PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Taylor Sheesh assaulted in Pangasinan gig; says, "This is traumatic."

Mayor Niña Jose: "I am sorry to Taylor Sheesh that someone assaulted her..."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Apr 9, 2024
Taylor Sheesh assaulted in Pangasinan gig
Taylor Swift impersonator Taylor Sheesh gets assaulted at a concert in Bayambang, Pangasinan on April 6, 2024.
PHOTO/S: Taylor Sheesh Twitter

Nakakulong na ang lalaking nanakit umano sa viral drag artist na si Taylor Sheesh, ang impersonator ng multi-Grammy awardee na si Taylor Swift.

Nitong April 7, 2024 nang mag-viral sa social media ang video ni Taylor Sheesh habang nagko-concert sa Kalutan Festival sa Bayambang, Pangasinan.

Sa kalagitnaan ng kanyang pagtatanghal, bumaba si Taylor Sheesh sa entablado para makipag-jam sa fans nang biglang may lalaking nanakal sa kanya.

Kita pa sa video ang panandaliang paghinto ni Taylor Sheesh sa pagkanta para kumprontahin ang lalaki.

Mabilis na kumalat ang video clip, kunsaan marami sa mga tagahanga ni Taylor Sheesh ang nag-alala sa kanya.

Tweet ng isang netizen (published as is), “GRABE YUNG NANAKIT KAY TAYLOR SHEESH SA BAYAMBANGGGG. Ang ayos ayos na nagpeperform e.”

Ni-retweet ito ni Taylor Sheesh at sinabing maging siya ay nagulat at na-trauma sa nangyari.

Aniya, “This is traumatic. Literally. I’m shaking rn [right now].”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

MAYOR NIÑA JOSE APOLOGIZES

Mabilis na nakarating sa alkalde ng Bayambang, Pangasinan, na si Niña Jose-Quiambao, ang nangyari kay Taylor Sheesh.

Sa isang Facebook post, humingi ng paumanhin si Niña kay Taylor Sheesh.

Siniguro rin niya na mananagot ang lalaking nanakit sa drag artist dahil hindi raw niya kailanman itu-tolerate ang anumang klase ng pang-aabuso lalo na ang pagiging homophobia.

Mababasa sa post ni Niña (published as is), “I will not tolerate homophobia and physical abuse in my town.

"I will make sure that JUSTICE will be dealt with. I am sorry to Taylor Sheesh that someone assaulted her during her performance!

"Don’t worry. Authorities have the person in question and this matter and incident will be dealt with accordingly.

"BYB is a peaceful and safe town and I CaNNot CONDONE this stupidious act! I am so mad and so angry!!!! SHAME on YOU!!!!"

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

SUSPECT DETAINED

Sa ulat ng ABS-CBN nitong Lunes, April 8, dinala na sa San Carlos City RTC ang suspect para sa inquest proceedings.

Sa imbestigasyon, sinabi raw ng suspek na hindi niya sinasadya ang pangyayari at hindi umano niya intensyon na saktan si Taylor Sheesh.

Dahil raw siksikan, napadapo ang kanyang palad sa tapat ng leeg ng drag performer kaya lumabas na sinakal niya ito.

Sa ngayon ay nananatiling nakakulong ang suspek sa Bayambang custodial center habang naghihintay ng piyansa.

Read: Mayor Niña Jose trends on social media over “mabaho talaga yung mic” remark

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Taylor Swift impersonator Taylor Sheesh gets assaulted at a concert in Bayambang, Pangasinan on April 6, 2024.
PHOTO/S: Taylor Sheesh Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results