Kasal na ang celebrity couple na sina Zanjoe Marudo, 41, at Ria Atayde, 32.
Mukhang itinaon ang sikretong pagpapakasal ni Zanjoe kay Ria sa mismong ika-32 kaarawan ng aktres noong Sabado, March 23, 2024.
Sa post ni Zanjoe ngayong hapon ng Lunes, March 25, binanggit niya muna ang petsa nito sabay ang pagbati sa kanyang "wife" na si Ria.
Caption niya sa post, "03.23.24
"Happy Birthday MY WIFE [heart emoji]"
View this post on Instagram
Walang ibang detalye na inilagay si Zanjoe.
Pero sa mga larawang ibinahagi ng kanilang official photographer, ang Nice Print Photography, sa social media, makikita sa background ang sagisag ng punong lungsod ng Quezon City.
Ibig sabihin, ikinasal sina Zanjoe at Ria sa pamamagitan ng isang civil wedding ceremony sa Quezon City Hall.
Mismong si Quezon City Mayor Joy Belmonte ang nagkasal sa dalawa.
Ang kapatid ni Ria na si Arjo Atayde ay congressman sa naturang lungsod.
View this post on Instagram
CONGRATULATORY MESSAGES
Sa comments section, kaagad namang bumuhos ang congratulatory messages sa post ni Zanjoe mula sa kapwa nila celebrities:



Winelcome din si Zanjoe sa pamilya nina Gela Atayde at Mikee Atayde:


Na-enage sina Zanjoe at Ria noong February 20, 2024.
Read: Zanjoe Marudo and Ria Atayde now engaged
Noong February 15, 2023, nang maging Instagram official sina Zanjoe at Ria.
Ito’y matapos i-post ni Zanjoe sa kanyang Instagram ang sweet photos nila ni Ria na kuha sa kanilang Valentine's Day celebration.
Read: Zanjoe Marudo finally posts photos with girlfriend Ria Atayde
