Labis na ikinalulungkot ni Chariz Solomon ang pagsasara sa ere ng Tahanang Pinakamasaya, ang kinabibilangan niyang noontime show na unang nakilala bilang Eat Bulaga!.
Read: TAPE noontime show, Tahanang Pinakamasaya na ang title; di na ginamit ang Eat Bulaga!
Sa kanyang Instagram kahapon, March 3, 2024, nagbigay-pugay si Chariz sa noontime show, kung saan isa siya sa regular hosts.
Kasama niya sa progama sina Isko Moreno, Paolo Contis, Betong Sumaya, Buboy Villar, Cassy Legaspi, Mavy Legaspi, Glaiza de Castro, Winwyn Marquez, Kokoy de Santos, Yasser Marta, Kimpoy Feliciano, Alexa Miro, Arra San Agustin, at Dasuri Choi.
In-upload niya ang iba't ibang larawang kuha noong nasa ere pa sila.
Sabi ni Chariz sa caption, "I’m excited for God’s greater purpose for this Beautiful family."
View this post on Instagram
Sa comments section ay nag-iwan ng mensahe ang kanyang co-hosts.





CHARIZ ANSWERS NETIZENS' COMMENTS
Nagtanong ang isang netizen kung last episode na ba ng Tahanang Pinakamasaya nung Sabado, March 2.
Ayon dito, "Sis true ba last day nyo kahapon Satuday?"
Kinumpirma ni Chariz na last live airing na ng noontime show noong Sabado.
Aniya, "sadly, opo. But praying for best days ahead.
"Mababait po ang mga kasamahan namin dyan, at napakagagaling na tao. They work whole heartedly, at grabe po ang prinsipyo sa buhay.
"Kaya po ipagdarasal ko na mabigyan sila agad ng trabaho, para sa kanilang pamilya."

Read: Tahanang Pinakamasaya, wala na sa Facebook; tuluyan nang sisibakin sa ere?
Umaasa naman ang isang netizen na mabigyan ng trabaho ang production staff at ang direktor na kasabay ring nawalan ng hanapbuhay sa pagsasara ng noontime show.
Komento ng netizen, "Hindi ko alam ang buong story pero if shutdown na talaga ang TAPE Inc, Sana ihire ng GMA itong si Direk Moty. Mas magaling pa siyang direktor kaysa kay direk Louie or even the director ng All Out Sundays IMO."
Sagot ni Chariz, "lahat po ng nabanggit nyong direktor magagaling po in their own ways, ang yes napakagaling po talaga ni direk Moty. Sobrang lodi po."
Tinatayang 130 katao ang nawalan ng trabaho.
Read: 130 empleyado nawalan ng trabaho sa pagsasara ng Tahanang Pinakamasaya

Tinawag namang "negative" ng isang netizen ang Tahanang Pinakamasaya dahil sa mga isyung kinaharap nito.
Ayon dito, "naumpisahan sa negativity.. kya negative din ang naging result i only love janice sa pm. pero u joining this noontime, no comment."
Magalang na tugon ni Chariz, "thank you for loving Pepito Manaloto I want you to know, I wouldnt be part of something na negative. Baka sa mga nababasa nyo, nakikita nyo, nega kami… pero sa tahanan namin, it’s true… sobrang saya. I’m sorry you feel that way for TP."

Pang-aasar naman ng isang netizen, "Tahanang pinasara"
Buwelta ni Chariz, "ang witty mo… ikakayaman mo yan…"

Samantala, in-upload ng isang audience member ng show sa YouTube ang mga kuha niya nang nagpaalam sa ere ang hosts ng Tahanang Pinakamasaya.
Kitang-kita ang kalungkutan sa buong studio nang off-the-air na ang noontime show.
Makikitang nag-iyakan at nagyayakapan ang mga host.
Simula ngayong Lunes, Marso 4 hanggang Marso 7, replays ng kontrobersiyal na programa ang matutunghayan.
Read: Tahanang Pinakamasaya, replay na ang pinapalabas; kapalit na show, ginagawa na ang set?
