PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

DENR: 2 Vloggers' Treatment of Tarsiers 'Disturbing'

Vloggers dapat managot, ayon sa Philippine Tarsier Foundation
by KC Cordero
Published Apr 12, 2024
One of the tarsiers being maltreated
Para sa Department of Environment and Natural Resources ay disturbing ang ginawang pagmamaltrato ng dalawang vloggers at pagkuha ng video sa mag-inang tarsier. Iniimbestigahan pa rin ng ahensya ang insidente. (Photo courtesy of DENR-Soccksargen)

Isa sa dalawang lalaki sa nag-viral na video noong April 8, 2024 sa social media ang humingi ng apology dahil sa paghawak at pagkuha ng video sa mga tarsier na kanilang nakita.

Nanindigan naman ang mga ito sa kanilang desisyon na ilipat ang mga tarsiers sa ibang lugar.

Ang insidente ay nangyari sa Barangay Maligo, South Cotabato.

Sa video na ini-upload sa Farm Boy Facebook page ay makikita ang dalawang lalaki na tila pinaglalaruan ang mga tarsier.

Makikita rin na nanlalaban ang mga ito mula sa pagkakahawak.

Read: Photo ng ibon na tila pinapalayas ang isa pang ibon, wagi ng award

The tarsiers being maltreated

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Napakailap na Philippine brown deer, namataan sa Marinduque

Inalis na sa ngayon ang naturang video matapos batikusin ng netizens ang uploader.

Para sa netizens, isang anyo iyon ng pagmamaltrato sa mga hayop para lang makakuha ng video ng maraming views.

Ayon kay Ryan Parreño, isa sa vloggers, nagpuputol siya at ang kanyang pinsan na si Sammy Estrebilla ng matataas na damo sa kanilang farm nang makita nila ang mga tarsier.

Muntik umano nilang aksidenteng mataga ng kanilang itak ang mga tarsier kaya nagdesisyon silang alisin ang mga ito sa kinakapitang halaman at inilipat sa ibang lugar.

Nagawa umano nilang mailipat sa ibang lugar ang mga tarsier sa loob lang ng 30 minuto.

Read: Estudyante, na-starstruck sa nakitang dazzling white deer: “It was beautiful and so cute."

Ani Ryan, “Mangayo lang ko og pasaylo sa mga ga-bash. Kung para sa inyoha nga mali akong gibuhat pero para sa akoa, tama akong gibuhat kay ngano man kung gipasagdaan lang nako sila didto, gilimpyohan nako ang area nila didto, wala na sila’y mapuy-an man gud.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Roughly translated, ang sinabi niya ay: "Manghihingi lang ako ng tawad sa mga nang-bash. Kung para sa inyo ay nagkamali ako sa ginawa ko, pero para sa akin tama lang ang aking ginawa, kung bakit pinabayaan ko lang sila doon, nilinis ko ang lugar or area nila doon, wala na silang matirahan kasi.”

Read: Meet the "Pokpok," noisy and colorful bird of the Philippines

Ang mga tarsier ay nakatala bilang near-threatened species.

Madali rin silang ma-stress kapag hinahawakan ng tao.

Ito ang dahilan kung bakit sa Loboc Tarsier Conservation Area sa Bohol ay hindi pinapayagan ang mga bisita na hipuin man lang ang mga tarsier.

Sinabi naman ng Department of Environment and Natural Resources-Soccsksargen (DENR-12) na naibalik na sa wild ang mga tarsier na nakita nina Ryan.

Kasalukuyan ding iniimbestigahan ng DENR ang insidente.

Sa inilabas na statement ay itinuring din ng ahensya na “disturbing” ang ginawa ni Ryan at ng kasama nito, lalo pa at napag-alaman na mag-ina ang tarsier kaya fragile pa ang anak nito.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Photo of the tarsiers

Read: Lalaking lasing, nakipag-bonding sa isang leon; kataka-taka, hindi siya nilapa!

Statement of DENR

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon naman sa conservation group na Philippine Tarsier Foundation, ang mga tarsiers ay nocturnal at karaniwang nagpapahinga tuwing araw.

Wala ring kalaban-laban ang mga ito kapag araw kaya madaling nahuli ng vloggers.

Binatikos din ng Philippine Tarsier Foundation ang paghawak ng mga vloggers sa tarsier at ang pagkuha sa mga ito ng video.

The tarsiers

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: “Ibong Adarna” namataan sa Mount Apo

Para sa foundation, dapat managot si Ryan at ang kasama nito.

May katapat na kaparusahan ang pagmamaltrato at pananakit sa wildlife sa ilalim ng Wildlife Resources Conservation and Protection Act.

Sa ilalim ng naturang batas ay ipinagbabawal din ang pagsunog, logging, mining, and quarrying sa mga lugar na idineklara ng pamahalaan na critical habitats ng wildlife.

Ang Philippine Tarsiers ay kabilang sa listahan ng DENR ng threatened species.

Noong 2015, nakabilang din ang Philippine Tarsier sa listahan ng 25 most endangered primates ng International Union for Conservation of Nature and Natural Resources.

Read: Meet Girlie, ang 43-year-old Philippine eagle sa Quezon City

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Para sa Department of Environment and Natural Resources ay disturbing ang ginawang pagmamaltrato ng dalawang vloggers at pagkuha ng video sa mag-inang tarsier. Iniimbestigahan pa rin ng ahensya ang insidente. (Photo courtesy of DENR-Soccksargen)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results