijandre, naging magaan ang lahat.
"At siyempre hindi ako pinapabayaan ng aking alaga na si Herlene sa pagbato ng aking mga lines at eksena."
