PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Direk Cathy on KathDen Romance: Don't Judge.

Direk Cathy clarifies that Daniel Padilla didn't oppose Hello Love Goodbye sequel.
by Julie E. Bonifacio
Published Apr 14, 2024
Direk Cathy Garcia-Sampana
Kathryn Bernardo
Alden Richards
Direk Cathy Garcia-Sampana (left) on rumored KathDen romance (right): “Hindi po ibig sabihin na dahil nagkasama lang ay nagkaligawan na po. Puwede namang pure friendship and puwede rin naman simula of something. But wala po tayong alam doon. So let’s not judge or assume something. Hahaha.”
PHOTO/S: Credit: Julie Bonifacio / Nice Print Photo

Nagbigay ng reaksyon ang direktor na si Cathy Garcia-Sampana sa usap-usapang relasyon nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.

READ: Kathryn Bernardo fans, Team KathDen na ba o Team KathNiel pa rin?

READ: Kathryn Bernardo, Alden Richards set social media ablaze with kilig videos

Malaki ang naging bahagi ng box-office director na si Direk Cathy sa careers nina Kathryn at Alden.

Si Direk Cathy ang direktor ng kauna-unahang pelikulang pinagtambalan nina Kathryn at Alden under Star Cinema, ang Hello Love Goodbye, na tumabo sa takilya ng P840 million noong 2019.

Mahigit apat na taon nitong hawak ang record bilang highest-grossing movie ng bansa. Naungasan lamang ang Hello Love Goodbye ng Rewind, starring Dingdong Dantes at Marian Rivera, na tumabo ng sobra sa P900 million nitong 2023.

Ang kuwento-kuwento ngayon tungkol kina Kathryn at Alden ay nililigawan daw ni Alden si Kathryn matapos ng break-up ng aktres sa kanyang on-and-off screen partner na si Daniel Padilla.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May mga naniniwalang may relasyon na ang dalawa dahil sa body language umano ng dalawa sa ginanap na surprise birthday celebration para kay Kathryn.

READ: VIRAL: Kathryn Bernardo and Alden Richards' kilig moments at house blessing

Itinutuwid ito ni Direk Cathy: “Nagkataon lang na birthday nung tao. Huwag nating bigyan ng kulay. Sadya lamang po na hindi imbitado sina Joross [Gamboa], si Jeffrey [Tam], pati na ako.

“Alam naman natin na private party lang yun. That’s alright. Parang nung kinasal din ako… private lang din.

“Kanya-kanya tayo kaya walang problema sa ganoon.

“Saka nagkataon na sila ay magkasama. Kaya walang ibig sabihin yun.”

Matutuwa kaya siya kapag nagkaroon ng special relationship sina Kathryn at Alden?

“Hay, hala! Ano ba yun?!?” bulalas ni Direk Cathy.

“Ang bilis-bilis!

“Hindi po ibig sabihin na dahil nagkasama lang ay nagkaligawan na po. Puwede namang pure friendship and puwede rin naman simula of something.

“But wala po tayong alam doon. So let’s not judge or assume something. Hahaha.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Wala naman sigurong masama kung maging sina Kathryn at Alden dahil pareho silang walang commitment sa iba sa ngayon, di ba?

“Oo, pero ako, gusto ko munang magpahinga ang puso ni Kathryn. Para mas open kapag tumanggap ng bago kahit sinuman yun,” payo ni Direk Cathy.

DIREK CATHY IN CANADA FOR LOCATION SHOOT AND FILMFEST

As of this writing, nasa Canada na si Direk Cathy.

Nung una ay ayaw niya i-reveal ang iba pang dahilan ng pagpunta niya sa Canada.

Pahayag ng direktor: "A-attend ako ng filmfest sa Canada at tayo po ay may konting Q and A and meet-the-press. At may pa-free 100 tickets sa mga manonood ng Hello Love Goodbye."

Liban dito, napag-alaman naming maglo-location hunting din si Direk Cathy sa Canada para sa gagawin niyang pelikula doon.

Nilinaw agad sa amin ni Direk Cathy na hindi Part 2 ng Hello Love Goodbye ang gagawin sa Canada.

Pero, definitely daw, gusto ni Direk Cathy gumawa ng Part 2 ng Kathryn-Alden monumental movie.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Yes,” sambit ni Direk Cathy. “Ako naman, inaabangan ko ang Part 2. Pero wala pang confirmation. Bagamat kami pong lahat ay umaasa pa lang. Sana nga, ‘no?

“Kung yung ibang tao gusto ng Part 2, kami rin. Puwede namang pagbigyan,” ngiti pa niya.

DIREK CATHY DEBUNKS RUMOR THAT DANIEL OPPOSED HELLO LOVE GOODBYE SEQUEL

Klinaro rin ni Direk Cathy ang isyung kumalat sa socmed na pinigilan diumano ni Daniel si Kathryn na gawin ang Part 2 ng Hello Love Goodbye.

