PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mayor Niña Jose reacts to her viral “mabahong mic” issue

Mayor Niña Jose-Quiambao says the video was edited to maligh her reputation.
by Bernie V. Franco
Published Mar 25, 2024
Nina Jose mabahong mic
"[I]t just shows how shallow minded and judgementel people are," says Bayambang, Pangasinan Mayor Niña Jose-Quiambao regarding her viral video about the "mabahong mic."
PHOTO/S: YouTube (Nina Jose-Qiambao)

Nag-react si Bayambang, Pangasinan Mayor Niña Jose-Quiambao matapos mag-viral ang paghinto niya sa kalagitnaan ng kanyang speech dahil “mabaho talaga yung mic” na gamit niya.

Nag-deliver ng kanyang speech ang actress-turned-politician sa flag ceremony sa Balon, Bayambang, noong March 18, 2024.

Sa kumalat na video clip online, hiniling ni Niña sa kanyang security na palitan ang gamit niyang mikropono.

Aniya, habang gamit pa rin ang mic at dinig ng lahat ng attendees, “There's bad breath here.

“Sorry, mabaho talaga yung mic. I can't… mabaho… it's amoy maasim.”

“I don’t wanna have halitosis [bad breath], you know.”

Read: Mayor Niña Jose trends on social media over “mabaho talaga yung mic” remark

NIÑA REACTS ABOUT THE MIC ISSUE

Depensa ni Niña, in-edit umano ang video para magmukha siyang katawa-tawa.

Ipinost ni Niña ang kabuuan ng kanyang speech nitong Linggo, March 24.

Mapapanood dito na sa kalagitnaan ng kanyang speech, napatigil si Niña at doon niya sinabi ang ukol sa “mabahong mic.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bungad ng kanyang post, “Narito ang buong video ng aking speech noong nakaraang Flag Ceremony, which was maliciously edited by someone upang gawing katatawanan at siraan ang aking pagkatao.”

Inisa-isa rin ng alkalde ang mga nais niyang paliwanag:

Una na rito ang batikos sa kanyang siniraan umano niya ang unang gumamit ng mikropono bago siya nagsalita.

Depensa rito ni Niña (published as is), “Ang microphone ay hindi ginamit ng sinuman bago ko gamitin bagkus ito ay naitago ng matagal kaya marahil nag-cause ng hindi magandang amoy. Hindi ko iyon nasabi to malign or magpahiya ng tao.”

Dinepensahan niya rin ang sarili sa kanyang pahayag na umani ng matinding batikos.

“Kilala rin ako ng aking close friends at ng aking LGU family sa pagbibitaw ng mga weird statements. That time talagang hindi maganda ang amoy ng microphone.

“If ever I have to apologize, I will apologize to the microphone because nasabi kong mabaho na ito.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Banat niya pa, “Sana kung sinuman ang nag-upload ng video na ito at ginamit upang kumita ng pera ay sana nakatulong ito sa iyo.”

Nina Jose mabahong mic

Mayor Niña Jose-Qiambao moves microphone away from her because it is "mabaho."

NIÑA HITS BACK AT JUDGMENTAL PEOPLE

Tahasan ding pinuna ni Niña ang mga taong aniya ay hinusgahan siya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Alam nyo ba, minsan, iniisip ko 'yung kasabihang ‘Let he who is without sin cast the first stone.’

“Sa panahon ngayon, madalas tayong mag-judge ng iba, pero nakalimutan natin minsan na wala tayong karapatang maghagis ng bato kung hindi natin kayang panindigan ang ating sariling kalinisan.

“Dapat nating isaalang-alang ang ating sariling mga pagkukulang bago tayo manghusga ng kapwa.

“Huwag tayong magmadali sa paghuhusga at palaging maging bukas ang ating puso at isipan sa pag-unawa sa kapwa.”

Pagwawakas niyang mensahe, “Let's spread love and understanding instead of judgment and hate. #NoToJudgment #SpreadLove”

Sa comment section, may mga sinagot ding netizens si Niña.

Mungkahi ng isa, sana ay “bad breath” na lang ang sinabi niya at hindi na “halitosis” dahil daw napahiya ang unang gumamit ng mic.

Sagot ni Niña (published as is), “ok lang it just shows how shallow minded and judgementel people are”

comment

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May nag-message kay Niña na trending topic daw siya dahil sa isyu.

Reply ng dating aktres (published as is), “it’s okay, that’s the way of the world, madaming judgemental people”

comment

Isa ring female netizen ang nagbiro na baka mabaho na naman ang mikropono na gagamitin ni Niña sa susunod.

Sagot ni Niña, “hahaha NO na I bought a new one.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

comment

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"[I]t just shows how shallow minded and judgementel people are," says Bayambang, Pangasinan Mayor Niña Jose-Quiambao regarding her viral video about the "mabahong mic."
PHOTO/S: YouTube (Nina Jose-Qiambao)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results