PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Patricia Tumulak Recalls Pageant Days

To become a beauty queen is not exactly her "pangarap."
by Rommel Gonzales
Published Mar 9, 2024
Patricia Tumulak
Patricia Tumulak, who joined Bb. Pilipinas in 2011, is done joining beauty pageants. She says, “Pangarap ng nanay ko iyon..."
PHOTO/S: @patty_push on Instagram

Bilang isang dating beauty queen, suportado ni Patricia Tumulak ang mga pagbabagong nagaganap pagdating sa requirements.

"Ngayon kasi ang goal yata kasi nila is maging inclusive," umpisang saad ni Patricia sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), nang tanungin siya tungkol sa mga kasalukuyang regulasyong pinapayagan nang sumali sa pageants ang may asawa, may anak, senior citizens, at transwomen.

Pagtuloy niya, “Inclusivity, so I support that, walang masama po, kung iyon ang pangarap mo. Basta may pure intention ka, may advocacy ka, tsaka malaking boses ka ng kung anong nire-represent mo, go, I support you.

“There’s nothing wrong with that.”

Read: Patricia Tumulak reveals why she did not join another beauty pageant after Binibining Pilipinas 2011

Pero hindi pabor ang iba sa ganitong senaryo, tulad ni Miss Universe 1969 Gloria Diaz na nagsabing ang Miss Universe ay para lamang sa mga tunay na babae, at mga babaeng single at walang asawa o anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Gloria Diaz on transgenders in beauty pageants: "It's not fair."

Ang sabi ni Gloria sa panayam ng PEP.ph noong May 2023, mula sa mediacon ng pelikulang Lola Magdalena, “Di dapat, Universe na lang, huwag ng Miss. Kasi, hindi na Miss iyon, di ba?”

Dagdag pa niyang pahayag noon, “Dapat ‘Universe!’ Hindi, I think they even include transvestites. Siyempre, going with the times, no?

“Pero my personal opinion—which is not to be taken in the negative way—dapat may sarili silang contest. May Mrs. Universe, may Lesbian Universe, may Tranny Universe.”

Read: Gloria Diaz, naninindigang para sa mga totoong babae lang dapat ang Miss Universe

Hiningi naman ng PEP.ph ang opinyon ni Patricia tungkol sa pananaw ni Gloria.

Lahad ni Patricia, “Ah, mahirap din iyan, mahirap din iyan.

“Ako kasi love ko ang LGBTQI+.”

Mahal din naman ni Ms. Diaz ang mga miyembro ng gay community, banggit namin kay Patricia.

“Pero let’s say kung kakumpitensiya ko siya, ayoko kasi, threat siya, e. Mas magaling sila. Iyon lang naman, mas magaling sila, ayoko,” ang natatawang bulalas ni Patricia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Mas magaling rumampa iyan, bumubula ang bibig,” na ang ibig sabihin ni Patricia ay mahusay sa question and answer portion.

Pagpapatuloy pa ni Patricia, “Nothing wrong with that. Walang judgment dito, go, I support them.

“Whatever makes them happy.”

PATRICIA ON JOINING PAGEANTS AGAIN

Dahil wala na ring age limit ang Miss Universe Philippines, may plano ba si Patricia na sumali dito at muling subukan ang kapalaran niya sa pageants?

“Ako ay magte-thirty-six na,” ang natatawang reaksiyon ni Patricia sa tanong namin.

“Hindi ko siya pangarap,” pagpapatuloy pa ni Patricia, “Pangarap ng nanay ko iyon, naibigay ko na yung pangarap niya na makasali ako, tapos na yun!”

Sumali si Patricia noon sa 2009 Miss Philippines Earth, kung saan tinanghal siyang Miss Philippines Fire at si Sandra Seifert ang kinoronahang Miss Philippines Earth.

Sumali naman si Patricia sa Binibining Pilipinas noong 2011.

“Sa Binibini, Top Ten lang ako dahil kasabayan ko sina Shamcey Supsup, MJ Lastimosa, Janine Tugonon, wala, magagaling lahat yun.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Wala akong laban dun, deserve nila iyon, sabi ko nga, ‘Ano ba itong sinalihan ko, magagaling lahat sa batch!’"

Sabay-sabay silang sumali sa Binibining Pilipinas 2011, kung saan nanalong Binibining Pilipinas Universe si Shamcey, first runner-up si Janine, at second runner-up si MJ. Sa 2012 naman, si Janine ang naging Bb. Pilipinas Universe, habang sa 2014 naman nasungkit ni MJ ang korona.

Sure na sure si si Patricia na wala na siyang planong sumali ulit sa anumang beauty pageant.

“Okay na ako, ibigay na natin sa iba.”

May payo naman ang host sa mga kababaihang nagnanais sumali sa isang beauty contest.

“Kailangan kapag sumali ka, yung talagang gusto mong manalo, may advocacy ka, at saka talagang pangarap mo siya.

“Ibigay na natin iyon sa iba na willing, kasi commitment din iyang pagsali, e.”

Nakapanayam ng PEP.ph si Patricia sa mediacon ng Si Manoy Ang Ninong Ko, ang bagong weekly morning program ng GMA-7. Ginanap ang mediacon sa Limbaga 77 restaurant sa Quezon City, nitong Pebrero 29, 2024.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasama ni Patricia bilang mga co-host ng nabanggit na public service show sina Gelli de Belen, Sherilyn Reyes-Tan, at Agri Partylist representative Wilbert Lee.

Nagsimulang umere noong March 3, mapapanood ang show tuwing Linggo, 7:00-8:00 ng umaga.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Patricia Tumulak, who joined Bb. Pilipinas in 2011, is done joining beauty pageants. She says, “Pangarap ng nanay ko iyon..."
PHOTO/S: @patty_push on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results