Nagbalik na sa vlogging ang actress/chef/restaurateur na si Judy Ann Santos.
Itinigil ni Judy Ann ang kanyang cooking vlog, ang Judy Ann's Kitchen, may halos tatlong taon na ang nakararaan.
Read: Judy Ann Santos-Agoncillo: A Woman Complete
Sa Instagram kahapon, April 4, 2024, ibinida ni Judy Ann ang ilang behind the scenes sa kanyang vlog kuha sa bahay nila sa Batangas.
Mapapansin ding bago ang hitsura ng kanyang kitchen. Mas malawak na ito at moderno.

Kalakip nito ang mahabang caption.
Mensahe ni Judy Ann (published as is), "Hindi ko alam kung paano at saan ako magsisimulang magpasalamat sa mga taong asa likod ng judy ann’s kitchen .. halos anim na bwan kami inabot sa pagpepreprod, pagbuo ng team, ng concepto at lahat ng iba pang mga bagong gusto kong mailabas sa judy ann’s kitchen.
"Walang bahid ng banas at pikon sa pagbuo kasi lahat nagtiwala at naniwala na masaya at magaan na pagbabalik ang gusto ko. Maraming salamat sa aking mga kaibigan sa industriya.."
Sinimulan din ang vlog sa pamamagitan ng isang mini-drama show kung saan may natinik ng sea urchin sa mga gumanap.
Ipinakilala rito na ang unang episode nila sa bagong kabanata ay tumatalakay sa uni, ang lamang-loob ng sea urchin.
Lumabas ito sa YouTube nitong nakaraang April 3, 2024.
Aniya, "@totosaracho @dmsboongaling @jojitlorenzo , sa walang pagdadalawang isip na umarte sa teaser namin.. isang mensahe lang, oo agad… walang tanong tanong.. ( masyado..) titow @odysseyflores salamat sa pagsama sa produksyong binuo natin kasama ng mga top notch boys mo ( naks naman..) nakakakilig isipin na napakalayo na ng narating ng JAK.
"manay @ethelme thank you sa paggabay and pagtutok sa bawat elemento at anggulo na kailangan para makabuo ng isang maayos na production, kasama ang mga supling mo .. salamat at magkasama na tayo uli.."
Ang asawa ni Judy Ann na si Ryan Agoncillo ang direktor ng kanyang vlog.
Mensahe niya sa asawa, "at higit sa lahat.. sa buhay ko.. @ryan_agoncillo thank you bub.. for always, always being there.. for calming me pag nakikita mong balisa ako, aa paghawak sa kamay ko pag ninenerbyos ako, sa pagpapaalala sa aking huminga sa mga oagkakataong naooverwhelm ako..
"sa pag akap sa akin ng mahigpit sa mga oras na kahit hindi ko alam kailangan ko .. alam mo lagi kung kelan yun.."
May mensahe rin si Judy Ann sa tatlo nilang anak ni Ryan na sina Yohan, Lucho, at Luna Agoncillo.
Sabi nito, "sa tatlo naming supling.. kayo ang inspirasyon ko.. habang buhay.. at sa lahat po ng naghintay at nakapanood na..
"maraming maraming salamat.. nakakataba ng puso ang lahat ng mga komento ninyo… #forevergrateful #judyannskitchenisback"
View this post on Instagram
Sa episode ng Magandang Buhay noong July 4, 2022, sinabi ni Judy Ann ang dahilan kung bakit pansamantala siyang tumigil sa pagba-vlog.
Saad niya, "Hindi naman sobrang busy. Ang hirap kasing mag-isip ng mga episodes, especially yung pagtaas ng presyo ng bilihin ay napakalala.
"Ayokong hindi maka-relate yung viewers sa kung anumang lutuin ang gagawin ko kasi parang napaka-unfair naman."
