Saludo at hanga si Senator Bong Revilla sa pagmamahal, tatag, pang-unawa na ibinibigay palagi sa kanya ng asawang si Congresswoman Lani Mercado.
Read: Bong Revilla on showbiz and political careers: "Battle-tested na."
Sa loob ng mahigit tatlong dekada ng kanilang pagsasama, dumaan sila sa maraming pagsubok. At hindi rin lingid sa kaalaman ng publiko na naugnay sa ibang mga babae si Bong.
Naniniwala ang actor-politician na kung mahinang klaseng babae ang asawa ay hindi nito kakayanin ang lahat.
Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Bong nung nakaraang April 8, 2024, sa Victorino's Restaurant sa Quezon City.
"Totoo yun, siyempre sa lahat ng mga pagsubok na dumaan sa buhay ko, sa dami ng mga tsismis na dumating, nandiyan pa rin siya, very supportive," saad ni Bong.
Dagdag niya, "Kung bibigyan ko ng medalya, bibigyan ko ng medalya si Lani, lalagyan ko pa ng crown."
Nahingan din ng reaksiyon si Bong sa nabanggit noon ni Lani na mahirap maging asawa ang isang tulad niya.
Saad ng sendor, "Isipin mo yung mga pinagdaanan ni Bong Revilla, it's a roller-coaster ride, talagang mahirap talaga kaya sinasaladuhan ko siya dahil napanindigan niya bilang asawa at ina.
"Hindi kakayanin yun ng isang weak na babae. Tough siya, very tough wife.
"Iba yung personalidad niya, she knows what she wants at alam niya kung ano ang dapat gawin."
Read: Lani Mercado, selosa; Bong Revilla, ander de saya?
IS LANI MERCADO A MARTYR WIFE?
Maraming pagkakataong may mga babaeng naugnay sa actor-politician, pero sa kabila nito ay ipinaglaban ni Lani ang kanilang pamilya upang mapanatiling buo at matatag.
May ilan tuloy na binabansagan si Lani na martir daw itong asawa.
Sabi naman ni Bong, "Alam mo, yang pagiging martir, pagmamahal yun.
"Kung nakikita niya na masama ang ugali ko, wala akong kuwenta na asawa, wala akong kuwentang ama, bakit pa siya mananatili sa tabi ko?
"Siguro nakikitaan din niya na maganda ang puso ko, 'Masarap magmahal si Bong, kinikiliti pa rin ako ni Bong.'
"Siguro nakita niya na hindi naman ako ganun para iwanan niya.
"Hindi man ako perpektong lalaki, isang tunay na lalaki ako. I will never leave my wife."
Read: Senator Bong Revilla sa 37 years of marriage nila ni Rep. Lani Mercado: "Tagal na niyang nagtiis!”
Naniniwala rin si Bong sa kasabihang, "Behind every successful man, there is a strong woman."
Aniya, "I agree, malaking tulong sa akin si Lani.
"Even at the lowest moment of my life, nandiyan siya, siya yung tumayong nanay, tatay. Totoo yan, I believe that.
"Ang pinakamaganda sa ginawa niya sa mga anak ko. Imagine now I have a lawyer, si Inah, we have a doctor, tapos yung iba mga public servants like Jolo, congressman, and Brian.
"Successful lahat ng mga anak ko and I'm so thankful to Lani. Minsan hindi mo naman pinaplano dumarating.
"Isa yun sa malaking achievement na maibibigay ko kay Lani, yung pagpapalaki niya sa mga anak ko."
Read: Bong Revilla at Lani Mercado, proud na proud sa anak nilang si Inah: "Anak, iba ka, iba!"
HOW does BONG REVILLA RESIST TEMPTATIONS?
Tinawag noon na lapitin ng mga babae si Bong.
Tinanong namin siya kung paano niya nilalabanan ang tukso.
"Wala, lumalayo lang ako," sagot ni Bong.
