Dumipensa si Vice Ganda mula sa ilang netizens na pinupuna ang biruan nilang mga It’s Showtime hosts na nagiging pisikalan.
Sa mga fans ng ABS-CBN noontime show, hindi na bago kung mapapanood na may pisikalan minsan sa biruan ng mga hosts, partikular sina Vice, Anne Curtis, Jhong Hilario, at Vhong Navarro.
Bukod sa pagiging co-hosts, magkakaibigan din ang mga ito.
Pero may ilang netizens na It’s Showtime viewers din na hindi aprubado sa pisikalang biruan ng hosts, o “bardagulan” kung tawagin nina Vice.
Nagsimula ang usapin nang magkomento si Vice sa isang posted video nila ni Anne nitong Biyernes ng gabi, April 12, 2024.
Makikitang nasa backstage sina Anne at Vice at kita sa camera na tila nagtatarayan silang nag-uusap.
Pagkatapos ay pareho silang ngumiti at nagyakapan.
Komento ni Vice sa video: “Ewan ko ba kung bakit ganyan ang trip naming lagi! Kahit off cam masayang masaya kaming nabubwisitan! Ang labo ng love language naming hahaha!”
Pero mukhang may ilang netizens na di natutuwa sa kanilang “love language.”
Read: Karylle gives backstory of Janella Salvador’s "kayo na lang" remark to Kim Chiu
Nag-joke ang isang netizen na buti raw ang biruan nila ay hindi nananakal gamit ang kable ng kuryente o hampasan ng tabla.
Pabirong sagot ni Vice: "Hanggang sakalan lang po kami. Pero lotlot [talo] ako kay anne because i have barbie arms. Chozzzz!"


Read: TIMELINE: Kathryn Bernardo's groundbreaking ceremony to housewarming party journey
NETIZENS CRITICIZE IT’S SHOWTIME HOSTS’ BARDAGULAN
May ilang netizens na nag-reply sa post na ito ni Vice.
Paalala ng isang female netizen, wala siyang nakikitang mali sa asaran, pero huwag naman daw paabutin sa pisikalan.
Mensahe ng netizen kay Vice (published as is), “wag mong pisikalin si Anne Meme, respect mo parin pagiging babae nya.”
At saka inilahad ng netizen ang napanood niyang episode kung saan may inilagay si Jhong sa buhok ni Vice, “tapos bigla mong sinabunutan si Anne napagbintangan mo sya. Respect po parin sya,” dugtong ng netizen.
Sinagot ito ni Vice. Ipinunto ng host-comedian na maaaring may biruan silang magkakaibigan na hindi pasado sa panlasa ng iba.
Mensahe ni Vice sa netizen (published as is): "Wag nyo po kaming alalahanin.
"Kami mo po ang may relasyon kaya kami po ng magdedecide kung paano kami maghaharutan.
"Iba iba po ang dynamics ng mga magkakaibigan."


May isa pang netizen ang sumagot at pumanig sa netizen na pumuna kay Vice.
Katuwiran ng netizen, may “social responsibility” sina Vice bilang host, lalo na sa kanilang younger audience.
Sabi ng netizen (published as is): “hello @vicegandako pero syempre national tv kayo…may kaakibat na social responsibility kayo..wag natin gawing pisikalan ang birua kasi iisipin ng mga bata…okay lang yun..”
Maiksi at diretso ang sagot ni Vice: “Ang programang ito ay Rated PG.”

Read: Anne Curtis, Vice Ganda, other celebrity guests at Laureen Uy-Miggy Cruz wedding
Rated PG (Parental Guidance) ang isang programa kapag kailangan ng patnubay ng mga magulang sa minor audience.
Marami namang supporters ni Vice ang nagtanggol at pumanig kay Vice.
Sabi ng isang supporter: “Can relate to this… ganito ang true friendship.”
Sagot ni Vice: “Bardagulan is the newest love language. Hehehe”

KARYLLE ASKED IF THERE IS PIKUNAN AMONG HOSTS
Samantala, nitong Biyernes ay naging guest ang It’s Showtime host na si Karylle sa GMA-7 morning show na Unang Hirit.
Natanong dito kung nagkakaroon ba ng pikunan sa biruan ng mga hosts.
Dito ay ginawang ehemplo ni Karylle ang pagkakaibigan nila ng fellow co-host na si Ryan Bang.
Sabi ni Karylle, dahil sa tagal ng pinagsamahan nila ni Ryan ay malalim na ang level of bonding nila, kaya ang asaran nila ay “next level na.”
Pagpapatuloy ni Karylle, “Minsan iniisip ko, ‘Shucks, nagkakapikunan.’ Pero ang galing niya kasi, ‘Ate Karylle, I love you.’ After every asaran, may bawi siya. Just in case naasar ako nang tunay. Kasi minsan acting-acting lang kami, di ba, pero, ‘Ate K, I love you.’ May paalala palagi.”
Sa paliwanag ni Karylle ay mahihinuha na mas nangingibabaw ang lalim ng kanilang pagkakaibigan kung nakakaranas man ng pikunan.
