Hindi maiwasang mabahiran ng intriga ang promposal ni Beaver Magtalas, 19, sa Magic Hurts leading lady na si Mutya Orquiza, 17.
Mala-Cinderella ang promposal ni Beaver kay Mutya sa presscon ng kanilang pelikula noong February 24.
Inamin ni Mutya na nakaramdam siya ng kaunting sama ng loob kay Beaver dahil alam daw nito na gusto niya sanang maglakad ng solo sa Star Magic Prom na gaganapin sa Huwebes, March 14.
Read: Mutya Orquia on Beaver Magtalas's promposal: "Medyo nagtampo ako."
Niyaya ba ni Beaver si Mutya na maging ka-partner sa prom dahil mayroon silang pelikula?
"That is something na genuine," paglilinaw ni Beaver.
"Super genuine yun na even siya wala siyang alam sa proposal. Siguro nagde-debate yung utak niya na baka magpo-propose ako.
"And on the other hand, alam ko kasi na she wants to go to the prom by herself.
"Pero I still didn't give up."
Aminado si Beaver sa kagustuhan ni Mutya na mag-solo flight sa prom.
Totoong sumuway daw siya sa kasunduan nila bago ang promposal niya.
"Gusto kasi niyang ipakita sa tao na she's an independent person.
"She wants to be able to inspire na independent na siya and do things that she wanted to do.
"Ganun kasi ang personality niya, and I would say it's one of the things that I really admire about her.
"Ang reason ko why I still did it is to make her realize that you don't have to be alone to be independent.
"There could always be someone there, not exactly by your side, but someone you can trust and you can lean on if you need someone.
"Gusto kong ipa-realize sa kanya yun na I find her independent, na she can still be independent even if there is someone there for her."
Read: Beaver Magtalas ng Star Hunt, standout sa 500 talents na nag-audition sa Genius Teens
Pareho silang nasa pangangalaga ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN.
Si Beaver ay produkto ng Star Hunt, ang audition caravan ng ABS-CBN; habang si Mutya ay dating child star na nakilala sa hit Kapamilya daytime series na Be Careful With My Heart (2012-2014).
JUST FRIENDS?
May mga nag-iisip na baka may espesyal na ugnayan sila kaya pinilit pa rin ni Beaver na ayain si Mutya na maka-date sa prom.
Pero pinabulaanan ito ni Beaver.
"Wala, talagang friends lang talaga kami," saad ng binata.
"Si Mutya kasi was one of my first friends mula nang pumasok ako sa industry and we've been good friends since then."
Alam daw nila na ang prayoridad nila ngayon ay ang kanilang showbiz career.
"Even myself, I can say na di pa talaga ako ready for a super serious relationship.
"When the time comes that I enter a relationship, gusto ko prepared na ako for what things are about to come.
"Gusto ko na 100% sure."
OPEN TO COURTING MUTYA IN THE FUTURE
Inamin naman ni Beaver na may espesyal siyang nararamdaman para kay Mutya.
"Attraction? Aaminin ko there is.
"When I wasn't in showbiz, when I was a kid, celebrity crush ko na si Mutya nung bata ako.
"It was, like, I'm really happy na first time ko sa romcom and siya ang makaka-partner ko.
"I'm really thankful for that."
Kung sakali, gusto ba niyang ligawan at maging girlfriend si Mutya?
Sagot ni Beaver, "I'm not denying the possibility. Who knows? If ever, it would be okay, okay sa akin.
"And di ko dine-deny the fact na maybe siya nga yun or one day I will.
"Pero sa ngayon, we both want to focus. We both want to cherish what we currently have.
"We are both enjoying what's happening right now."
Read: First shooting day ng launching movie nina Mutya Orquia at Beaver Magtalas, naantala dahil kay Egay
BEAVER MAGTALAS'S FIRST MOVIE
Unang pelikula ni Beaver ang Magic Hurts na pinagbibidahan nila ni Mutya.
"Yes, nakakakaba siya pero at the same time it's fulfilling na nararamdaman ko na yung ginawa namin slowly getting there.
"Parang nakikita namin yung progress.
"Ayaw pang ipapanood sa amin yung movie, pero I'm really excited to watch it."
May mga nagsasabing may pagkakapareho si Beaver sa namayapang aktor na si Rico Yan.
Komento ni Beaver, "Very flattering na inaano kayo to those big stars and great actors and actresses.
"Pero I think both of us can say na we both want to have a name for ourselves.
"Gusto kong makilala as Beaver Magtalas."
