Ginawang katatawanan na lamang ni Tom Rodriguez ang panglalait ng netizens sa kanyang cover ng awiting "Versace on the Floor."
February 2024 pa in-upload ng aktor sa kanyang TikTok account ang nasabing cover ng sikat na awitin ni Bruno Mars.
@akosimangtomas ? original sound - Tom Rodriguez
Ni-reupload ito ng isang netizen sa X (dating Twitter) nitong April 1, 2024 o April Fool's Day.
Caption ng netizen sa video ni Tom, "Versace on the floor - Mickey Mouse AI version"
Komento ng isa, "This AI version of Versace on the Floor by Mickey Mouse is pure magic! Amazing creativity."
Pagyayabang naman ng isang netizen, "I’m way more talented"
Ayon sa isa pa, "i can't unhear it, he does sound like mickey"
Lumikha rin ng samu't saring panglalait ang nasabing video ni Tom sa isang Facebook account.
Halos lahat ng kanilang komento ay inihalintulad si Tom sa cartoon character na si Mickey Mouse.





TOM RODRIGUEZ REACTION VIDEO
Mabilis na nakarating kay Tom ang panlalait sa kanya ng netizens, pero sinakyan lamang niya ito.
Nag-upload siya ng kunwari'y reaction video sa kanyang cover ng "Versace on the Floor."
Sabi ng aktor sa video, "Hi guys, Tom Rodriguez here. Nandito ako para mag-react ng cover ko ng Versace on the Floor by Bruno Mars as Mickey Mouse."
Tapos, kunyari ay pinapakinggan muna niya.
"O, okay naman, ah."
Ipinagpatuloy lang niya ang kanyang panonood. Sa isang punto ay naglinis pa siya ng tenga gamit ang cotton buds.
Sa chorus ng kanta ay napatigil siya.
Sabi niya, "Ay, oo nga no? Hala paano mag-delete... Hala paano to, i-Only Me. Ma… ma…"
Caption ni Tom sa video, "Not a cover po. Reaction video po. Feeling cute, might delete later…pero hindi yung app, sorry [see no evil monkey emoji]"
@akosimangtomas Not a cover po. Reaction video po. Feeling cute, might delete later…pero hindi yung app, sorry ????
? original sound - Tom Rodriguez
Komento ng isang netizen, "might delete later dw bat d nlng ngayon po"
Pabirong sagot ni Tom, "Pa gcash ng wampayb, idelete ko agad [see no evil monkey emoji]"

