Kahit Holy Wednesday ngayong araw, March 27, 2024, hindi pinalampas ni Pokwang ang isang basher sa X (dating Twitter).
Isang fan niya ang nagpaabot ng mensahe ng isang basher na sinabihan siyang "laos."
Ayon sa basher, mula nang lumipat daw si Pokwang sa GMA-7, na nasa may "Kamuning," mula sa ABS-CBN, na nasa Mother Ignacia, naging laos na raw ito.
Komento ng basher, "laos na si pokwang simula lumipat sa kamuning. Prang nagsisi nga daw na lumipat hehe kala kc nila hindi makakabangon ang abscbn"
Tanong ng fan kay Pokwang, "Mamang true ba? @pokwang27"
Buwelta ng TikToclock host, "Jusko saan galing mga animal na ito? dapat ito ang tinatapon sa China! mga mapag gawa ng isaping walang kwenta!"
Ayon pa kay Pokwang, masaya siya sa kanyang estado ngayon sa GMA-7. Malaki rin daw ang respeto niya sa ABS-CBN, kung saan siya nanggaling.
Ganundin sa TV5 na paminsan-minsan ay nagbibigay rin ng proyekto sa kanya.
Aniya, "masaya po ako sa @gmanetwork at mataas din respeto ko sa @abscbn both network at ang @tv5 ay mga malaking pasasalamat kopo dahil binuksan nila ang kanilang mga pinto sa aking talento #GratefulHeart sa mga mapag gawa ng kwento sa impierno bagsak nyo!"
Samantala, wala pang balita kung tuluyan nang nakaalis ng bansa ang estranged partner ni Pokwang, ang American actor na si Lee O'Brian.
Isiniwalat ito ni Pokwang sa pakikipagsagutan niya sa bashers na nagkomento sa Instagram post ni Lee noong Valentine's Day, February 14, 2024, na kusa na raw nitong lisanin ang Pilipinas.
Read: Pokwang: Through heartbreaks, hardships, happiness
Sa panayam kay Pokwang nitong February 9, nakarating daw sa kanyang naghahanda na si Lee na umalis ng bansa.
Aniya, “Nakarating na sa akin na nagliligpit-ligpit na. Para sa kanya, para sa akin din ito, para sa kapayapaan naming pareho."
Read: Pokwang sinabing "nagliligpit-ligpit" na ang ex-partner na si Lee O'Brian
