Mas marami pa raw dapat mauna sa kanya bilang National Artist for Music.
Ito ang naging tugon ni Asia's Songbird Regine Velasquez nang matanong tungkol sa kahilingan ng maraming netizens na ideklara na siyang National Artist.
Read: Regine Velasquez Biography: How she became Asia's Songbird
Sa Facebook Reel na in-upload ng Magandang Buhay headwriter na si Darla Sauler kagabi, April 7, 2024, ipinaliwanag ni Regine na mas marami pang karapat-dapat mauna sa kanya.
Saad ni Regine, "I don't think I'm qualified yet but I would want Pilita Corrales as National Artist, Jose Marie Chan... Parang hindi pa, hindi ko pa yun panahon ngayon."
Nag-ugat ang panawagang igawad na ang pagkilala kay Regine matapos itong tanghaling isa sa mga Billboard Philippines 1st Women in Music Awards.
Sabi ng isang netizen sa X (dating Twitter), "With a career spanning over three decades, Regine Velasquez-Alcasid has showcased her exceptional vocal ability.
"Her influence extends beyond borders and timelines. Above all else, she’s been using her platform to champion social causes. An icon. Our National Artist for Music!"
Dagdag pa ng Magandang Buhay at Asap Natin 'To mainstay, marami pa siyang dapat patunayan pero nagpapasalamat siya sa mga nanawagang gawin siyang National Artist.
Aniya, "So, huwag na muna. Parang merong mas qualified sa akin and I still have a long way to go but thank you.
"I appreciate it very much for the people na parang nagpu-push, pero huwag muna kasi parang mas maraming mas iniisip na dapat sila yung nandun, si Nora Aunor, you know what I mean?
"Parang those are the people who should be in there and sana malagay sila dun habang buhay pa sila."
Ang huling nadeklarang National Artist for Music ay si Maestro Ryan Cayabyab.
Read: Ryan Cayabyab still uncomfortable with National Artist title