READ: Direk Cathy Garcia-Sampana nagsalita kung bakit hindi natuloy ang part 2 ng Hello Love Goodbye

“Ah, hindi naman. Kasi hindi naman kayang hadlangan ni Daniel ang ganoong kalaking proyekto,” paglilinaw ni Direk Cathy.

Dagdag pa niya, “At si Kathryn naman ay may sariling isip. So, pag gusto niya, gusto niya.”

Katulad lang din daw ng nangyari sa One More Chance na isa ring box-office success ng direktor, na pinagbidahan nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo, ang nangyari sa Hello Love Goodbye.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Parang One More Chance lang iyan, hindi basta-basta dudugtungan. So, in God’s perfect time. Kung ito na nga ba iyon e, di matutuloy iyan,” ani ni Direk Cathy.

Matagal na raw pinag-iisipan ang Part 2 ng Hello Love Goodbye.

“Kaya lang maraming nangyari. Nagka-pandemya. Maraming nangyari na… hindi lang natuloy.

“Hopefully, with God’s permission matuloy na siya finally,” dasal pa niya.

DIREK CATHY HANDS-ON IN NEW SINGING COMPETITION

Samantala, brainchild ni Direk Cathy ang singing competition na Gimme A Break na nagsimula noong may pandemic sa ilalim ng kanyang new production, ang Nickl Entertainment.

Pito ang naglalaban-laban na mystery contestants that night kasabay ng 54th birthday celebration ni Dr. Carl Balita.

Direk Cathy Garcia-Sampana
Carl Balita

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tatlo ang napiling winners that night at sila-sila rin ang maglalaban-laban sa grand finals sa buwan ng June.

Ang top three mystery contestants na nakapasok sa grand finals ay sina Blue Bird, Scarlet Pitch, at GClef.

Ang mga hurado ay pinangungunahan nina Direk Cathy, Joross Gamboa, Jeffrey Tam, Beverly Salviejo, Rocky Garcia, and Frenchy Dy.

Direk Cathy Garcia-Sampana

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Masaya ako kasi alam mo naman ang ating intensyon. Makatulong, and more than that, mai-showcase ang talent ng Pinoy.”

Sa kasalukuyang kompetisyon ay mga guro muna ang kanilang itinampok na contestants.

“Lahat naman uunahin kaya si Sir Carl is very famous ‘no…. yung kanyang review center for teachers kaya inuna ko muna sila. Mga susunod nating editions pwedeng nurses naman, puwede rin yung mga nagkri-criminology,” lahad niya.

Todo ang support sa Gimme A Break ni Dr. Carl.

“Nickl Entertainment po ang nag-mount ng Gimme A Break na suportado po tayo ni Dr. Carl Balita.

“Talagang nagkataon, pareho ang vision namin na: ‘Bakit nga ba ang Pinoy ‘no?’ Parang ‘yun ang gusto naming i-prioritize.

“Pinoy muna. I-showcase ang galing ng mga Pinoy and hopefully tangkililin ng ibang bansa.”

Nag-start ang Nickl noong February 2021.

“Bakit ko naisip ang Gimme A Break?" saad niya.

“Nanggaling iyan diyan. Nanggaling iyan talaga sa ano, magpro-produce sana kami ng Korean show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Tapos, na-realize namin, ang mamahal pala nila.

“So, sabi ko, ang Pinoy kaya nababayaran din ng ganito kamahal? So, doon kami nagsimula.

“Naniniwala naman tayo na ang mga Pinoy ay may talento sa pagkanta. So, bakit hindi muna yung sa atin ang pasikatin natin?

“Nagkataon na si Dr. Carl Balita felt the same way pala.

“Bakit nga ba kuha tayo nang kuha from another country tapos dito pinagshu-show? Bakit hindi yung sa atin ang ipag-show dito and then, eventually, ipag-show sa labas.”

Anong plano sa mananalo?

“Right now, ang grand champion will be managed by CLNjK na another company na sister ng Nickl. Pinagbaligtad lang yung mga letters noon, e.

“So, ginawang CLNjK Artist Management. Kasama po doon ang pagma-manage namin ng mga artist. At isa sa mga una naming ima-manage ay sina Frenchie Dy,” pagtatapos ni Direk Cathy.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Direk Cathy Garcia-Sampana (left) on rumored KathDen romance (right): “Hindi po ibig sabihin na dahil nagkasama lang ay nagkaligawan na po. Puwede namang pure friendship and puwede rin naman simula of something. But wala po tayong alam doon. So let’s not judge or assume something. Hahaha.”
PHOTO/S: Credit: Julie Bonifacio / Nice Print Photo
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results