Inamin ng dating child actress na si Nella Dizon na ang kanyang role sa pelikulang Apo Hapon (A Love Story) ang pinakamahabang papel na nagampanan so far.
Lahad pa ni Nella, matapos mapanood ang pelikula sa premiere nito, "Siyempre po I’m very grateful to everyone who included me in this cast, and siyempre I’m hoping for more projects soon.
“Pero other than that, I’m very happy kasi very surprising din yung role ko kasi bigla akong nabuntis, meron palang attempted rape scene.”
Si Nella ay anak ng multi-awarded actor na si Allen Dizon.
Read: Allen Dizon finally reveals wife and two daughters
Maraming beses nang nagkasama sa pelikula sina Allen at Nella, pero may mga pagkakataong hindi sila magkasama sa iisang proyekto, tulad dito sa Apo Hapon (A Love Story).
Ano ang advantage at disadvantage kapag kasama ni Nella sa isang proyekto ang kanyang ama?
Saad niya, “Advantage po pag kasama ko siya sa movie, I get to ask him for advice, on how I can portray the role better, kung papaano ko mabi-bring to life yung character ko.
“Disadvantage naman, siyempre nape-pressure pa rin ako pag nandiyan siya and kinakabahan ako, kasi baka nanood siya sa monitor tapos ang pangit ng pag-arte ko.”
Nangyari na raw na nasabihan siya ni Allen na hindi maganda ang akting niya sa isang eksena.
“Dahil baguhan pa rin po ako until now, meron pa rin pong mga instances na hindi ko masasabing, like, magaling akong actress talaga.”
Read: Allen Dizon's "salbahe" character earns ire of Jillian Ward's fans
Nakausap ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) si Nella sa celebrity premiere ng Apo Hapon (A Love Story), na ginanap sa Cinema 3 ng SM The Block, sa Quezon City, noong Huwebes, Pebrero 22, 2024.
ON POSSIBILITY OF JOINING A BEAUTY PAGEANT
Bukod sa pagiging artista ay isa ring beauty queen si Nella, na kinoronahang Mutya ning San Fernando noong 2023.
Nasa plano na ba niyang sumali sa Miss Universe Philippines?
View this post on Instagram
Natawa muna si Nella bago sinabing, “Sa ngayon po, hindi ko po alam if I’m gonna join any more pageants.
"Hopefully, pero siguro po dahil medyo na-hurt pa rin ako sa last kong pageant.
“Yung pinaka-last ko po kasing pageant is for the whole of Pampanga.”
Si Nella ang representative ng bayan ng San Fernando sa Mutya ning Kapampangan na idinaos noong Disyembre 2023. Pumuwesto lamang siya bilang isa sa Top 10 finalists.
Tuluyan na ba niyang isinasara ang pagkakataong sumali sa national pageants?
Tugon ni Nella, “I’m not closing my doors po, pero siguro ngayon I want to focus on what I can improve.”
Ang pagiging artista niya?
“Kasi po siyempre, not necessarily showbiz, on myself, on what I can improve myself on—acting, on pageantry.
"Kasi po ngayon, Miss Universe has branches na po, kasi po meron siyang Miss Universe Pampanga.
"And parang may balak pa po yata silang mag-Miss Universe San Fernando tapos sasali po sa Miss Universe Pampanga bago siya mag-national.
“Although makikita mo naman po talaga pag sa Miss Universe Pampanga kung sino talaga yung pinaka-deserving, and that’s very nice.
"Pero siguro po, sa ngayon lang nga po, like what I said, I just need to improve on myself more.”
Bakit niya nasabing nasaktan siya sa huli niyang pagsali ng pageant?
Paliwanag ni Nella, “Kasi po… hindi ko naman po ini-expect na manalo ako, yung pinaka, I wanted to achieve lang is at least Top 5.
"Kahit po fourth runner-up lang ako, kahit hindi po ako manalo, okay lang, kasi po tinanggap ko na kumbaga sa sarili ko, e.
“And the fact na hindi ko po na-achieve iyon, hindi ko pa naabot, siyempre po masakit po sa akin yun.”
Ipalalabas ang Apo Hapon (A Love Story) sa mga sinehan simula sa March 6. Mula sa direksiyon ni Joel Lamangan, produced ito ng GK Productions at line produced ni Dennis Evangelista.
