PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Romnick Sarmienta joins Sheryl Cruz in 'Bakekang'

This is the third time the two will work together after Sheryl's comeback.
by Ruel J. Mendoza
Published Jan 8, 2007
"We always look forward to working with one another," says Romnick Sarmienta on his team-up with Sheryl Cruz


Balik-tambalan na naman ang isa sa hottest love teams noong late '80s and early '90s na sina Romnick Sarmienta at Sheryl Cruz. Si Romnick kasi ang latest addition sa cast ng top-rating GMA-7 drama series na Bakekang, kung saan gumaganap bilang Valeria si Sheryl.

Pivotal ang role na ibinigay kay Romnick sa Bakekang ngunit sa ngayon ay confidential muna raw ito. Ito ang balita ng aktor sa PEP (Philippine Entertainment Portal) kahapon, January 7, sa Tomas Morato.



"Nagulat nga ako at kinuha pa nila ako. Ang alam ko kasi hanggang March na lang ang Bakekang. Pero yung role ko raw kasi ay kailangan sa show at magbubukas ng panibagong misteryo sa buhay ng ilang characters sa show. Nagustuhan ko naman kaya okay para sa akin. Hintayin na lang nila kung ano ang role ko sa Bakekang," pambibitin pa ni Romnick.

Nagsimula ang tambalan nina Romnick at Sheryl sa That's Entertainment ni German Moreno. Mas lalong uminit ang kanilang love team sa bakuran ng Seiko Films, kung saan gumawa sila ng ilang pelikula na pinilahan sa takilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ilan sa mga pelikulang pinagsamahan nila ay Puso sa Puso (1988), Langit at Lupa (1988), Everlasting Love (1989), Sagot ng Puso (1990), Mundo Man ay Magunaw (1990), Ubos Na ang Luha Ko (1991), Kapag Nag-abot ang Langit at Lupa (1991), at Kung Tayo'y Magkakalayo (1991).

Nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang dalawa at dahil dito ay nabuwag din ang kanilang love team. Nag-migrate si Sheryl sa Amerika at doon niya nakilala at pinakasalan ang mister niyang si Norman Bustos. Si Romnick naman ay nanatili sa Pilipinas at ipinagpatuloy ang kanyang pag-aartista. Later on ay pinakasalan ng dating child actor ang childhood sweetheart niyang si Harlene Bautista.

Noong 2004 ay bumalik sa Pilipinas si Sheryl at binalikan ang pag-aartista. Ang una niyang proyekto ay ang GMA-7 fantaserye na Mulawin, kung saan kabilang din si Romnick. Nagkatambal ulit ang dalawa sa afternoon drama series na Now And Forever: Ganti.

At ngayon, sa pamamagitan ng Bakekang, ay magtatagpo na naming muli ang landas nina Sheryl at Romnick.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓



"Kami naman ni Sheryl, we work professionally. Masarap katrabaho si Sheryl kasi laging prepared ‘yan. Kaya siguro maganda pa rin ang samahan namin as actors kasi wala kaming problema sa isa't isa. That's why we always look forward to working with one another," nakangiting sabi ni Romnick.

Dagdag pa niya, "Ang maganda pa is hindi nagiging hadlang ang pagiging happily married ko kay Harlene. Kung sabagay, happily married din naman si Sheryl."



Incidentally, nasa number two spot ang Bakekang sa Top 20 overall programs noong December 2006 with a rating of 29.1%.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"We always look forward to working with one another," says Romnick Sarmienta on his team-up with Sheryl Cruz
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results