"Siyempre respeto lang yan sa bawat isa. Natural lang naman yun, kumbaga sa manok kung makakita ka ng magandang babae, natural na pangkiliti lang, ganun lang
"No. 1 na sikreto, dapat magtiwala sa isa't isa, kailangan nandun lagi yung pagmamahal at yung fire ng pagmamahal.
"Pag nawala na yun, mawawala na ang gana saka ang problema di tinutulugan yan. Pag may problema kayo, you talk about it, para paggising mo sa umaga, wala nang problema."
Kaarawan ni Lani sa darating na April 13, may plano o regalo na kayang naiisip na ibigay si Bong sa asawa.
"Makita niya lang ako na nakangiti sa kanya, punung-puno ng pagmamahal. Maligaya na yun," tugon ni Bong.
Read: Celebrity dads with the most number of kids
MMFF ENTRY?
Kinumpirma ni Bong na gagawin niya ang Alyas Pogi 4 at balita na may balak itong isali sa 2024 Metro Manila Film Festival.
"We'll see, but mostly yes. Ayoko namang sabihin na part siya ng MMFF kasi dadaan pa sa proseso yan siyempre. Tingnan natin, isa-submit natin."
Ayon nga sa actor-politician ay busy siya ngayon sa pagpapakundisyon para sa pelikula.
"Yes, kaya ako nagpapakundisyon kasi I want to do my own stunts.
"I'm good, busy sa kawo-work out, nagpapakundisyon dahil nag-gain ng kaunti, pero okay naman.
"Preparing for Alyas Pogi 4. I am super excited so I have to work out, nagpapakundisyon kasi kita ninyo si Alyas Pogi before."
May patikim din si Bong sa kung anong dapat abangan sa pelikula.
Lahad pa ni Bong: "Kung kaya ko pang i-surpass yung mga ginawa ko before, gagawin ko. Mas matinding aksyon, mas matindi ang makikita nila at may may anak na si Pogi dito, isang babae at isang lalake.
"Abangan niyo kung sino yun ang mga makakasama kong matitindi, malalaking mga artista.
"Sisiguraduhin namin yun na magle-level up kami kasi kung napapanood nIyo si Tolome ngayon, naka-level up na yun.
"We have to surpass that and nakikita naman ng tao yun kung gaano kaganda yung ginagawa natin.
"Pang-television pa lang yun, so pag pang-pelikula kailangan mas maganda."
Proud din si Bong sa Walang Matigas Na Pulis sa Matinik na Misis, ang sitcom kung saan kapareha niya si Beauty Gonzales.
"We have our four last episodes. Hayun paganda nang paganda ang istorya, yung mga aksyon din. May mga kaunting pa-sexy, masaya."
Read: Kapuso comedienne Maey Bautista nag-"take advantage" kay Senator Bong Revilla
SENATORIAL WORK
Bilang isang senador, inisa-isa ni Bong ang mga pinangunahan niyang bills na sa ngayon ay pinapakinabangan na ng mga Filipino.
"Yung anti-no-permit-no-exam policy. Para yun sa mga estudyante, sa mga magulang. Sa mga teachers, tinaas natin yung chalk allowance, yung supply allowance nila is PHP10,000 na dating PHP5,000.
"Yung senior citizens, 80, 85, 90, 95, makakuha sila ng PHP10,000 every time they reach that age. Tayo ang principal author niyan, kumbaga main author.
"For senior citizens na from 60 gawin nang 56, ang daming nagrereklamo, sabi nila, 'Bakit ibababa ng 56, tatanda na kami kaagad? Magiging senior citizen na kami.'
"Pero kasi yung 20%, at least makuha nila yung 10%. Nasa committee level na yan so relax lang kayo, kapit lang, makukuha natin yan.
"Katulad nitong expanded centenarian law na ito, di mo ine-expect na papasa yan pero dahil sa napapanahon, kailangan ng ayuda ng mga lolo't lola, naipasa.
"May No. 1 bill na finile, di ba may top 20 bills kami, No. 1 ko yun."
