Nagsimula sa isang blind item, pero later on ay lumabas ang pangalan ni Jake Cuenca na hunk actor daw na nung minsang malasing sa isang gimikan ay nagmalaki umano na siya ang nagdadala o leader ng grupo nilang Coverboys. Nagbitaw pa raw ng salita na patataubin niya ang popularidad ni John Lloyd Cruz.
Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Jake sa nakaraang pictorial nito for his new TV show Your Song, agad na nilinaw nito ang bagong isyu tungkol sa kanya.
"Sa ilang okasyon, naitanong na sa akin ‘yan, na kino-consider ko raw ba na ako ang leader sa grupo. Sa totoo lang, kung mayroon mang leader ang Coverboys, iisa lang yun at di namin kinukuwestiyon yun. Si Rafael [Rosell] lang yun, kasi he's the most experienced in the group. Siya yung nagmo-motivate sa amin...na galingan namin at talagang i-cherish ang mga oportunidad na ibinibigay sa amin. Nandito lang ako sa punto na nagbibigay ako ng advice sa mga bagong miyembro ng grupo and ako, I do my best.
"With the Coverboys naman, we don't compete with each other, we're very supportive to each other. Iba-iba naman yung tina-tackle naming mga images. Iba yung tina-tackle naming mga audiences. Every Sunday, tuwing may concerts kami, may mga tours, nakikita mo sa unang pagkakataon different individuals in one group entertaining everyone.
"Regarding John Lloyd, I started in this industry looking up to Bea and John Lloyd. Isa sa mga idolo ko si John Lloyd. Mabait siyang tao. Di pa kami nagkakatrabaho, di pa kami nagkakasama, pero sa mga kaunting pagkakataon na nagkakausap kami sa ASAP, marami din naman akong natutuhan sa kanya and I will not compete with anyone. I just do what I have to do."
SHAINA, ROXANNE, BEA. Kapareha ni Jake si Shaina Magdayao for the first time sa Your Song at mukhang pati sa pelikula ay si Shaina na rin daw ang makakapareha nito (click here for related story). Sa tinatakbo ng career path ni Jake ay mukhang tuluyan na nga talagang binuwag ang tambalan nila ng ex-girlfriend na si Roxanne Guinoo.
"Kampante ako na si Shaina ang ibinigay sa akin na ka-partner sa Your Song. Shaina is napaka-talented, she's much more experienced than me when it comes to acting and I'm really looking forward to working with her.
"As for Roxanne, I'm very proud of what Roxanne has accomplished. Masayang-masaya ako sa ginagawa niya sa Ligaw na Bulaklak, sinusubaybayan ko yun. Napakaganda ng istorya, napakagaling ni Roxanne umarte and I have to congratulate her for that.
"Dati pa napag-uusapan na namin ni Roxanne na it would be better if we succeed as individuals. Pero nagkataon naman kasi na marami ang humanga at tumangkilik sa love team namin at hanggang ngayon, yung suporta ng mga fans, nandun pa rin. Hindi pa rin talaga namamatay. Pero sana lang, ngayon na may kani-kanya na kaming career path na tinatahak, naipapareha na kami sa ibang mga artista, sana suportahan pa rin nila kami."
Marami ang nagsasabi na sa itinakbo raw ng relasyon nina Jake at Roxanne ay mukhang mas malalim raw ang emosyon na ibinigay ng young actress kaysa kay Jake. Sa obserbasyon pa ng iba, mukhang naka-move on na raw si Jake samantalang mukhang di pa rin daw tanggap ng aktres ang kanilang paghihiwalay. At heto nga't may tsismis pang nagbigay raw siya ng flowers kay Bea Alonzo.
"When it comes to issues, I don't really back down. Lahat ng issues na ibinabato sa akin, whether it be a gay issue, whether it be issues with my personal life, hinaharap at sinasagot ko ‘yan. Pero pagdating naman siguro dito, di naman kami masyadong naging patago ni Roxanne when it comes to our personal life. Sana at this point in time, nandito ako sa punto na hinihingi ko na lang na ibalato ninyo sa akin ito.
"At the end of the day, yung support ko for her is unconditional. No matter what happened, we still love each other as friends pero nandun na kami sa puntong we're moving on.
"Dun sa nagbigay daw ako ng flowers kay Bea, just like I've said pagdating sa personal na buhay ko, ibalato ninyo na lang sa akin. But di ako magde-deny at di ko rin inaamin. Basta nagkikita kami sa ASAP. Hindi pa kami nagkakatrabaho but mabait siyang tao."
ROXANNE'S SEXY PICTORIAL. Kumpirmadong nag-sexy pictorial na si Roxanne para sa cover ng isang magazine at mga bulaklak lang daw ang nakatakip sa mga maseselang bahagi ng katawan nito. Kung girlfriend pa kaya niya si Roxanne, papayagan kaya niya itong mag-pictorial nang gano'n?
"Pagdating sa ganyang bagay, lagi ko siyang sinusuportahan. Kasi ako rin naman, may panahon nag-underwear ako [sa pictorial], so I was never against that. Of course nung kami pa, may ‘ilang' factor, pero hindi naman din ako ipokrito dahil ginagawa ko rin naman iyon [sexy pictorial] dati. Kahit ako ipo-promote ko na sana bumili kayo ng issue ni Roxanne sa magazine na yun. Sana suportahan ninyo."
