Nagulat ang netizen na si Cheena Salvador nang ang i-deliver sa kanya na package para sa inorder na laptop online ay isang piraso ng kahoy ang laman.
Ang insidente ay iniulat ng programang 24 Oras ng GMA News noong March 6, 2024.
Ayon sa report, February 22 nang dumating kay Cheena ang package.
Ang presyo ng laptop ay PHP29,000.
Read: Shoe collector scammed by teenager who sold PHP1M worth of sneakers; will not get refund
Kinunan ni Cheena ng video ang pagbubukas ng package.
“Para may proof kung maganda or hindi yung product.
“So, pagbukas namin, nakita po namin na kahoy yung laman.”
Read: Biktima ng text scamming idinetalye kung paano nalimas ang life savings

Hindi na niya tinukoy ang pangalan ng online seller, pero batay sa research niya, legitimate naman ito.
“Sikat po siya na bentahan. Marami rin po siyang followers.
“At the same time, flagship store din po siya. Tapos yung price po kasi nun, parang same din siya na price sa on hand na bibilhin kaya naengganyo po kami na bumili sa store na yun.”
Read: Babae, nagpakasal 4x at naging milyonarya; puhunan ang ganda at galing magtahi ng istorya
At dahil isang pirasong kahoy ang dumating sa kanya, nag-file si Cheena ng reklamo.
Humingi rin siya sa online seller ng refund.
Read: Babae inaresto dahil sa milyun-milyong naharbat bilang sugar-daddy swindler at dating scammer

Ayon naman sa online seller, nag-report na ito ng claim para sa lost item.
Nawawala na umano ang orihinal na parcel na naglalaman ng tunay na laptop.
Ibinalik na rin nito ang ibinayad ni Cheena.
Read: Misis nakatanggap ng delivery na 1,020 condoms; hindi naman siya nag-order
Nang ilapit ng GMA News sa Department of Trade and Industry ang insidente, ayon kay Assistant Secretary Amanda Nograles, “Marami pong option yung biktima dito.”
Puwede umanong mag-file si Cheena sa DTI ng reklamong deceptive sale laban sa online seller.
Sinabi ni Nograles na ang parusa para sa deceptive sale ay aabot nang hanggang PHP300,000.
Dagdag pa ng opisyal ay puwede ring mag-file si Cheena ng criminal case.
“Siyempre, case to case basis yung approach. Yung sa ganyan, kailangang imbestigahan natin kung saan nangyari ang diperensya.”
Read: IC Mendoza loses PHP30K to online scammer: "Pakibalik mo na, kahit partial lang."
Paalala pa ni Nograles, “Pag bumibili online kailangan i-check nila yung item na binibili nila. Bumili lang sa authorized o trusted na seller nila.”
Huwag din aniyang aalisin ang benefit of the doubt kapag may bibilhin online lalo na kung mataas ang presyo ng item.
Para naman kay Cheena, isinapubliko niya ang nangyari sa kanya para makaiwas ang ibang online buyers na ma-scam din.
“Ang gusto ko pong mangyari ngayon ay maging awareness po ito sa mga taong bibili online, na maging mapanuri sa mga online store.”
Read: UNTOLD STORIES: Details Lolit Solis has never revealed about Manila Film Fest Scam
