Pagkatapos ng halos pitong taon, muling nagkasalubong ang landas ng Kapuso stars na sina Juancho Trivino at Alden Richards.
Read: Juancho Trivino's major and minor projects as actor
Sa Instagram kahapon, April 3, 2024, ibinahagi ni Juancho ang pagkikita nila ni Alden sa isang birthday party.
Si Juancho ay nasa pagtitipon bilang host, at invited guest naman si Alden.
Aniya, "My first time hosting a birthday celebration, and let me tell you - I was definitely nervous at first but ended up having so much fun.
"Nagkita rin kami ni @aldenrichards02 it was nice seeing him after a long time, we go way back and through some moments as well.
"Love the suit from @hm
"Anyway, on to the next one! Yes, I do host, so if you all are looking for one, please send an email in my bio! See you"
View this post on Instagram
THE ALLEGED RIFT
Nag-ugat ang diumano'y alitan nina Juancho at Alden noong lumabas ang isyu na binu-bully ni Juancho si Alden magmula noong nasa kolehiyo pa sila.
Bago sila kapwa pumasok sa showbiz, naging magkaklase sina Alden at Juancho sa De La Salle University-Canlubang, sa Laguna, noong college.
Ayon kay Juancho noon, hindi puwedeng mangyari ito dahil nirerespeto si Alden noong college days nila dahil isa ito sa pinakaguwapo sa kanilang eskuwelahan.
Read: Juancho Trivino clarifies bullying issue with Alden Richards
Isa pang isyu na ikinagalit ng fans ni Alden noon ay ang diumano'y pag-dirty finger ni Juancho sa kapwa aktor.
March 18, 2018, may kumalat na video kung saan mapapanood na unang naka-focus ang camera sa poster ni Alden para sa isang watch brand.
Maririnig sa background ang boses ng isang babae na tumatawa at nagsabing, "Nandito si Alden."
Pagkatapos ay ipinaling ang camera sa nakaupong si Juancho, na tila nasa isang loob ng store ng watch brand na iniendorso ni Alden.
Sa pag-focus ng camera kay Juancho, akto namang itinaas niya ang dalawang kamay na parehong naka-dirty finger.
Nakangisi rin ang aktor.
Ang video na ito ay labis na ikinagalit ng fans, hindi lang ni Alden kundi pati ng love team nila ni Maine Mendoza—ang AlDub.
Dahil dito ay inulan ng hate messages ang Instagram account ni Juancho.
Ngunit agad naman niyang in-off ang comment feature sa kanyang account.
Noong March 19, 2018, naglabas ng mensahe sa noo'y Twitter si Juancho.
Dito ay humingi siya ng paumanhin kay Alden at sa pamilya nito, sa mga tagahanga, at sa pamilya niyang nadamay sa isyung ito.
Pero nilinaw ni Juancho na isa lamang itong "bad joke" na hindi para kay Alden.
Read: Did Juancho Trivino flash dirty finger at Alden Richards?
