Walang mapagsidlan ang saya at pasasalamat ng Kapuso actress na si Katrina Halili sa pagkakawagi niya bilang Best Supporting Actress sa prestihiyosong Emirates Film Festival sa Dubai.
Naiuwi ni Katrina ang Best Supporting Actress dahil sa natatangi niyang pagganap sa pelikulang AbeNida.
Sa panayam ni Katrina sa 24 Oras ngayong Sabado, March 23, 2024, sinabi niya na hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na siya ang itinanghal na Best Supporting Actress.
Malaking karangalan daw ito sa kanya dahil ito ang kauna-unahan niyang acting award na natanggap sa loob ng dalawampu't isang taon niyang pananatili sa showbiz industry.
Read: Katrina Halili still grieving over boyfriend Jeremy Guiab's death
Sabi ni Katrina, "Yung feeling na manalo ka ng award, parang... alam mo iyon, nag-screening sila, ang dami naming magkakalaban.
"Ang hirap din kasi na mapansin ka, so happy ako, sobrang saya.
"Actually, never ko na inisip na magkaka-award pa ako. Kasi dati pa lang, sabi ko, 'Ano ba 'yan? Wala man lang akong ka-award award.'
"Actually, meron naman FHM. Sabi ko mukhang hanggang dito na lang ito. Tapusin na natin ito.
"Kaya ngayon happy ako, pero hindi ko na talaga in-expect magkaroon ng award. Basta nagtatrabaho lang ako."
Read: Katrina Halili makes FHM history as back-to-back Sexiest Woman
Bukod kay Katrina, wagi rin ang Abe Nida co-star niyang si Allen Dizon bilang Best Actor.
Saad ni Allen, "Hindi namin in-expect na mananalo kaming dalawa [ni Katrina]. Ginawa lang naman namin yung best namin.
"Blessed kami na napasama sa napakagandang pelikula ni Direk Louie Ignacio."
Read: Allen Dizon gives all, bares all in "boldest film" Abe Nida
Ipinost pa ni Katrina sa kanyang Instagram ang litrato nila ni Allen habang hawak-hawak ang napanalunan nilang tropeyo.
Kalakip nito ang pasasalamat niya sa bumubuo ng Emirates Film Festival sa pagkilala sa kanilang talento't kakayahan.
"Thank you Emirates film festival [red heart and pray sign emoji'].
#bestsupportingactress #bestactor #abenidamovie #bgproductioninternational," ani Katrina.
Read: Allen Dizon, nanalong best foreign actor sa film festival sa Italy
Samantala, sa comments section ng kanyang post ay bumuhos ang congratulatory messages mula sa kanyang mga kaibigan, co-celebrities, at fans.
"Congrats ate!!!" komento ni Yassi Pressman.
Sabi naman ni Carla Abellana, "Congratulations, Kat! I’m so so proud of you [clap sign emoji]."
Mensahe ni Melissa Mendez, "Well deserved!!! Congratulations nak."
"Congrats," dagdag naman ni Pancho Magno.
Read: Kris Lawrence talks about co-parenting set-up with Katrina Halili
