Nakatikim din pala si Alden Richards ng "panlalait" pagdating sa kanyang acting mula sa pumanaw na premyadong aktres na si Jaclyn Jose.
Ito ang inilahad ni Alden nang magsalita siya sa lamay ni Jaclyn.
Ang rebelasyon ng actor ay bahagi ng TikTok video na nai-share ngayong March 9, 2024 ng TikToker na may handle na ms_marivic1308, isang solid Alden fan account.
Read: Carlos Siguion-Reyna dishes out what Jaclyn Jose is like in the late '80s
Sa pagsisimula ng kanyang pagsasalita ay halata agad na emosyunal si Alden, at halos mabasag ang kanyang boses.

Aniya, “The reasons why I didn't prepare any speech goes to show kung gaano po ako hindi ka-ready sa pag-alis ni Tita Jane.”
Ikinuwento rin niya ang mga naging karanasan sa pakikipagtrabaho sa yumaong premyadong aktres.
“The first time I worked with Tita Jane was during Mundo Mo’y Akin.
“That's the first time.”
Ang Mundo Mo’y Akin ay isang teleserye na umere sa GMA-7 noong 2013, at kinatampukan din ito ng iba pang Kapuso stars.
Read: Gabby Eigenmann opens up about special bond with late stepmom Jaclyn Jose

Read: Jolina Magdangal, Candy Pangilinan, Angelika dela Cruz, Via Veloso fondly remember late Jaclyn Jose
Pagpapatuloy ni Alden, “Then hindi po... ang role ko po dun is, since apo po niya si Louise Delos Reyes, ako po yung humahabul-habol [sa karakter ni Louise].”
Dito ay binanggit ni Alden kung ano ang naging impresyon ni Jaclyn sa kanyang pagganap.
“So, nakatikim po ako ng mga lait in terms of scenes kay Tita Jane.”
Sabi umano nito sa kanya, "Ah, wala..."
Na ang ibig sabihin ay hindi pasado sa beteranang actress ang kanyang naging execution.
“May mga nakukuha din po akong ganun.”
Read: Tom Taus honors Cedie: Ang Munting Prinsipe co-star Jaclyn Jose
Noon din niya nalaman kung paano makipagtrabaho si Jaclyn sa kapwa artista.
“Parang si Tita Jane kasi may gate iyan e. 'Tas ['tapos] may security guard din siya sa gate na yun na siya rin.
“'Tas, i-ano ka muna. Kumbaga sa trabaho, screening muna bago ka niya papasukin sa buhay niya.”
Read: Who is Veronica Jones, sister of late actress Jaclyn Jose?
Kalaunan, naging malapit si Alden kay Jaclyn na nakatrabaho niya sa Kapuso prime-time series na Ilustrado (2014) at The World Between Us (2021-2022).
Ilang beses pang pinost ni Jaclyn si Alden sa kanyang IG feed at tinawag pa niya itong "bunso" niya.

Read: PPL Entertainment family, nagbigay-pugay sa "iconic" na si Jaclyn Jose
Samantala, sa panayam naman kay Alden ng ABS-CBN News ngayon ding March 9, sinabi niyang sa pagpanaw ni Jaclyn ay para na rin siyang nawalan ng tunay na ina.
Pag-amin ni Alden, "I lost someone special. I know I really lost something special.
"Mahirap. It's very difficult to— para kong nanay yan. e. That's why na yun po ang inilagay ko sa post ko na my heart aches like a son who lost his mom because that's how I feel.
“Parang the same feeling when I lost my mom. Same feeling now.”
Read: Gladys Reyes on late Jaclyn Jose: "Gusto niya ng heart-to-heart talk."
