Ai-Ai delas Alas feels big pressure in doing sequel of "Ang Tanging Ina"

by Melba R. Llanera
Jun 19, 2008
"Iba na yung 250 million ngayon kumpara sa 250 million noon. Fifty, seventy [pesos] lang yata ang sine noon kumpara sa one-hundred thirty ngayon. Nagpapasalamat na lang ako sa lahat ng mga taong sumuporta. Sana sa Part 2 ng Tanging Ina, suportahan nila uli," says Ai-Ai delas Alas.

Sa laki ng kinita ng Ang Tanging Ina (2003) ng Star Cinema, hindi na pinagtakhan kung bakit may sequel ang nasabing pelikula—Ang Tanging Ina Ninyong Lahat. Ito ay sa direksiyon muli ni Wenn Deramas.

Sa prescon ni Ai-Ai para sa nalalapit niyang show na Tanging Ai-Ai... In Concert na gaganapin sa Zirkoh on August 2, inamin ng comedienne na may pressure para sa kanya ang paggawa ng sequel ng pinagbidahang pelikula.

"Ang sabi ko nga sa kanila, ang first Tanging Ina, regalo sa akin ng Diyos yun. Makopya namin, salamat; kung hindi, history na yun, di na natin mabubura yun sa industriya. Saka sa hirap ng buhay ngayon, mahal na ang sine, mahal na ang gas, mahal na ang bigas, magiging napakaganda para sa amin at sa movie industry ‘pag kumita pa rin ‘yung Tanging Ina Ninyong Lahat na kasing laki ng Tanging Ina noon.

"Iba na yung 250 million ngayon kumpara sa 250 million noon. Fifty, seventy [pesos] lang yata ang sine noon kumpara sa one-hundred thirty ngayon. Nagpapasalamat na lang ako sa lahat ng mga taong sumuporta. Sana sa Part 2 ng Tanging Ina, suportahan nila uli," pahayag ni Ai-Ai sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Continue reading below ↓

Ai-Ai also gave the assurance na maganda at dapat talagang abangan Ang Tanging Ina Ninyong Lahat.

"Sobrang dami ng dapat abangan!" bulalas ng komedyana. "Unang-una, presidente ako dito ng Pilipinas. Yung mga anak ko, may kanya-kanya silang eksena doon. Maganda talaga, may touch ng ala-GMA [Gloria Macapagal Arroyo], Tita Cory [Aquino], and [Margaret] Thatcher. Same cast, wala na nga lang sila Heart [Evangelista] and Marc Acueza bilang mga anak ko, pero may mga nadagdag naman."

AI-AI'S SON. Tumatalakay ang Tanging Ina sa pagiging isang ina kaya kinumusta rin namin kay Ai-Ai ang kalagayan ng anak niyang si Sancho, na na-involve noon sa isang demanda laban sa isang emplayado ng isang convenience store. Kung dati ay naiiyak ang komedyana ‘pag napag-uusapan ang tungkol dito, ngayon ay mas kontrolado na nito ang emosyon.

"Ongoing pa rin yung kaso," sabi niya. "Babalitaan ko kayo kung ano ang mangyayari. Hindi na ako naiiyak ‘pag napag-uusapan, pero nandun pa rin yung pain. Siyempre, painful pa rin siya kasi siyempre anak ko yun. Hindi naman nabibili ang anak sa mall, bigay ng Diyos yun para alagaan mo at hindi saktan ng ibang tao.

Continue reading below ↓

"Okey naman siya, nag-aaral saka nagbi-business. Nagne-networking siya. May networking ang mga bagets ngayon. Uno ang tawag, tsinek ko muna. May mga ipon siya ‘tapos may kaunting share ako. Nagbebenta ako ng mga sabon ngayon, 8-in-1 coffee... Masipag ang anak ko kaya suportado ko," pagmamalaki ni Ai-Ai.

MOVIES WITH ATE VI & ERAP. Nabalita noon na ilan sa mga projects na gagawin ni Ai-Ai ay ang Mama Mia, kung saan makakasama niya si Batangas Governor Vilma Santos at isang movie na kapareha naman niya si ex-President Joseph Estrada. Nagbigay ng updates sa PEP ang Comedy Concert Queen tungkol sa mga proyektong ito.

"Mama Mia yung sa amin ni Gov. Vilma. Gustung-gusto niyang gawin, kaya lang hindi niya alam kung kailan niya magagawa kasi sobrang busy siya as governor of Batangas. Yung kay President Erap, inaayos pa yung script. Hindi nagusuthan ni Papa Erap yung script, so may mga pagbabago na ginagawa," lahad niya.

Continue reading below ↓

IN CONCERT. Kilala si Ai-Ai na may mga kaberdehan at kakaibang ginagawa sa concerts o shows niya. Since nagkasama na sila ni Erik Santos noon sa isang concert sa Araneta Coliseum, siguradong si Richard Poon naman ang makakatikim ng "kamandag" ngayon ng komedyana sa show niya sa Zirkoh.

"Hindi ko pa nakikita si Richard. Pero nung sinabi kong lagot sa akin si Richard, sumagot daw ito ng, ‘Just take good care of it.'

"Dapat nila itong abangan kasi mag-aaral ako ng mga bagong songs, mga gimik. Kasi na-realize ko nung nakita ko si Madonna sa magazines, 50 years old na pala siya and yet, nakikipagsabayan siya kay Justin Timberlake," saad ni Ai-Ai.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Iba na yung 250 million ngayon kumpara sa 250 million noon. Fifty, seventy [pesos] lang yata ang sine noon kumpara sa one-hundred thirty ngayon. Nagpapasalamat na lang ako sa lahat ng mga taong sumuporta. Sana sa Part 2 ng Tanging Ina, suportahan nila uli," says Ai-Ai delas Alas.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results