Nagdadalamhati ngayon ang singer/TV host/comedienne na si K Brosas sa biglaang pagpanaw ng kanyang adoptive mother.
Sa Instagram nitong Biyernes, February 23, 2024, ipinost ni K ang isang black-and-white photo na may nakasulat na "Rest in Peace."
Sa caption, pinasalamatan ni K ang ina sa lahat ng sakrispisyo at pag-aarugang ibinigay nito sa kanya.
Aniya (published as is), "Mama, maraming maraming salamat sa lahat. I love you.
"Rest in heaven’s glory."
Bilang pag-alala sa namayapang ina, ipinost din ni K sa kanyang Instagram Stories ang litrato nilang kuha pa noong 2016 at 2019 sa Italy, kunsaan namamalagi ang ina at mga kapatid ng singer.


NETIZEN'S REACTIONS
Wala mang nabangit na dahilan si K kung bakit sumakabilang-buhay ang kanyang ina, sa comments section ng kanyang post ay bumuhos ang pakikiramay ng kanyang mga kaibigan, co-celebrities, at fans.



Bukas si K sa pagkukuwento sa publiko ng makulay niyang mga karanasan sa buhay.
Bata pa lamang siya nang ipaampon siya ng kanyang biological mother sa mismong kapatid nito.
Simula nito, ito na ang nag-alaga at kinagisnan niyang ina.
Sa panayam kay K sa vlog sa YouTube ni Karen Davila noong October 5, 2023, ikinuwento niyang nagkaroon sila ng hindi pakakaintidihan ng kanyang ina na naging mitsa para hindi na sila magkausap.
Ani ni K noon, "Lahat ng pamilya ko ngayon ganun, hindi kami nag-uusap.
"Kasi hindi maganda yun last na chikahan namin.
"Yung mama ko, yung nagpalaki sa akin, sa kanya ako concerned kasi sa kanya malaki yung utang na loob ko.
"Siya nagpaaral sa akin, siya nagpakain sa akin, siya lahat.
"Pero nung huling usap namin ganun pa rin—ang sinumbat niya sa akin, e, bakit daw tomboy yung anak ko dahil sa akin.
"Nag-mental breakdown ako, tinapon ko yung cellphone ko. E, that was [the] height of pandemic, doon kami last na nag-usap."
Hindi malinaw kung nakausap uli ni K ang ina matapos ang di nila pagkakaunawaan noon.
