Muling inaresto ng Manila Police District (MPD) ang drag artist na si Pura Luka Vega, Amadeus Fernando Pagente sa totoong buhay.
Nag-ugat ang mga reklamo laban sa drag artist dahil sa kanyang kontrobersiyal na "Ama Namin" o "The Lord's Prayer" performance, kunsaan nag-costume siyang mala-Poong Nazareno, sa isang bar noong July 10, 2023.
Read: "Drag art"? Pura Luka Vega draws flak for "offensive" act of "Ama Namin"
Ang pagkaaresto kay Pura ay ibinalita ng Drag Den creator na si Rod Singh sa kanyang Twitter account ngayong Huwebes, February 29, 2024.
Ayon kay Singh, kailangan ng drag artist ng PHP360,000 para makapagpiyansa muli.
Nakasaad dito: “Last February 26, Pura Luka Vega posted bail amounting to 720,000 pesos for 6 counts of Violation of Article 201 – Immoral Doctrines, obscene publications and exhibition and indecent shows) of the Revised Penal Code in relation to Section 6 of R.A. 10175 (Cybercrime Prevention Act of 2012) in Pasay City after the prosecutor found partial merit in the complaint filed by the Kapisanan ng mga Social Media Brodkaster ng Pilipinas.
“Earlier today, Luka was arrested after a QC court issued a warrant of arrest for 3 counts of the same crime.
“This stemmed from a complaint filed against them by three churches affiliated with the Philippines for Jesus Movement. The recommended bail is P360,000.”
Kaugnay nito, magkakaroon muli sila ng fundraising para sa pangpiyansa at iba pang bayaring legal ni Pura.
Unang beses inaresto si Pura Luka Vega sa kanyang bahay sa Sta. Cruz, Manila, noong October 4, 2023.
Ito ay matapos niyang hindi sumipot sa preliminary investigations ng criminal complaint na isinampa laban sa kanya ng mga deboto ng Itim na Nazareno o Hijos del Nazareno Central.
Ang grupo ng Hijos del Nazareno Central ang nangangalaga sa imahe ng Itim na Nazareno tuwing Traslacion sa Quiapo.
Ang warrant of arrest kay Pura ay inilabas ng Regional Trial Court Branch 36 ng Maynila at pirmado ni Acting Presiding Judge Czarina Encarnacion Samonte-Villanueva.
August 17, 2023, nagsampa ng reklamo ang Hijos del Nazareno Central laban kay Pura.
Ayon sa kanila, paglabag sa Cybercrime Prevention Act ang video post sa remix performance ni Pura ng "Ama Namin."
Malaking kalapastanganan daw sa Panginoon ang kanyang ginawa.
Gayunpaman, handa raw silang iatras ang reklamo kung hihingi ng tawad si Pura sa Poong Nazareno.
Read: Drag artist Pura Luka Vega arrested for failure to attend preliminary investigations
Bago ito, nagsampa rin ng kaso ang ilang Christian group leaders na nasa ilalim ng Philippines For Jesus Movement dahil sa paglabag umano ni Pura sa Article 201 of the Revised Penal Code.
Samantala, may labindalawang LGUs sa bansa ang nagdeklara kay Pura bilang persona non grata sa kani-kanilang lugar.
