Nagbitiw na sa puwesto si Tirso Cruz III bilang chairperson ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).
Ito ay matapos ng pamumuno niya sa film council mula July 2022 hanggang March 2024.
- Tirso Cruz III, itinalaga bilang bagong FDCP chairperson sa kabila ng reappointment ni Liza Diño
- New FDCP chair Tirso Cruz III on his appointment: “I’m honored I was chosen.”
- #FDCPISSUE NO.5: Did Liza Diño attempt to delay Tirso Cruz III's takeover of chairmanship?
- #FDCPIssue: Liza Diño denies derailing Tirso Cruz III's FDCP chairmanship
Napag-alaman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na tinanggap ng Malacanañg ang resignation ni Tirso noong nakaraang linggo.
Ayon pa sa sources, ang uupong officer in charge ay si Rica Arevalo.
Si Arevalo ang head/project development officer para sa Film Education Division, ayon sa website ng FDCP. Si Arevalo rin ang OIC para sa Film Festivals Division.
Nakarating din sa PEP.ph ang bali-balitang ang award-winning director na si Joey Reyes ang nakatakdang i-appoint ng Malacañang na pumalit sa puwesto ni Tirso para sa remaining term nito.
Si Joey ay nagsilbing technical consultant sa FDCP sa ilalim ng termino ni Tirso.
Ilan sa mga itinaguyod niyang programa ay may kinalaman sa pagpapalakas ng edukasyon para sa filmmakers, pagsuporta sa existing film festivals, at pagsuporta sa producers sa pamamagitan ng film grants at incentives.
Sa kasalukuyan, wala pang opisyal na pahayag ang pamunuan ng FDCP ukol dito.
- FDCP, ilulunsad ang Academic Film Society para sa young filmmakers
- FDCP officials Tirso Cruz III, Joey Reyes react to separate awards night of MIFF
FDCP PROJECTS
Sa ulat ng PEP Troika noong February 20, nakasaad na inilatag nina Tirso at Joey ang mga aabangang programa sa FDCP hanggang sa darating na summer.
Kabilang dito ang sixth edition ng Full Circle Lab Philippines, na gaganapin sa Marso 18-24 sa Quest Plus Conference Center sa Pampanga.
Sa Abril nakatakda ang pagbigay ng grants para sa Student Film Assistance Program Cycle 1 of 2024.
Sa Abril 19 ang 2nd edition ng Parangal ng Sining (Honor of the Arts).
Walang Pista Ng Pelikulang Pilipino ang FDCP ngayong taon, pero aktibo ang film council sa pagsuporta sa local film festivals tulad ng Cinemalaya at QCinema.
Read: Joey Reyes, prangkang sinabi kung bakit walang 2024 Summer MMFF at PPP