PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mutya Orquia on Beaver Magtalas's promposal: "Medyo nagtampo ako."

Mutya Orquia: "In-explain naman niya na why he tried pa rin."
by Melba R. Llanera
Published Mar 9, 2024
Mutya Orquia and Beaver Magtalas
Mutya Orquia on why she accepted Beaver Magtalas's promposal despite her initial plan to go solo: "Kasi grabe din yung effort niya, kaya okay lang. And he's a good friend of mine. Gusto kong maglakad mag-isa, pero tingin ko magiging masaya din kapag kasama kong maglakad si Ernest at si Beaver."
PHOTO/S: @beavermagtalasofficial Instagram

Kahit si Mutya Orquia ay nagulat sa sorpresang promposal ni Beaver Magtalas sa presscon ng pelikula nilang Magic Hurts noong February 24, 2024 sa Luxent Hotel sa Quezon City.

Read: Remember these child stars from 10 years ago? Here’s where they are now

Sa harapan ng kanilang mga pamilya at imbitadong media ay tinanong ni Beaver si Mutya kung puwedeng sila ang magkapareha sa Star Magic Prom sa March 14.

Mala-Cinderella ang tema dahil nagdala pa si Beaver ng high-heeled shoe na sinuot kay Mutya.

Bahagyang naluha si Mutya at inaming muntik na raw siyang magtampo kay Beaver.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), tinanong namin si Mutya kung bakit nasabi niya na medyo sumama ang loob niya sa surprise proposal ni Beaver.

Paliwanag niya: "Kasi nabigla ako talaga. Kasi katulad ng sinabi ko kanina, nandun yung medyo nagtampo ako.

"Nasabi ko na alam naman niya na ayoko ng prom date, na gusto kong maglakad mag-isa, tapos ganyan, in-explain ko sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Nung nagsasalita naman siya, in-explain naman niya na why he tried pa rin, ganun, ganyan.

"Naging matapang pa rin siya."

Gusto pala sanang mag-solo flight ni Mutya sa prom.

Lahad ng 17-year-old actress: "Actually, for this year lang. Last year nag-prom din ako and siya rin ang escort ko.

"This year, gusto ko lang mag-isa kasi eighteen na ako, yun ang sabi ko.

"Sabi ko, 'Kahit next year okay lang."

Pero nang mag-propose si Beaver sa presscon ng Magic Hurts, hindi na nakahindi si Mutya.

Paliwanag niya, "Kasi grabe din yung effort niya, kaya okay lang. And he's a good friend of mine.

"Gusto kong maglakad mag-isa, pero tingin ko magiging masaya din kapag kasama kong maglakad si Ernest at si Beaver."

Tiyak na may ilang magtataas ang kilay at magsasabi na scripted o para sa promo ng pelikula nilang Magic Hurts ang ginawang promposal sa kanya ni Beaver.

Depensa naman ni Mutya, "For me, talagang gusto niya yun, so di ko masasabi na scripted.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Actually, pag si Beaver kasi pag na-inform, alam niyang ayaw ko, tapos ayaw din niya, magsasalita yan na wag na lang."

Read: Zaijian Jaranilla, Louise Abuel and Mutya Orquia share holiday cheer in new drama series; recall humble beginnings

JUST FRIENDS WITH BEAVER MAGTALAS

Paliwanag pa ng young actress sa PEP.ph, si Beaver din ang kapareha niya nung 2023 Star Magic Prom.

Tinanong din namin si Mutya kung bakit sa dinami-dami ng young stars sa Star Magic ay bakit siya ang napili ulit nitong makapareha.

"Tulad ng sabi ko kanina, close friends kami," paliwanag ni Mutya.

"I think comfortable sa akin si Beaver. Shy type siya, ako extrovert ako.

"Feel ko yun yung nagbabalanse kaya sa prom ako yung napili niya na ayain."

Paglilinaw pa ni Mutya sa real score sa pagitan nila ng binata, "Beaver is a really a good friend of mine. Tropa ko naman siya, so wala naman yung malisya sa akin."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

MUTYA ORQUIA DEBUT IN MAY

Nalalapit na rin ang debut ni Mutya sa darating na May 3.

Marami ang nag-e-expect na si Beaver ang magiging escort niya.

Pero nilinaw ni Mutya na wala siyang napiling escort para sa espesyal na araw na ito.

"For my last dance, it would be my dad. Di ako mag-e-escort sa debut ko.

"Ako kasi talaga, sa totoo lang, lately nagiging super independent ako and I enjoy doing things alone.

