Hindi makalilimutan ni Katrina Halili ang pagmamahal na ipinaramdam sa kanya ni Jaclyn Jose dalawang linggo bago pumanaw ang beteranang aktres.
Pumanaw si Jaclyn, sa edad na 60, noong March 2, 2024.
Read: Multi-awarded actress Jaclyn Jose dies at 60
Noon lamang Enero 28, 2024, pumanaw ang nobyo ni Katrina na si Jeremy Guiab sa edad na 53 taong gulang.
Si Guiab, na dating vice-mayor ng Wao, Lanao del Sur, ay dumanas ng fatal heart attack.
Read: Katrina Halili's boyfriend Jeremy Guiab dies
Ayon kay Katrina, personal siyang binisita sa bahay ni Jaclyn.
Gusto raw siya nitong i-comfort.
Kagabi, March 4, 2024, pinost ni Katrina sa Instagram ang screenshot ng palitan nila ng mensahe ni Jaclyn.
Makikita rito na si Jaclyn ang boluntaryong nagtanong kay Katrina kung gusto nito ng makakasama.
Saad ni Jaclyn (published as is): "Overnight tayo katabi kita.. iam sorry d ako nakarating...
"Sama mo mga bading .. para masaya.inom tayo kain iyak ok lang ..cant wait."
Pumayag si Katrina.
"Sige tita jhane, dala din po ako food.
"Kaso kasama ko po anak ko and yaya, pati gf ng kapatid ko.
"Dbale tita jhane may ipapabantay kami sayo."
Excited si Jaclyn na magkita sila ni Katrina para kahit papaano raw ay maibsan ang sakit na nadarama ni Katrina sa pagkawala ng minamahal na nobyo.
Sinabi rin ng beteranang aktres na palagi niyang naiisip si Katrina.
Dagdag pa ni Jaclyn, "i feel you" at "swimming tayo mga bata."

Natuloy ang pagbisita ni Jaclyn sa bahay ni Katrina.
Ipinakita pa ni Katrina ang litrato nila kasama ng anak ni Katrina at ilang mga kaibigan.

Nagkatrabaho sina Jaclyn at Katrina sa GMA-7 series na D' Originals (2017) at pelikulang Sundo (2009).
Marami sa mga kaibigan at katrabaho ni Jaclyn ang nagbigay-pugay sa exceptional talent at genuine relationships ng beteranang aktres.
Read: Alden Richards, Vilma Santos, Iza Calzado, Charo Santos pay tribute to Jaclyn Jose
Nagsimula ang lamay para kay Jaclyn kagabi, March 4, sa Arlington Chapel sa Araneta Avenue sa Quezon City.
Related Stories:
- Jaclyn Jose: A life lived like in the movies
- Andi Eigenmann reveals mom Jaclyn Jose died of heart attack
- Phillip Salvador, Alfred Vargas, Adolf Alix Jr. nagluluksa sa pagpanaw ni Jaclyn Jose
- Angel Locsin, Barbie Forteza, Kylie Padilla, Andrea Torres, more celebs mourn death of Jaclyn Jose
- Andi Eigenmann, nilinaw ang isyu sa edad at petsa ng kamatayan ni Jaclyn Jose
- Stella Suarez Jr. nagdadalamhati sa pagpanaw ng kaibigan at kasabayang si Jaclyn Jose
- aclyn Jose’s close friend posts last conversation with late actress: “I waited at the Cinema but you never came.”
- Alden Richards, Vilma Santos, Iza Calzado, Charo Santos pay tribute to Jaclyn Jose
- Claudine Barretto "in unbearable pain" over Mula Sa Puso co-star Jaclyn Jose's death
- Andi Eigenmann, Jake Ejercito magkasama sa pagdating ng labi ni Jaclyn Jose
- Andi Eigenmann pens tribute to late mom Jaclyn Jose: “Wala na ang sakit. Wala na ang takot.”
- Nora Aunor, Lorna Tolentino, Gladys Reyes nagluluksa sa pagpanaw ni Jaclyn Jose
- Claudine Barretto breaks down at Jaclyn Jose's wake
- Gina Alajar, Vina Morales, Jean Garcia, more celebs pay homage to showbiz icon Jaclyn Jose
- Jake Ejercito pays homage to late Jaclyn Jose: "I surely wouldn't have survived those years of fatherhood without your guidance."
Jaclyn Jose's memorable quotes about parenting - Black Rider star Gladys Reyes "invades" Batang Quiapo night at Jaclyn Jose's wake
- Bing Pimentel shocked by "tragic" death of Jaclyn Jose
