Ang relasyon nina Jerald Napoles at Kim Molina ay nanatiling matatag sa kabila ng nauusong breakups sa showbiz couples.
Marami ang natutuwa sa relasyon ng dalawa dahil ramdam ang tiwala at suporta nila sa bawat ginagawa ng isa't isa.
Hiningan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng reaksiyon si Jerald tungkol dito.
"Well, ayaw naming ikumpara yung sarili namin sa pinagdadaanan nila. Iba rin kasi ang isyu, magugulat na nga lang kami, 'Ah, ito pala ang issue nila.'
"Different personalities, different reasons. But we don't wanna compare, pero kami ni Kim napagdaanan namin yun.
"Sa lahat kasi yung pandemic ang pinakamatinding pinagdaanan. Kahit di sa relationship na boyfriend-girlfriend, sa mag-asawa, kahit magkapatid, kahit mag-nanay.
"Mayroon din kasing study na what's happening right now is residue ng pandemic, e. Yung last decision made before moving on to the new world.
"Pero I don't want to give reasons sa mga naghiwalay, siguro nagkataon lang talaga. It's just 2023 is the end and it's the beginning para sa ibang tao."
Siyam na taon na silang magkasintahan, at bukas din sila pagdating sa kanilang live-in setup.
Ano ang sikreto sa relasyon nila ni Kim?
Sagot ni Jerald, "Sa amin ni Kim, mayroon kaming, 'Sabihin na natin agad sa isa't isa kung ano ang problema. Ayusin natin agad kung may problema.'
"Okay lang na mag-away na tayo ngayon, wag na nating ipunin. Tapos pag biglang nag-away tayo, sumbatan.
"Yun ang ginagawa namin hangga't maari, pero di ko sinasabi na perfect kami."
Consistent pa rin si Jerald na sa ngayon ay di pa rin nila napag-uusapan ng kasintahan ang pagpapakasal at pagbuo ng sariling pamilya.
"Wala pang pinag-uusapan tungkol dun ngayon kasi parang we are on the verge of being busy na kanya-kanyang career namin tapos business.
"Ang dali kasing lumagay sa tahimik, sa totoo lang madali yun, e, kung gusto nyong mag-settle down, mag-anak.
"Sa dali nun, may mga factors na kailangan naming i-consider especially our career, masarap i-maximize.
"Yung mga nagbe-baby, siguro nakadesisyon na sila and siguro timing na sila para mag-baby.
"Madaling mag-baby, pero ang dami naming inaasikaso ni Kim. Parehas kami na may iba kaming baby na gusto naming mag-boom this year.
"Of course, hangga't kaya, sa career, sa negosyo.
"Napag-uusapan namin kung hanggang saan ang limitasyon namin ng oras namin para i-maximize lahat ng bagay at kung kailan kami magsisimula ng bagong yugto.
"Yun pinag-uusapan namin yun, pero di namin pinag-uusapan, 'O, baka puwede naman ganito after seven months.'
"Pero alam naman namin, ramdam naman namin, pero napag-uusapan. Importante napag-uusapan."
Kung saka-sakali, masosorpresa na lang daw ang publiko pag nag-propose na si Jerald kay Kim.
"Wag kayong mag-alala, hindi ko sasabihin sa inyo kung kailan.
"Siyempre mayroon tayong mga idea dahil nakikita natin, pero di ninyo malalaman."
Read: Jerald Napoles, may malaking sorpresa para sa kanyang ina
JERALD NAPOLES AND KIM MOLINA'S SHOWBIZ CAREERS
Masaya din si Jerald na suportado nila ni Kim ang isa' isa pagdating sa kani-kanilang career. Siniguro din niya na di isyu sa kanya kahit may sexy scenes ang girlfriend sa ilang proyekto na ginagawa nito.
"Daring scenes? Oo naman, support na support ako. Momol Nights pa lang tanggap ko na siya na ginawa niya yun. Walang problema.
"And I think she's having a project with Wilbert Ross anytime soon.
"I think may eksena sila doon na romance, and and okay lang naman, walang problema."
