Pinagbigyan ni Claudine Barretto ang isang fan nila ni Rico Yan tungkol sa relong regalo ng yumaong aktor para sa aktres.
Sa Instagram kahapon, April 3, 2024, nag-post si Claudine ng kanyang OOTD at ipinagmalaki ang bagong sapatos na bigay sa kanya ni Yasser Marta.
Sina Claudine at Yasser ay nagkasama sa katatapos lamang na GMA-7series na Lovers/Liars.
Nali-link din sila sa isa't isa romantically.
Saad ni Claudine, "Super late thank you @itsyassermarta luv my Rubber shoes [shoe, smiling face emojis]"
View this post on Instagram
Nagkomento dito si Yasser.
Sabi ng aktor, "Bagay sayo [smiling emoji]"
Tugon ni Claudine, "Thank you two times ko na nasuot"

Marami namang kinilig na fans nina Claudine at Yasser.


May isang netizen na nagtanong kay Claudine kung suot pa ba nito ang bigay na relo ni Rico.
Read: Rico Yan: Gone too soon
Ayon pa sa netizen, hindi matigil-tigil ang kanyang pag-iyak dahil sa pagiging matatag umano ni Claudine sa pagtanggap ng kamatayan ni Rico.
Aniya, "Do you still wear parin po ba yung watch ni Rico yan pls wear it po I can't stop crying because how strong are you po na nakapag moved on ka sakanya pls po ate claudine suotin nyo po mahal na mahal kopo kayo"
Sabi ni Claudine, pagbibigyan niya ang hiling ng netizen na muling isuot ang naiwang relo ni Rico.
Sagot niya, "awww dahil gusto mo sige isusuot ko yung WATCH NYA.Gusto ko happy lang lagi mga friends not Fans ha kasi para sakin ang fans ang tunay na kaibigan."

Read: Rico Yan: Revisiting his brief life and career
Nitong nakaraang March 29, 2024, ginunita ang ika-22 taong anibersaryo ng kamatayan ni Rico.
Isa sa hindi makalimot nito ay si Claudine.
