Inamin ni Claudine Barretto na tatlong buwan na ang nakalipas mula nang huli niyang makausap si Jaclyn Jose.
Pumanaw si Jaclyn noong March 2, 2024.
"Three months ago at pinagsisihan ko yun," saad ni Claudine.
Nakapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang reporters sa Arlington Chapel sa Quezon City noong gabi ng March 5.
Nakatira sa parehong village sina Claudine at Jaclyn.
Ani Claudine, "Ilang houses lang down. Yes, naging busy, pero kahit na. Hindi excuse yun."
Hindi pa rin daw siya makapaniwala nang una niyang malamang pumanaw si Jaclyn dahil sa tingin niya ay "wala siyang problema, very healthy siya. Very, very healthy siya."
Ani Claudine, "non-stop" ang iyak niya nang sumunod na araw mula nang mapabalitang wala na si Jaclyn.
Present si Claudine noong kalalagak pa lang ng cremated remains ni Jaclyn sa Arlington Chapels pasado alas dose ng March 5, at noon ding gabi ng March 5.
Read: Claudine Barretto breaks down at Jaclyn Jose's wake
CLAUDINE BARRETTO HAPPIER TIMES WITH JACLYN JOSE
Nagkasama ang dalawa at naging malapit sa isa't isa sa Mula Sa Puso, ang prime-time series ng ABS-CBN, na umere mula 1997-1999.
Hindi sila nawalan ng komunikasyon lalo na nang maging magkapitbahay sila.
Ayon kay Claudine, "Not many people knew na magkapitbahay kami.
"Gaya ng sinabi ko, minsan pag galing siya ng taping, bago siya umuwi, dadaan sa bahay.
"Aakyat ng kuwarto, saka sasabihin niya sa akin, 'Na-miss ka lang ni Nanay kaya dumaan ako.'"
Ganoon daw sila kakumportable sa isa't isa.
Si Jaclyn din daw ang naging sandalan ni Claudine sa oras ng problema.
"Kapag may problema ako, tatakbo naman ako sa bahay niya, especially nung nakabili ako ng trike, nabunggo ko pa yung kotse niya.
"Aakyat lang ako sa kuwarto niya, papasok lang ako, then diretso na ako sa kuwarto niya, tatabihan ko siya.
"Alam niyo naman na may pinagdadaanan talaga akong mga problema, and she's always been there.
"Kapag sinabi ko na, 'Nay, puwede dito na muna ako?' Papatahanin niya ako."
Read: Andi Eigenmann reveals mom Jaclyn Jose died of heart attack
FOND MEMORIES
Sobra raw maasikaso si Jaclyn.
Kuwento pa ni Claudine, "The next day may mainit na mainit na sinigang na ako from her.
"Basta pag may pinagdaraanan ako, nararamdaman niya ako.
"Hindi ko alam kung bakit di ko siya naramdaman. Yun lang yung regrets ko."
Kilala rin na makulit at masayahing tao si Jaclyn, at nakita raw ni Claudine ang side na ito ng beteranang aktres.
"Pumupunta yan sa bahay, may dalang sariling cooler na may beer.
"Tapos sasabihin niya, 'Anak, wala kang kasabay, dito magsu-swimming ako, bahala ka.'
"Pagdating dun, 'Ilabas mo na ang buntot mo.' 'Ano ba, Nanay!'" pagbabalik-tanaw ni Claudine.
Ang tinukoy noon ni Jaclyn na "buntot" ay ang ginampanan ni Claudine na karakter bilang sirena sa teleseryeng Marina noong 2004.
Related Stories:
- Jaclyn Jose: A life lived like in the movies
- Andi Eigenmann reveals mom Jaclyn Jose died of heart attack
- Phillip Salvador, Alfred Vargas, Adolf Alix Jr. nagluluksa sa pagpanaw ni Jaclyn Jose
- Angel Locsin, Barbie Forteza, Kylie Padilla, Andrea Torres, more celebs mourn death of Jaclyn Jose
- Andi Eigenmann, nilinaw ang isyu sa edad at petsa ng kamatayan ni Jaclyn Jose
- Stella Suarez Jr. nagdadalamhati sa pagpanaw ng kaibigan at kasabayang si Jaclyn Jose
- aclyn Jose’s close friend posts last conversation with late actress: “I waited at the Cinema but you never came.”
- Alden Richards, Vilma Santos, Iza Calzado, Charo Santos pay tribute to Jaclyn Jose
- Claudine Barretto "in unbearable pain" over Mula Sa Puso co-star Jaclyn Jose's death
- Andi Eigenmann, Jake Ejercito magkasama sa pagdating ng labi ni Jaclyn Jose
- Andi Eigenmann pens tribute to late mom Jaclyn Jose: “Wala na ang sakit. Wala na ang takot.”
- Nora Aunor, Lorna Tolentino, Gladys Reyes nagluluksa sa pagpanaw ni Jaclyn Jose
- Katrina Halili posts convo with Jaclyn Jose comforting her after boyfriend's death
- Claudine Barretto breaks down at Jaclyn Jose's wake
- Gina Alajar, Vina Morales, Jean Garcia, more celebs pay homage to showbiz icon Jaclyn Jose
- Jake Ejercito pays homage to late Jaclyn Jose: "I surely wouldn't have survived those years of fatherhood without your guidance.
- Vice Ganda fondly recalls working with late Jaclyn Jose in two projects
- Bunny Paras, inalala ang pakikipagtrabaho kay Jaclyn Jose sa isang telesine
- Julio Diaz, nagulat na "naunahan" pa siya ni Jaclyn Jose
- Kylie Verzosa on most memorable line she got from late Jaclyn Jose: "May future ka."
- Andi Eigenmann moved to tears by Coco Martin's eulogy for Jaclyn Jose
- Max Eigenmann recalls spending weekends with half-sister Andi, stepmom Jaclyn Jose
- Coco Martin says he had premonition about Jaclyn Jose’s death
- Bunny Paras, inalala ang pakikipagtrabaho kay Jaclyn Jose sa telesine version ng Ligaya Ang Itawag Mo Sa Akin
- Jomari Angeles, inalala ang glorious moment ni Jaclyn Jose sa Cannes
- Philmar Alipayo bids goodbye to late mother-in-law Jaclyn Jose