Binigyang linaw din ng Barangay Singko Panalo host ang matagal ng espekulasyon ng iba na package deal sila ni Kim.
"Nagkataon na para kaming package deal because nagkaroon ng following yung relasyon naming dalawa.
"Pero before pa ako nag-Viva, I'm Jerald Napolees of APT and she's Kim Molina of Viva Films.
"Nung nagmo-Momol Nights siya, ako naman Pangarap Kong Hold Up—magkahiwalay na kami ng branding.
"Ang maganda kasi dun may tatlong branding, may Jerald, may Kim and may KimJe."
Read: Jerald Napoles, kakaiba ang reaksyon nang totohanang masampal ni Jaclyn Jose
JERALD NAPOLES ON FIRST GAME SHOW
Samantala, sa kauna-unahang pagkakataon ay magho-host ng isang game show na mala-sitcom ang style sa TV5, ang Barangay Singko Panalo.
Nagsimulang umere noong March 11, pinapalabas ito tuwing weekdays bandang 5:30 p.m.
Paglalarawan ni Jerald sa bagong challenge sa kanya bilang TV host:
"Nagho-host kasi ako ng corporate events. Lagi kong ini-interject yung idea ng baranggay kahit gaano pa ka-corporate yung event.
"Pero it doesn't mean na sobrang lax ako sa trabaho.
"Ibig sabihin lang familiar. Familiar is a good feeling pag sa trabaho."
"Of course, may pressure kasi unang pagkakataon na mabigyan ng ganitong project, tapos kumbaga natawid na natin, napunta na tayo sa pagho-host ng game show.
"But ang maganda kasi dito, hindi naka-base sa hosts yung palabas.Nakabase siya sa mangyayari sa kabuuan.
"So gaya ng sinabi ni Direk Nico, kung papanoorin mo kaming nagsyu-shoot ng taping, masaya, so I think makakapante ka na masaya yung palabas."
Read: Bakit kampante si Jerald Napoles sa tambalang Kim Molina at Empoy Marquez?
ON WORKING WITH KAYLA RIVERA
Co-host ni Jerald si Kayla Rivera, isang stage actress, singer at DJ sa RX 93.9.
Masaya si Jerald na madaling nabuo ang rapport sa pagitan nila ni Kayla. Ang monicker nila sa show ay SK Kayla at Kagawad Je.
"I think on the spot na lang. Sa first taping day pa lang nabuo na siya. Matagal na kaming magkakilala.
"Although magkaiba nga yung kultura ng hosting na ginagampanan namin, which works I think especially sa paghu-host nito kasi may dalawang dynamics, e.
"Naghahalo, nagko-combine yung dalawang dynamics namin ni Kayla, nagagamit yung strength namin parehas."
Kampante din si Jerald na walang selosan na magaganap sa kanila ni Kim pagdating kay Kayla dahil matagal na pala itong kakilala ng girlfriend.
"Si Kim ay selosa dati, pero ngayon hindi na. Kampante na kami sa isa't isa, nalagpasan na.
"Bago mag-pandemic magdyowa na kami. Nakatulong na nakampante si Kim in terms of work.
"Kilala niya si Kayla at kilala niyang magtrabaho si Kayla."
Read: Kim Molina recounts her privileged childhood in Saudi Arabia
OPEN COMMUNICATION
Pagdating sa acting projects, open naman daw sila ni Kim na pag-usapan kung may gagawin silang sexy scenes sa kani-kanilang kapareha.
"Si Kim naman wala sa kanya yun. Nagbibiro yun. Ganun yun, e, nang-aasar.
"Titingnan nun ang reaction ko, parang pag nagpapalam ako ng mga eksena sa pelikula.
"Dito sa Instant Daddy nga pala may eksena, supposed to be kasi i-establish ang isang daddy na babaero, so may apat na babae, Vivamax girls na may kaunting landian scenes.
"Pinapaalam ko kay Kim, nakaganun siya, 'O, tapos?' Ako naman, 'Ano kasi...'
"Biglang sabi niya, 'Hindi, joke lang, joke lang! Go lang.' Payag siya? Oo, pag kailangan."
