Lumipat na ng istasyon ang dating Kapamilya journalist na si Marc Logan.
Noong March 8, 2024 ay ibinalita ng News 5 Frontline Pilipinas na lumagda na si Marc ng kontrata sa TV5.
Ang kanyang contract signing ay sinaksihan ng mga executives ng TV5 na sina President and CEO Mr. Guido R. Zaballero; News Operations Head, Ms. Luchi Cruz-Valdes; at Chief Finance Officer, Mr. Pierre Paul Buhay.
Read: ABS-CBN News reporter Marc Logan to marry longtime partner

Ang 53 anyos na mamamahayag ay magkakaroon ng sariling show sa Kapatid network na may titulong “Top 5: Mga Kwentong Marc Logan.”
Ani Marc sa panayam sa kanya matapos lumagda ng kontrata, “Abangan niyo po ang ‘Top 5 Mga Kuwentong Marc Logan.’
“Ito po'y magsisimula na anytime soon, 'no?
“So, sabi nga nila, andito na nga po ako sa Kapatid Network. So, sayang walang patid, sugod na ang bago ninyong kapatid.”
Read: Winnie Cordero, Boyet Sison, Marc Logan pasok bilang segment anchors sa TV Patrol
Bago ang kanyang paglipat sa TV5, naging anchor si Marc sa TV Patrol ng kanyang segment na “Mga Kuwento ni Marc Logan.”
Naging co-host din siya sa programang Sakto ng DZMM ka-tandem si Amy Perez.
Read: The "real job" of Marc Logan in TV Patrol

Read: Kuya Kim, pinalitan si Marc Logan sa radio program na Sakto
Naging entertainment and lifestyle editor din siya ng ABS-CBN News.
Nang mawalan ng franchise ang ABS-CBN noong May 2020, naging bahagi si Marc ng Teletabloid online channel ng Abante newspaper.
Noong isang taon ay naging voiceover din siya ng ilang promotional materials ng IBC 13.
Read: Amy Perez, Marc Logan pressured to fill in Korina Sanchez’s radio timeslot
