Nagbalik-tanaw ang kapatid ni Rico Yan na si Tina Marie Yan sa masakit na alaala ng pagpanaw ng aktor.
Sumakabilang buhay si Rico noong March 29, 2002, habang nagbabakasyon sa Puerto Princesa, Palawan.
Twenty-seven years old siya noon.
Sa post ni Tina sa kanyang Instagram account ngayong araw na ito, March 29, 2024, ibinahagi nito ang naging emosyon nang makarating sa kanya ang balitang pumanaw na si Rico.
Kalakip ng kanyang post ang photo niyang nasa background ang naka-frame na larawan ng aktor.
Read: Rico Yan: Revisiting his brief life and career

Read: Rico Yan's mom breaks silence on “unfair, disrespectful" claim about late actor
THE MOMENT TINA YAN LEARNED ABOUT HER BROTHER'S DEATH
Ang kanyang caption (published as is): “Today happens to be the same day Rico left 22 years ago, on Good Friday.
“I can't help but re-live that painful moment.”
Nasa America si Tina nang mangyari iyon.
“It was a Thursday evening in San Francisco when I received the tragic heart-breaking news.
“I spent the whole day on Good Friday in the U.S. Immigration office to get my travel parole so I could rush home.”
Read: Rico Yan's 21st death anniversary: family, fans, Dominic Ochoa remember late actor
Iyon aniya ang pinakamahabang biyahe niya.
At pagkarating sa Pilipinas, ramdam agad niya ang hatid na kalungkutan na wala na ang kanyang kapatid.
“It was the longest flight of my life, that's for sure.
“And upon arriving Manila to face everything head on, the void was just too real.”
THE SADDEST GOOD FRIDAY
Ani Tina, ang pagsapit ng bawat Biyernes Santo ay nagdudulot sa kanya ng sugat na ang pilat ay hindi na mawawala.
“Good Friday will always be a scar that I can never erase.”
Ibinahagi rin niya ang mga bagay na nami-miss niya kay Rico.
“God knows how much I miss you—all the laughs, the chats, the video games, the midnight snack time and fine, all the pranks and flying kicks to my face too.”
Paglalambing niya sa kapatid, “Keep on watching over us here!”
Read: Claudine Barretto still celebrates Rico Yan’s birthday 21 years after his death
RICO YAN’S LAST DAYS
Pumanaw si Rico noong March 29, 2002, Biyernes Santo.
Batay sa resulta ng autopsy sa mga labi ni Rico, cardiac arrest due to acute hemorrhagic pancreatitis ang sanhi ng kamatayan niya.
Kasama ni Rico sa Dos Palmas Resort sa Puerto Princesa, Palawan, ang kapwa aktor at matalik na kaibigang si Dominic Ochoa.
Si Dominic ang nakadiskubre sa kanyang bangkay.
Biyernes Santo ng hapon ng March 29, 2002, nang kumalat ang balita tungkol sa nangyari kay Rico. Kinumpirma ito ng mga radio announcers sa AM stations dahil off-air ang TV networks.
Mula sa Puerto Princesa, dinala sa Maynila ang bangkay ni Rico.
Read: Did you know: Rico Yan played ghost in this GMA-7 show?

Read: Claudine Barretto deletes Rico Yan's "old love letter" on her Instagram account
Marami ang nabigla sa nangyari dahil nainterbyu pa siya para sa isang radio station nang lumapag sa Palawan ang eroplanong sinakyan nila ni Dominic at ng girlfriend noon ng huli na si Janna Victoria.
Nang tanungin kung ano ang kanyang pakay sa unang pagkakataong tutuntong siya ng Palawan, ani Rico: “Holy Week vacation. We might stay for a while in Dos Palmas.”
Sinagot din niya ang tanong kung bakit hindi niya kasama ang alam ng publiko na girlfriend niya noon—si Claudine Barretto.
Aniya, “She had to go to Subic kasi yung tatay niya nakadestino doon. So, I made plans with my friends na dito mag-Holy Week, and dapat kasama siya, pero sayang hindi siya makasama.
“Last minute, she had to spend time with her family.”
Nang tanungin tungkol sa balitang hiwalay na sila ni Claudine, ang pakiusap ni Rico: “Let’s not delve into that.”
Read: Claudine Barretto on late boyfriend Rico Yan: "Mahal ko pa rin siya."
Nang magpunta si Rico sa Palawan, palabas pa sa mga sinehan ang Got 2 Believe, ang certified blockbuster romantic-comedy movie na pinagbidahan nila ni Claudine.
Nagbukas ito sa mga sinehan noong February 27, 2002, pinilahan sa takilya, at naabutan ng pagkamatay ni Rico, kaya matagal na ipinalabas ang pelikula.
May matindi nang problema sa relasyon nina Claudine at Rico nang magkaroon ng press conference ang Got 2 Believe, pero nagawa nilang ilihim sa entertainment press ang katotohanan.
Sa promotions ng pelikula, magkahiwalay pa sila ng van.
Lumitaw na lamang ang balitang hiwalay na ang dalawa habang palabas na sa mga sinehan ang huling pelikula ni Rico.
Read: Judy Ann Santos on the late Rico Yan: "We were more than friends, but we're not lovers."
