PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Marian Rivera encourages her family's healthy eating habits

Marian back on primetime TV via My Guardian Alien starting April 1
by Rose Garcia
Published Mar 17, 2024
marian rivera motherhood
Marian Rivera tries her best to encourage her family, especially her kids, to develop healthy eating habits. Lahad niya, "As much as possible, kung kaya kong ayusin ang kanilang eating habit na mas maganda, mas healthy, mas gagawin ko.”
PHOTO/S: Gorgy Rula

Ang salitang “blessed” ay puwedeng-puwede talagang gamiting hashtag ng Kapuso Primetime Queen at Box-Office Queen of All Time na si Marian Rivera. Parehong personal at propesyonal na aspeto ng buhay niya ngayon ay napakaganda ng mga nangyayari.

Ito ang ibinato naming tanong kay Marian nang magkaroon siya ng contract signing bilang I Am Worldwide Pure Organic Barley at Choco-Barley ambassador.

“Well, yung blessed na iyon, gusto kong i-hashtag din ng mga tao. Kasi gusto kong i-share sa kanila, lalo na sinasabi ko sa kanila na minsan talaga, napapaisip ka kung nasa iyo na talaga ang lahat, that’s fine.

“Pero ang mas mahalaga siguro, yung pangalagaan mo ang sarili mo talaga. Kasi lahat posible mong gawin basta malakas ka, malusog ka,” giit niya.

Sinundan namin ang naging pahayag ni Marian na “nasa iyo na ang lahat.” Puwede na nga ba niyang ma-claim na nasa kanya na nga ang lahat?

“Parang ayoko namang sabihin na nasa akin na nga ang lahat. Siguro, nabibigyan lang ako ng pagkakataon ng nasa Itaas na iparanas sa akin ang lahat ng ito,” pagpapakumbaba niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inamin naman ni Marian na recently lang siya nakatikim ng barley, dahil nga pinag-isipan muna niya bago niya tanggapin ang bagong endorsement. Isa raw talaga ito sa mga rules niya sa pagtanggap ng kahit na anong endorsement.

Lahad niya, “To be honest, sabi ko talaga sa kanila, can you just give me one month? I want to try the product first.

“Iyon talaga ang sinabi ko sa kanila and sabi ko sa kanila, gusto kong subukan ang produkto para ako mismo, in time na may presscon ako, masabi ko talaga yung totoong na-experience ko.

“At ang masasabi ko talaga, buti na lang, nakilala ko sila.”

Dugtong pa niya, “Siguro nga nasa akin na yung sinasabi mo na mga endorsement. Pero yung pinakamahalaga kasi sa lahat, yung health. Mawala na sa iyo ang lahat, pero yung health, medyo malabo ka, para sa akin, it’s useless.

“Kasi, gusto ko na maging malakas para marami akong magawa. Gusto kong maging strong para sa mga anak ko. At salamat na lang na nakilala ko sila. Kasi every morning at empty stomach, iniinom ko siya at nakikita ko ang improvement sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“At yung trabaho ko, hindi namin alam kung kailan kami makakauwi ng bahay. But one thing is for sure, bago ko ipikit ang mata ko, iinom muna ko ng Barley.

“At masasabi kong nakakatulong talaga siya sa akin. Kaya nung ma-experience ko ito, sinabi ko kay Nanay, sa Lola ko at sa Mama ko. Kahit sila rin, umiinom din silang lahat. Hangga’t kaya kong alagaan ang mga mahal ko sa buhay, gagawin ko yun sa abot ng makakaya ko.”

Sabi pa niya, “Actually po, nagpapa-thank you sila sa akin, pero parang mas nagpapa-thank you ako dahil mas lalo kong naiintindihan kung ano ba ang magagawa o maidudulot ng barley sa katawan ng tao.

“At hindi lang po sa akin ha, ultimo sa mga anak ko, pinapa-try ko.”

MARIAN ENCOURAGES FAMILY’S HEALTHY EATING HABITS

Dahil pinasubok na nga ni Marian sa dalawang anak nila ni Dingdong Dantes na sina Zia at Sixto ang produktong ine-endorso, ano naman ang naking reaksyon nila, lalo na sa naging panlasa ng dalawang anak?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Si Sixto is more of the chocolate. Si Zia is more on pure organic barley,” sabi naman niya.

“Pero siyempre, huwag na natin silang idamay. Pero, for the sake of your question, yes, tina-try nila at umiinom sila. And surprisingly, yung anak kong babae, gusto niya yung literal na pure.

“Kasi bakit? Siguro, wake-up call na rin ito sa atin na may mga kapatid, may mga anak. Minsan kasi, siguro sa mga ganitong pagkakataon, lalo na may mga bata, dapat siguro pinapaliwanag natin na, ‘O, anak, uminom ka ng ganito ha?’ Siguro dapat aware na sila, like si Zia — nabalian kasi siya ng buto. Nagka-cast siya.

“So sabi ko, ‘Anak, try mong uminom kasi, heto ang magiging benepisyo kapag ininom mo ito. Malay mo, mas madaling gumaling yung sa kamay mo or yung digestion mo.

“So, kapag may awareness siguro ang mga anak natin kung bakit natin pinapainom ang mga ito, mas mari-realize nila, mas hindi na tayo mahihirapan painumin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Siya ba ang klase ng nanay na conscious sa ipinapakain sa mga anak?

“Maarte ako, yes,” nakangiting pag-amin ni Marian.

Bawal ang mga junk food?

Paglinaw niya, “No, hindi naman sobrang bawal. Meron naman silang tinatawag na cheat day. But as much as possible, kung kaya kong ayusin ang kanilang eating habit na mas maganda, mas healthy, mas gagawin ko.”

MARIAN BACK ON PRIMETIME TV

Sa isang banda, bukod sa sitcom nila ni Dingdong na Jose & Marian Bonggang Villa 2.0 sa GMA-7, sa April 1 ay magsisimula na rin mapanood ang pagbabalik primetime niya sa pamamagitan ng My Guardian Alien.

Nabanggit din ni Marian na ang kanyang isa pang endorsement, ang Kiko Milano ay magsu-shoot siya sa Italy at ilulunsad doon. At may sisimulan din siyang bagong pelikula sa taong ito.

Nang tanungin kung kasama ba niyang muli si Dingdong, ang naging sagot niya na natatawa, “Me, myself and I.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Marian Rivera tries her best to encourage her family, especially her kids, to develop healthy eating habits. Lahad niya, "As much as possible, kung kaya kong ayusin ang kanilang eating habit na mas maganda, mas healthy, mas gagawin ko.”
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results