PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jolina Magdangal on Rivermaya reunion concert

Jolina Magdangal proud of husband Mark Escueta.
by Khryzztine Joy Baylon
Published Feb 23, 2024
Jolina Magdangal on Rivermaya reunion concert
Jolina Magdangal still on cloud nine after watching husband Mark Escueta (leftmost) at Rivermaya reunion concert: "Napaka surreal ng lahat para sakin. Kasi itong ito ang dinasal ko noon.. ang magkaroon ng asawa na ipaparamdam sakin araw araw na hinding hindi ako nag iisa sa saya lalo na sa hirap ng buhay at sana bonus na musikero sya."
PHOTO/S: Jolina Magdangal/Mark Escueta Instagram

Dream come true para sa Magandang Buhay host na si Jolina Magdangal na muling mapanood onstage na tumutugtog ang asawang si Mark Escueta.

Si Mark ang drummer ng '90s rock band na Rivermaya, na noong February 17, 2024, ay nagkaroon ng reunion concert sa SMDC Festival Grounds sa Parañaque City.

Read: Review: Rivermaya brings joy, nostalgia in highly-anticipated reunion concert

Bukod kay Mark, miyembro rin ng banda sina Bamboo Mañalac, Rico Blanco, at Nathan Azarcon.

Ang much-awaited concert ng Rivermaya ay dinaluhan ng libu-libong tagahanga ng sikat na OPM band.

Una na rito si Jolina na hindi pinalampas ang pagkakataong suportahan si Mark.

Bitbit ni Jolina ang dalawa nilang anak na sina Pele, 10, at Vika, 5.

Sa Instagram post ni Jolina noong February 21, hindi niya napigilang ibahagi ang kasiyahang naramdaman nang masaksihan ang muling pagtugtog ni Mark kasama ang kanyang mga ka-banda.

Kalakip ng post ng TV host, actress, singer, ang video clip kuha mula sa naganap na concert ng Rivermaya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mababasang caption ni Jolina (published as is), "Napaka surreal ng lahat para sakin. Kasi itong ito ang dinasal ko noon.. ang magkaroon ng asawa na ipaparamdam sakin araw araw na hinding hindi ako nag iisa sa saya lalo na sa hirap ng buhay at sana bonus na musikero sya.

"At kasama sa dinasal ko na magkaroon ng mabubuting anak.

"At nung naging kami na ni Mark, Nagdedaydream din kami na pagnagka anak kami, nasa audience ako at mga anak namin tapos todo cheer para sa kanya.

"Lahat nangyari."

Dagdag pa niya, "Iba talaga ang timing ni Lord, sa mga panahong napanghihinaan ako ng loob dahil sa ibang tao o bagay, ang laki ng ipapakita at ipaparamdam nya sakin na… ang dami kong dapat ipagpasalamat dahil napakaswerte ko sa pamilya ko."

Ikinuwento rin ni Jolina ang ilang araw niyang pag-iingat at pagpipigil na hindi ibahagi sa publiko ang ginagawang paghahanda ng banda sa tuwing sinasamahan nila si Mark sa rehearsal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, "Sa nakaraang 3 araw bago yung day ng concert… ingat na ingat ako magpost ng mga pictures na nakakasama kami nina Pele at Vika sa mga rehearsal ng Rivermaya kasi gusto ko talaga sumunod sa rules.

"Ni isang bakal ng scaffolding ng stage tinitignan ko baka may makita sa post, kaya di ko namalayan halos hindi na pala ako nag post ng kahit ano [laughing in tears emoji].

"Pero alam nyo ba,, gustong sumabog ng puso ko araw araw sa hindi ko madetalyeng kwento kung ano nararamdaman ko… pero sure na sure ako hindi tae to [laughing in tears emojis]."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

MARK ESCUETA EXPRESSES GRATIUDE

Sa hiwalay na Instagram post ni Mark nitong Huwebes, Febuary 22, pinasalamatan niya ang kanyang pamilya sa pagmamahal at sumuportang ibinigay ng mga ito sa kanya.

Read: Legal issues bring Jolina Magdangal and Mark Escueta closer

Aniya, hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na dumating ang pagkakataong muli silang nagsama-sama ng mga ka-banda niya sa Rivermaya para magbigay saya at inspirasyon sa kanilang fans.

Kalakip ang pasasalamat niya sa mga patuloy na nagmamahal, tumatangkilik, at sumusuporta sa kanilang musika.

Saad ni Mark, "Ang hirap pa rin ma-contain at himayin yung sari-saring emosyon nung Feb 17.

"Hanggang ngayon binabalik-balikan ko parin yung mga pangyayari, at pinapanood ko pa rin yung show sa tulong ng lahat ng nanood at nag-upload ng kani-kanilang 'souvenirs' ng concert.

"Sa pwesto ko di ko nakikita ang LED screens, lights, or fireworks. Pero kita ko naman kayong lahat kaya busog pa rin ang puso ko. Maraming salamat po.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ang isa sa pinaka-special na nangyari para sa akin nung ay ang blessing na ma-experience ko itong araw na ito kasama si Jolina, Pele at Vika.

"Nung 17 ako at nagsisimula sa Rivermaya, naging pangarap na naming magkaroon ng ganyang kalaking show na parang pang foreign artist.

"Kahit yung pinaka 'major' concerts namin noon ay malayong-malayo sa ginawa ng Live Nation para sa amin ngayon sa halos lahat ng aspeto.

"Mas okey pala na nangyari ito 30 years later, may pamilya na ako at may mas malalim na appreciation sa musika, buhay at blessings ni Papa Jesus.

"Reunion concert pero para sa akin, thanksgiving concert din [praying hand sign emoji].

"Thank you mahal at pinagawa mo itong video na ito. Nadagdagan nanaman ang ating core family memories. Thank you sinasamahan niyo ako mula unang-unang pictorial at rehearsal.

"Para sa inyo ang lahat [heart emoji]."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Daniel Padilla, Maris Racal, Sarah Geronimo spotted at Rivermaya reunion concert

Read: Working mom Jolina Magdangal shares secret to surviving "no yaya" parenting

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jolina Magdangal still on cloud nine after watching husband Mark Escueta (leftmost) at Rivermaya reunion concert: "Napaka surreal ng lahat para sakin. Kasi itong ito ang dinasal ko noon.. ang magkaroon ng asawa na ipaparamdam sakin araw araw na hinding hindi ako nag iisa sa saya lalo na sa hirap ng buhay at sana bonus na musikero sya."
PHOTO/S: Jolina Magdangal/Mark Escueta Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results