Trigger Warning: Mention of attempted rape, sexual harassment
May matapang na pahayag si Kai Suzon, boyfriend ng It's Showtime mainstay na si Cianne Dominguez, tungkol sa lalaking pinagtangkaan umanong halayin ang nobya.
Read: Who is Cianne Dominguez?
Sa Instagram Story ngayong Biyernes, April 12, 2024, nagbahagi si Kai ng larawan nila ni Cianne kalakip ang kanyang mensahe.
Aniya, "No one should ever have to endure or face the threat of sexual assault.
"Good thing my Cianne fought back and nothing serious happened.
"To everybody who experienced sexual assault before, know that you are not alone and fighting back is always important!"
Tila may banta naman siya sa suspek na nang-harass sa kasintahan.
Mensahe ni Kai: “To the guy who sexually assaulted (Shervey Torno), you're getting what's coming to you and I will see you soon.
"An eye for an eye.
"I'll do whatever I can in my power if I have to if it means protecting the ones that I love.”

Nagsampa ng mga reklamong Violence Against Women and Children (VAWC) at trespassing ang 22-year-old na si Cianne sa pulisya laban kay Shervey S. Torno, aka Ronnie Gray.
Nakabilanggo ngayon si Torno sa Station 10 ng Quezon City Police District sa Kamuning, EDSA, Quezon City.
Sa eksklusibong panayam ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) sa ama ni Cianne, ang bodybuilder at fitness buff na si John Florendo, ngayong araw, April 12, idinetalye nito ang tangkang panghahalay ng suspek sa It's Showtime mainstay.
Ayon sa ama ni Cianne, hindi personal na kilala ng anak ang suspek.
Lahad ng ama ni Cianne, “Sinabayan siya sa elevator, nagpakilalang fan at sinabing dun din siya nakatira sa 11th floor.
“Then, paglabas ni Cianne sa 8th floor, sinundan siya. At nung papasok na ang anak ko sa unit niya at isasarado niya ang pinto, pinigil siya ni Torno na pilit na papasok sa unit.
“Hinawakan niya si Cianne sa beywang at akmang hahalikan. Mabuti, malakas ang anak ko at nagpumiglas.
“Sumigaw siya at dun na tumakbong patakas ang suspect na nakuhanan ng video ng anak ko."
Read: Cianne Dominguez files complaints against suspect who allegedly tried to rape her
