Aminado si Carla Abellana na ikinalungkot nito ang sunud-sunod na balita tungkol sa animal abuse.
Partikular na rito ang asong si Killua na pinatay at isinako ng isang tanod sa Camarines Sur dahil nagtangka umano itong mangagat.
Maging ang aspin na si Erika ay hindi rin nakaligtas sa karahasan nang mapatay ito sa saksak ng isang South Korean national dahil rin umano sa pagtatangka rin nitong mangagat.
"Heartbroken, definitely, iniyakan ko yun," pahayag ni Carla sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nang matanong kung ano ang naging reaksiyon nito nang mabalitaan ang mga nangyari lalo't kilala ito bilang advocate ng animal welfare.
"And then, of course, ilang araw ko iniisip yun."
Read: #JusticeForKillua: Celebrities condemn killing of golden retriever
WHY CARLA ABELLANA FORCED HERSELF TO WATCH THE VIDEOS
Kuwento ni Carla, minabuti nitong mapanood ang nangyari kahit na mahirap itong panoorin upang malaman ang nararapat na gawing hakbang.
"Ako kasi, hirap akong manood ng videos or tumingin ng photos.
"But kailangan, I always say I know, parang dapat may trigger warning or disclaimer.
“I know it's painful to watch, but we have to see. We have to see to know what happens, that these things happen."
Dagdag nito, "Pero nandoon ako sa right away dun sa, 'Okay, time to... do some action.'
"Pagka, 'Okay, it happened, what's next?' Hindi naman puwedeng iiyakan na lang natin.
"We have to, we have to do something. We have to use the law, yung ganun.
"So, looking forward ako dun sa justice na mabibigay kay Killua soon."
Read: #Single mom in Cavite turns home into animal shelter; has 200 rescued animals including a baboy-ramo
Umaasa si Carla na magiging daan ang nangyari kina Killua, Erika, at iba pang hayop upang maitigil na ang animal cruelty sa bansa.
"It happens every day. Siguro I'd say ngayon lang nakuha yung attention ng majority because of the sensationalism, but it happens every day and everywhere.
"Whether sa pets iyan, na may breed or wala, whether sa stray iyan or sa farm animal, it happens every day.
"Hindi na siya bago. But at least, kumbaga, people are more aware now na may nangyayaring ganyan.
"It doesn't make it okay, of course. It's still very heartbreaking. I can't imagine the pain nung owners.
"But hopefully, it's going to make people realize na, number one, there is an Animal Welfare Act.
"Number two, it is illegal to be cruel towards animals and you can go to jail or pay a hefty fine for being abusive or neglectful sa isang hayop.
"So sana, it's always one step closer to more awareness and yung implementation talaga ng Animal Welfare Act."
CARLA ABELLANA: WOMEN OF INFLUENCE 2024
Samantala, nagpapasalamat naman si Carla sa Cosmopolitan Philippines sa parangal na iginawad nito sa kanya bilang bahagi ng annual Women of Inlfuence list.
Ano nga ba ang para kay Carla ang ibig sabihin ng influence?
Sagot nito, "Influence to me actually can be good or bad, but influence to me is such an important tool or manner or way of calling people's attention, and hopefully something that we should also use responsibly if we are in the position of being capable of influencing others.
"So napaka-important tool iyan ngayon, most especially in the digital age and with social media, it's easy to influence people whether for something good or bad.
"So dapat, you know, we should cherish that and use it responsibly."
Kinilala si Carla bilang "The Compassion Champion" para sa kanyang efforts bilang animal welfare advocate.
Pahayag ni Carla tungkol sa award, "It's an honor.
"Like I mentioned nga kanina sa interview, normally, being an actress, of course, sa work namin, sometimes there are times na na-recognize kami for our acting...
"Whether it's for a show or a movie, nabibigyan kami ng mga recognition, nominations, but this is different because it's for my advocacy."
"So I've never, as far as I know, parang I've never been recognized for my advocacy."
Dagdag ni Carla, tila mas malalim pa ang award na ito para sa kanya kumpara kung siya ay maparangalan ng isang acting award.
"So sabi ko pa nga, higit pa yun sa acting nomination or award.
"Kasi hindi ko naman yan, you know, I'm not paid to do this, you know, it's what I believe in, it's what I'm passionate about.
"So beyond grateful yung aking nararamdaman kasi narecognize nila yung paggamit ko ng voice ko for animal welfare."
READ MORE:
