PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Krystyna Pyszková of Czech Republic is Miss World 2024

Pambato ng Pilipinas hindi nakapasok sa Top 40.
by KC Cordero
Published Mar 10, 2024
The new Miss World 2024
Beauty with a purpose. Si Krystyna Pyszková ang tinanghal na Miss World 2024. Siya ang ikalawang kinatawan ng Czech Republic na nakuha ang korona sa naturang beauty pageant.
PHOTO/S: Miss World Facebook

Si Krystyna Pyszková, 23, ng Czech Republic ang tinanghal na Miss World 2024.

Ginanap ang koronasyon ng international beauty pageant na nilahukan ng 112 contestants kahapon, March 9, 2024 sa Jio World Convention Centre, BKC, Mumbai, India.

Si Krystina ang ika-71 na humawak ng naturang korona. Isa siyang model at law student sa kanilang bansa.

Read: FULL TRANSCRIPT: Winning answer of Miss World 2024 Krystyna Pyszkova

The newly-crowned Miss World 2024

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Siya rin ang ikalawang Miss World mula sa Czech Republic matapos magwagi ni Tatana Kucharova noong 2006.

Nabigo naman ang pambato ng Pilipinas na si Gwendolyne Fourniol na makapasok sa Top 40.

Read: How is Gwendolyne Fourniol faring at the Miss World 2023 pageant?

Mula sa Top 40, pinili ang Top 12 at pagkatapos ay ang Top 8.

The Top 8

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa puntong ito ay sumalang ang walong contestants sa question-and-answer portion.

Sa naging tanong tungkol sa issue na nakaaapekto partikular sa kalusugan ng kababaihan, isinagot ni Krystina na dapat mawala na ang stigma at kahihiyan tungkol sa menstruation.

Aniya, ang pagiging babae ay isang “gift” at ang menstrual period ay hindi dapat ituring na taboo subject.

Read: MWO Chair Julia Morley no intention to change Miss World criteria for its candidates

Bukod kay Krystina, nakapasok sa Top 4 sina Yasmina Zeytoun ng Lebanon (first runner-up), Aché Abrahams ng Trinidad and Tobago (second runner-up), at Lesego Chombo ng Botswana (third runner-up).

The Top 4

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang filmmaker na si Karan Johar at si former Miss World Megan Young ang nag-host ng event.

Read: Miss World 2013 Megan Young, magbabalik bilang host ng Miss World

Pinalitan ni Krystyna si Miss World Karolina Bielawska ng Poland, na hinawakan ang korona mula March 2022.

Humaba ang reign ni Karolina dahil sa scheduling issues at walang ginanap na Miss World pageant noong 2023.

Read: Miss Universe 2023 Sheynnis Palacios at Miss Universe 2018 Catriona Gray, parehong produkto ng Miss World

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Beauty with a purpose. Si Krystyna Pyszková ang tinanghal na Miss World 2024. Siya ang ikalawang kinatawan ng Czech Republic na nakuha ang korona sa naturang beauty pageant.
PHOTO/S: Miss World Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results