PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dani Barretto on “utang na loob”: Stop twisting my words

Dani Barretto: "Never ko sinabi na wag niyo mahalin mga magulang niyo."
by Arniel C. Serato
Published Apr 8, 2024
Dani Barretto appeals to stop twisting her words
Dani Barretto: "Please stop twisting my words. Try to watch the episode first before you judge me and my character. I will never tell people to not love their parents, and not give back or take care of them. I love my mother more than my life, and I will spend the rest of my life giving back to her and spoiling her."
PHOTO/S: Courtesy: Instagram

Umapela si Dani Barretto sa netizens na tigilan na ang maling interpretasyon sa kanyang mga sinabi tungkol sa "utang na loob culture" ng mga Pinoy.

Kasunod ito ng viral podcast niyang Bare It All na lumabas sa Spotify noong March 29, 2024.

Saad ni Dani sa Facebook post niya noong April 5, tigilan na ang pagbaluktot sa kanyang sinabi.

Mensahe niya:, "STOP TWISTING MY WORDS."Never ko sinabi na wag niyo mahalin mga magulang niyo, THAT IS SO TWISTED. Saan nanggaling yun?!!! And never ko sinabi na wag niyo sila tulungan. My god!

"Seriously napaka layo niyan sa mga sinabi ko. Watch the full episode to understand what I REALLY SAID.

"Its okay to disagree to what I said, but to twist my words and create a totally different story?! I WILL NOT LET THAT PASS."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Dani ay anak ni Marjorie Barretto sa dating karelasyon nitong si Kier Legaspi.

Read: Dani Barretto goes for affordable, multi-use beauty products this summer

"FILIPINO PARENTS WHO GUILT TRIPS..."

Sa post naman niya noong April 6, ipinaliwanag muli ni Dani ang konsepto ng kanyang sinabing "utang na loob" sa mga magulang na Pinoy.

Read: Kier Legaspi speaks on falling out with daughter Dani Barretto

May ilan daw kasing mga Pilipinong magulang na isinusumbat sa mga anak ang kanilang nagawa para rito,

Aniya, "I don’t understand why something so simple and came from a place of love and concern blew out of proportion.

"But I guess that’s just how the world works nowadays. This is to address the UTANG NA LOOB statement that was posted on the Bare It All Tiktok Page, and some media & news outlets.

"I was only addressing one group of people on that statement, which is the Filipino parents who guilt trips, forces, sinusumbatan mga anak nila, obligates and requires their children to provide for them and uses the word UTANG NA LOOB as a weapon to get what they want. Not the word utang na loob in general."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon pa kay Dani, hindi niya sinabing huwag tumanaw ng utang na loob ang mga anak sa kanilang mga magulang.

Read: Dani Barretto starts construction of family's "forever home"

Ang nais niyang ipunto ay huwag gamitin ang salitang "utang na loob" sa mga bagay na dapat daw talagang ibigay.

Saad niya, "Never ko po sinabi na wag kayo magtanaw ng utang na loob sa mga magulang niyo, never ko din sinabi na wag niyo sila alagaan.

"Ang point ko lang po is that I think its unfair na gamitin ang word na utang loob sa isang bagay na dapat naman talaga ibigay or i-provide ng bawa’t magulang para sa mga anak nila.

"Such as (food, schooling, roof over their heads) ang pagtanaw ng utang na loob comes naturally to people, para saakin hindi mo dapat yun pinipilit or sinusumbat. Kusa po yun binibigay dahil mahal po natin ang mga magulang natin.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"kung pinanuod niyo po yung buong episode, maiintindihan niyo yung statement."

Muling pakiusap niya, "Please stop twisting my words. Try to watch the episode first before you judge me and my character.

"I will never tell people to not love their parents, and not give back or take care of them. I love my mother more than my life, and I will spend the rest of my life giving back to her and spoiling her."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"TOXIC FILIPINO CULTURE"

Matatandaang nitong nakaraang April 3, nagpaliwanag si Dani matapos makatanggap ng batikos dahil sa pahayag niya ukol sa mga magulang na ginagamit ang utang na loob laban sa kanilang mga anak.

Kaugnay ito ng lumabas sa TikTok na video clip mula sa kanyang podcast episode ukol sa “toxic Filipino culture: utang na loob sa magulang.”

Sa video clip, iginiit ni Dani na hindi utang na loob ng mga anak ang pag-aaruga at pagpapaaral sa kanila ng kanilang mga magulang.

Bahagi ng pahayag niya, “Hindi ka puwedeng magkaroon ng utang na loob sa isang bagay na dapat nilang gawin para sa yo.

“…kasi there are some people who use that against people, parang, ‘Pinaaral kita, pinaganito kita, ganyan-gayan… so, dapat ito yung binibigay mo sa akin.’”

Ayon pa kay Dani, bilang mga magulang, responsibilidad nilang alagaan, pag-aralin ang kanilang mga anak hanggang sa makatayo na ang mga ito sa kanilang sariling mga paa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero hindi raw dapat nila obligahin ang mga anak kapag naging independent na ang mga ito.

Read: Dani Barretto clarifies statement on “toxic” parents using utang na loob vs children

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dani Barretto: "Please stop twisting my words. Try to watch the episode first before you judge me and my character. I will never tell people to not love their parents, and not give back or take care of them. I love my mother more than my life, and I will spend the rest of my life giving back to her and spoiling her."
PHOTO/S: Courtesy: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results