"For my debut, yun ang gusto kong makita ng mga tao na since may mga naka-loveteam ako before, gusto ko nilang makita na I'm an independent woman now since I'm turning eighteen na.

"Yun din ang gusto kong baguhin sa image ko na di lang lagi as a sweet girl."

Mayroon pa rin naman daw 18 roses kunsaan makakasayaw niya ang mapipili niyang mga lalaking makasayaw.

Aniya, "Wala pa kasing finalized na list."

Read: Ernest Beaver Magtalas hopes to make it big in showbiz like idols Joshua Garcia, John Lloyd Cruz

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

not ready for romance

Siniguro din ni Mutya na hindi pa siya nagkaka-boyfriend at sa ngayon ay wala siyang balak na pumasok sa pakikipagrelasyon.

"Ay wala, no boyfriend since birth," saad ni Mutya sa kanyang singlehood.

Nang tanungin namin kung nanliligaw ba sa kanya si Beaver, agad namang tumanggi si Mutya.

Patuloy niya, "Actually, ngayon di pa ako ready. Siguro kung ngayon, di pa talaga.

"Ako naman, feel kung sinuman ang magiging girlfriend niya, masuwerte coz he's a gentleman and very, very generous.

"Yung magiging girlfriend niya, magiging lucky girl siya."

Read: Beaver Magtalas ng Star Hunt, standout sa 500 talents na nag-audition sa Genius Teens

TEAMUP WITH BEAVER

Mapapanood sa Abril ang pelikulang Magic Hurts ng Rems Production.

Ito ang kauna-unahang pelikula ni Mutya at unang tambalan din nila ni Beaver.

"Super excited, and like what I've said kanina, kinakabahan talaga ako. Di ko alam kung paano ako tatanggapin ng tao sa big screen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Yun ang pinaka challenge sa akin, ano ang magiging review ng mga tao, will they like it or not, nagawa ko ba yung role ko.

"Ako kasi, pag sa acting ko, dyina-judge ko yung acting ko.

"For this, ni-challenge ko talaga na kailangan kong ma-feel, gusto kong makita sa mga mata ko yung emotions.

"Di ko pa napapanood yung buong film, but hopefully ma-satisfy naman ang mga manonood."

May kissing scene sila ni Beaver?

Sagot ni Mutya, "Wala pa. Kasi ngayon bawal pa.

"Saka di pa ako ready sa ganun. Mag-e-eighteen pa lang ako."

Unang nakilala si Mutya bilang Abby sa seryeng Be Careful With My Heart.

Read: First shooting day ng launching movie nina Mutya Orquia at Beaver Magtalas, naantala dahil kay Egay

TRANSITION FROM CHILD STAR TO TEENAGE ROLES

Isa sa challenge ng mga batang artista na nagpatuloy ng kanilang career ay nahihiraparan silang kumawala bilang child star sa paningin ng mga manonood.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sang-ayon ni Mutya, "Actually, totoo yan, kasi marami ang nakakita sa akin ngayon as Abby.

"Pero for me kasi, di ko minamadali yung mga tao. Time will come na mare-realize na she's not a baby anymore.

"Okay lang, di ko minamadali.

"Although maraming iba ang nakaka-realize, 'Ah, dalaga na siya.' Ang iba ang tingin sa akin Abby pa rin, and it's okay naman kasi napamahal sa kanila yung role ko."

Kasabayan ni Mutya bilang dating child star si Xyriel Manabat, na handang sumabak sa daring roles.

Aminado si Mutya na hindi pa niya kayang gumawa ng ganitong klaseng mga roles.

"Wala, ngayon wala talaga. Ang gusto ko action talaga.

"Kung romcom okay naman din, pero mas gusto ko action talaga, so yun.

"Gusto ko yung Ate Maja Salvador, walang powers, or Angel Locsin na puro fight scenes. Angelina Jolie, mga ganun."

Ngayon pa lang ay may mga training na si Mutya para maging handa sakaling mabigyan siya ng action role.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Not totally pinaghahandaan, pero lagi akong nagba-boxing, firing, spartan. Yun sana ang gusto kong tahakin na role—action.

"For me, para magampanan ko yung role na yun, handa ka na sa fight scenes."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mutya Orquia on why she accepted Beaver Magtalas's promposal despite her initial plan to go solo: "Kasi grabe din yung effort niya, kaya okay lang. And he's a good friend of mine. Gusto kong maglakad mag-isa, pero tingin ko magiging masaya din kapag kasama kong maglakad si Ernest at si Beaver."
PHOTO/S: @beavermagtalasofficial Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results